Pagkatapos naming kumain, nag-aya ang mga bata na gumala muna daw kami sa Mall. Wala naman akong magagawa, talo ako sa tatlo kong cute na mga bagets. Gusto sana sumama nila mama pero meron pa daw silang aayusin sa company kaya kami nalang apat ang nandito.
"Mommy.. "
Tinitingnan ko ang anak ko na si Minje na nakatingin sa Toy Store. Alam ko na kung anong gusto nito nagpapabili na naman ng doll.
"sige baby bibili tayo ng toys pero hintayin muna natin ang Jaeno oppa mo ha, pagkatapos natin diretso na tayo dun."
"okay po mommy"
Ito ang gusto ko sa mga anak ko marunong sila maghintay.
"mag libot-libot ka muna anak baka may gusto ka ipabili kay mommy, tingnan mo si Mino oppa mo, namimimili ng coloring books baby"
"sige po mommy!"
Masaya naman siyang tumakbo papunta sa kapatid niya. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanila pero nasan na naman kaya ang panganay ko? Baka nandun na naman siya sa mga kinahihiligan niya. Bata pa lang si Jaeno pero mahilig na magbasa ng Encylopedia, almanac at atlas. Mula ng regaluhan sila ni Yangyang ng mga ganung libro na kinagalit ni Renjun kasi di pa naman yun magagamit ng mga bata pero nabigla kami ilang araw niya itong tinitignan at pinapabasa sa amin hanggang sa siya na mismo ang nagbabasa.
Pinuntahan ko siya sa section kung saan makikita ang mga encyclopedia at Nakita ko nga ang anak ko na may kausap. Hindi ko Makita ang mukha ng kausap ng anak ko dahil nakatalikod ito sa akin. Para silang mag-ama na nag-uusap. Ano kaya kung kompleto kami? Gagawin din kaya niya to sa mga anak ko?
Habang tumatawa si Jaeno sa ikinuwento ng kasama niya napatingin siya sakin at yumakap agad.
"mommy! Gusto ko ito tapos itong hawak ni kuya tinulungan niya rin ako para makuha tong book hindi ko po kasi abot ee."
Ngumiti naman ako sa anak ko at binigyan ng halik ang ulo at magkabilang pisngi nito. Napatingin nalang ako sa kasama ng anak ko nang tawagin nito ang pangalan ko.
"J-jaemin?"
Napatulo ang luha ko habang nakatingin sa taong kasama ng anak ko na ngayon ay nakaharap na sa amin ng anak ko.
Bakit ngayon pa?! bakit ngayon na kasama ko ang mga bata?!
pinunasan ko ang luha ko at dali-daling kinuha ang libro na ipapabili ng anak ko.
"Salamat sa pagtulong sa anak ko, anak.. alis na tayo"
"jaemin teka lang.."
Napatigil ako habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya.
"bakit? Anong kailangan mo Jeno?"
Oo, si Jeno nga ang kasama ng anak ko. Ang pinangarap ko na makasama ng mga anak ko sa paglaki nila.
"mag-usap muna tayo please Nana.."
Nakatingin lang ang anak ko sa amin. Seryosong seryoso ang mukha nito. Alam kung nagdududa na ito sa amin at may hinala na ito na ito ang daddy nila.
Sino ba naming hindi magdududa, carbon copy lang naman siya ng ama niya. Si Mino ang mata at labi ang nakuha sa tatay niya si Minje naman ay mata at ilong pati rin ang ugali nito na mahilig maglambing pag may kailangan.
Lumuhod ako sa harap ng anak ko at binigay sa kanya ang credit card ko.
"baby.. puntahan mo muna yung mga kapatid mo, tas heto ang credit card ni mommy... bayaran mo na lahat ng gusto niyong bilhin."
"pero mommy..."
"sandal lang si mommy, okay ba yun anak?"
Ang cute ng anak ko. Hahahaha naka pout pa habang nakatitig sakin, alam kong nagdadalawang-isip pa to kung aalis ba siya o hindi pero kalaunan ay ngumiti rin ito sa akin at tumango.
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...