Jaemin POV
Nasa isang kwarto na kami dito sa venue ng party kasama ang mga anak ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari mamaya, hindi ko alam kung kakayanin ko ba na humarap sa lahat ng tao. Ang alam ko ilan sa mga classmate at schoolmate ko noon ay nandito rin kaya mas lalo akong kinakabahan.
"mommy.."
Inabot ni Minje ang magkabilang pisnge ko at hinalikan ako sa labi, sinuklian ko rin naman siya ng halik sa magkabilang pisnge niya.
"yes baby?"
"are you okay mommy?"
Nabigla naman ako sa tanong ng anak ko. Ganun na ba kahalata na kinakabahan ako, pati anak ko nakapansin na rin.
"of course anak, mommy is okaaay. "
"promise?"
"promise baby."
Bumalik na siya ulit sa pakikipaglaro sa mga kapatid niya. Nasa gilid lang naman sila ng kwarto pinaglalaruan nila ang mga laruan na ibigay ng boyfriend ni kuya. Ang saya saya nga nila nang makita na may regalo sa kanila ang bago nilang Tito.
Bumukas ang pinto at nag sipasukan ang mga maiingay.
"Nanaaaaaaa"
"hyungggg"
"hindi naman kami na orient Jae hyung na ganito pala ka sosyal tong party niyo. Bongga!"
Natawa naman ako sa mga sinasabi nila.
"siraulo ka talaga Chenle! Para namang hindi ganito ang mga trip na party ng mga magulang mo."
Sita ni Jisung sa kanya. Binatukan naman siya nito habang nakapout. Ang cute nila. Balak ko silang gawing figurines sa bahay.
"nasan na ang mga bubwet?"
Tinuro ko naman kung nasan sila at nagsiunahan sila sa pagtakbo papunta sa tatlo. Napapailing nalang ako habang tinitingnan sila.
"kape mo. 6 shot."
Kinuha ko naman ang kape na inaabot ni Renjun sa akin.
"thank you Junnie"
Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko.
"handa ka na ba talaga Jae?"
Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa mga anak ko at kaibigan namin na nag-iingay sa gilid.
"handa na ako junnie. Wag kang mag-alala sakin."
"mabuti naman Jae, alam mo naman diba na kahit anong mangyari nandito lang kami."
Pinisil niya ang kamay ko,.
Bumukas na naman ang pinto and this time sila mommy na ang pumasok.
"hi baby"
Niyakap nila ako
"hi Renjun-ah, buti naman at nakapunta kayo"
Niyakap siya ni mommy at daddy
"of course naman po tita, tito.. kailangan ni Jae ng moral support."
Napatawa naman ako sa sinabi ni Renjun. Nagsilapitan na rin ang iba pa naming kaibigan at isa isang binigyan ni mommy at daddy ng yakap.
Pumasok na rin si kuya sa loob.
"mom, dad, everything is ready. Nandito na ang lahat ng mga bisita na nasa master list."
Kinarga ni kuya si Minje habang nakahawak ang isang kamay niya kay Mino. Kinarga naman ni daddy si Jaeno.
Tumayo na ako at tinanguhan sila.
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...