JAEMIN's POV
Pinapasok kami ni Jeno sa opisina niya. Makikita sa interior ng buong opisina ang manly and elegant vibes na hindi nalalayo sa taste ni Jeno. The furniture also.. mukhang mamahalin at pinag-isipan talaga ng mabuti. Sa isang sulok may nakita akong patong-patung na mga regalo. Maybe galing sa mga business partners niya.
"please take your seat.."
Umupo kaming apat sa sofa na nasa opisina nito. Kitang-kita sa mukha ni Jeno ang sobrang saya and I am also so happy.
"babies.. ahh.."
Parang nag-aalangan siya kung pano tatawagin ang mga anak niya. Alam na naman niya ang mga pangalan ng mga ito.
"mga anak.. halika muna kayo"
Tumayo silang tatlo sa harapan ko.
"jeno.. sila pala ang mga anak ko... si Jaeno.. Mino at Minje..."
"mga anak siya ang daddy niyo..."
"mga anak NATIN Jae.."
Sabat ni Jeno
May namumuong mga luha sa mga mata ng mga anak ko. Tinititigan lang nila ako at para bang nagtatanong kung okay lang ba na lapitan nila ang daddy nila kaya tumango ako..
Tumakbo sila sa bisig ng ama nila na tinanggap naman ni Jeno.. nag-iiyakan ang apat habang nagyayakapan. Madadama mo ang pangungulila nila sa isa't-isa. Dahil sa aking nakikita hindi ko na rin maiwasan na mapaiyak.
Hindi ko alam na ganito pala kasabik ang mga anak ko sa daddy nila at pinipigilan lang nila dahil ayaw nila akong masaktan.. akala ko ako ang pomoprotekta sa kanila pero kabaliktaran pala.
Nagpadala ako sa takot ko na kailan man hindi ako mamahalin ni Jeno at nagpakalunod ako sa kalungkutan at sakit.
"babies... "
Pinupunasan ko ang aking luha na walang tigil pa rin sa pagtulo. Titig na titig si Jeno sa mga anak namin na nakakandong sa kanya.
"n-nakikita niyo ba yung mga regalo na nasa gilid?"
Napatingin kaming apat sa mga regalo na napansin ko kanina
"r-regalo ni daddy yan sa inyo every birthdays at holidays... i-I'm sorry hindi nabigay ni daddy.. tsaka isa lang ang binibili ko kasi... hindi naman alam ni daddy na may tatlo pala akong mga anghel.."
Umiiyak siya habang sinasabi iyon. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Sa buong panahon na nasa ibang bansa ako.. akala ko ako lang ang nasasaktan, akala ko ako lang ang nahihirapan at nangungulila sa kanya pero parehas lang kami ng nararamdaman..
"C-Can we have it daddy?"
Pagtatanong ni Minje
"of course baby.. pero panlalaki kasi ang binili ni daddy.. hindi kasi alam ni daddy na may beautiful princess pala siya..."
"it's okay daddy.. share share na lang po kaming tatlo.. diba mga kuya..?"
Tumango naman ang dalawa na parehong nakayuko at pinaglalaruan ang mga kamay nila.
"Mino? Jaeno? May masakit ba sainyo?"
Umiling naman silang dalawa pero patuloy parin sila sa ginagawa nila.
"what's the matter buds?"
nag-aalalang tanong ni Jeno sa dalawa. Tinaas niya ang mga ulo nito at isa isang tinignan sa mga mata.
"what's wrong bud? hmm.. you can tell it to dad.."
"d-dad... we're so sorry f-for what we have said to you.."
"y-yes dad.. hyung and I.. we don't hate you because your our daddy b-but because you're hurting mommy... pero sabi ni mommy dapat bigyan ka namin ng c-chance.."
Napangiti naman si Jeno. I can see that he's proud of our children.
"no problem buddies.. I should thank you.. you protected your mom and sister while dad is not there for the four of you.."
"yes po! We love mommy and Minje!"
Pagmamayabang ni Mino. Tahimik lang si Jaeno habang yakap yakap ang braso ng ama. Kahit tahimik man siya alam ko na sabik na sabik na ito sa ama.
"you should get your gif—"
"yah! Lee Jeno!!!"
Bumukas ang pinto at bumulaga sa amin si Taeyong hyung na kagaya namin ay nabigla rin sa kanyang nakita.
"J-jaemin?"
Napatingin siya sa mga bat ana kandong-kandong ni Jeno. nagliwanag ang mukha niya at tumakbo sa pwesto Ng apat.
"s-sila na ba ang mga pamangkin koo?"
Napairap naman si Jeno
"parang hindi mo sila nakita sa party hyung"
"ayy! Oo ng apala.. hehehe"
Napatawa na ako sa dalawa
"hi kids.."
Tinititigan lang siya ng tatlo
"I'm your tito taeyong.. kapatid ko ang daddy niyoo.."
Napalaki naman ang mata ni Minje sa sinabi nito at niyakap agad si Taeyong hyung. Nang hindi pa rin gumagalaw ang dalawang kapatid hinila nito ang mga kamay nito at nilagay sa likod ni hyung. Umalis na rin sila sa kandungan ng daddy nila
"yakapin niyo si tito teayong!"
Nahihiyang yumakap ang dalawa sa kanilang tito. Na binigyan sila ng isa isang halik sa pisnge.
"sos ko naman ! kung hindi pa ako bumisita sa opisina hindi ko pa malalaman na nandito pala ang mga pamangkin ko... bakit hindi mo man lang sinabi saakin Jeno!?"
Napakamot naman sa ulo si Jeno.
"ngayon ko lang sila nakita hyung.. supposedly ibibigay ko sa kanila ang mga regalo nila for this past years pero pumasok ka sa eksena.."
"oh! The gifts!!? Oo nga! Kids.. halikayo! Buksan niyo ang mga regalo niyo alam niyo ba may mga regalo din si tito taeyong na nakalagay diyan para sa inyo..."
Nagningningan ang mga mata nila.
"of course. After the party... bumili ako ng mga toys na sigurado ako na magugustuhan niyo."
"totoo po?"
"yes naman! So ano buksan niyo na ang mga gift.."
Nagtakbohan sila doon at nag uunahan kung anong regalo ang bubuksan.
"ako muna magbabantay sa kanila, I know marami pa kayong dapat pag-usap so I'm giving you time to talk. Please ayusin mo ang relationship niyo Jeno. ikaw naman ang may kasalanan ng lahat."
Niyakap ako ni taeyong hyung tsaka hinalikan sa pisnge.
"welcome back Jae.. Nana.. baby.. alam mo naman diba na mas gusto kita na maging kapatid kaysa sa gagong to.."
"hyung naman!"
"tsk. Shut up Lee Jeno. now go out and talk."
Tumango kaming dalawa bago nagpaalam sa mga bata na mag-uusap lang kami ng daddy nila. May pag-aalala sa mga mata nila pero ni reassured ko naman sila na para sa kanila ang paguusapan namin. Hinalikan muna namin sila bago kami lumabas.
"ah... saan mo gustong pumunta.?"
"sa Min Café na lang.."
"okay sure.."
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...