Chapter 5

60 7 1
                                    

Jaemin POV

Nasa sasakyan na kami pauwi sa bahay. Tahimik lang ang dalawa habang niyayakap ang nakakabatang kapatid. Nakatulog na sa kakaiyak si Minje.

Bumabalik na naman sa isip ko ang mga nangyari kanina. Bakit ba kasi kami nagkita? May galit ba talaga sakin si Tadhana?

"Sir, nandito na po tayo"

"Salamat po"

Nginitian ko muna ang driver naming bago binuhat si Minje palabas sa sasakyan, nakasunod naman sa amin ang dalawa.

Tahimik pa rin ang dalawa. Okay lang sana kung si Jaeno kasi sanay na kami sa pagiging tahimik niya pero si Mino... kahit kailan hindi pa namin siya nakita na nagkaganito.

pagbukas namin ng pinto, akala ko wala kaming tao na madadatnan sa bahay bukod sa mga kasambahay pero nandito sila mama at papa pati na rin si kuya.

"Nanaaaaaaaaaaaa"

Napangiti naman ako nang makita ko si Renjun kasama sila Yangyang, Chenle, Jisung, Hendery at Xiaojun. Namiss ko silang lahat. Ilang buwan ko din silang hindi Nakita dahil nauna silang umuwi sa amin. Habang nasa States ako, nakilala ko rin ang mga pinsan ni Renjun na sila Chenle at Xiaojun may extra pa kasi pati mga Boyfriends nila nakilala ko na rin.

"Lele.. kamusta kayo?"

"Ito pinagtitiisan pa rin si Jisung.."

"yah!"

Binatukan naman siya ni Jisung na tinawanan lang ni Chenle. Napadako ang tingin nila sa magkakapatid na nasa tabi ko pati sila mama napansin din ang pagiging tahimik ng dalawa.

"Baby Jaeno, Mino... pagod na ba kayo?"

Tumango lang naman sila, nakahawak pa talaga sa laylayan ng damit ko. Hay nako... bakit ba ang cu-cute ng mga anak ko.

"ihahatid ko na sila sa kwarto nila bunso para makapagpahinga"

Hinalikan niya ako sa noo bago kinuha mula sa akin si Minje at pinasunod ang dalawa sa kanya papunta sa taas. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa kwarto.

Pinaupo ako nila mama sa Sofa habang pinapalibutan nila.

"anak.. anong nangyari kanina?"

Tumulo naman ang luha ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang nangyari kanina.

"anak..."

Niyakap ako ni mommy.

"mommy...."

Para akong bata habang nakayakap kay mommy.

"ano bang nangyari anak, bakit ang tahimik ng dalawa?"

"k-kanina po... kanina... n-nakita namin si J-jeno...."

Bakas naman sa mga mukha nila ang gulat at galit lalo na si daddy, nakakuyom pa ang mata nito na hinahawakan ni mommy.

"ANONG GINAWA NG GAGO SA INYO?!"

"n-nakita niya ang mga anak ko... mommy... alam niya po na pwede akong mabuntis... t-tinanong din niya kung anak ba niya ang tatlo.... Mommy..."


Jaehyun POV

Pagdating sa kwarto, dahan dahan kong inihiga sa kama si Minje nang masiguro kung nakaayos na ito ng pwesto tiningnan ko naman ang dalawa na nakaupo lang sa gilid ng kama habang nagtititigan.

Ano ba talagang nangyari kanina? Bakit nagkaganito ang dalawa?

"Mino anong problema niyo? Jaeno?"

Daddy JenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon