Jeno POV
I need to talk to my Nana. Pagkatapos makapagsalita ang mommy at daddy niya, nagpatuloy ulit ang kasayahan.
Tumayo ako sa upuan ko para hanapin si Jaemin.
"saan ka pupunta?"
Bakas sa mukha ni Taeyong hyung ang pag-aalala.
"hahanapin ko lang siya hyung, gusto ko siyang makausap."
"kung ano man yang iniisip mo jeno, pag isipan mo muna."
"hyung... I know what I'm doing."
"I hope so.."
Ininom niya ang natiitirang wine niya sa at tumayo rin.
"kukuha lang ako ng wine sa buffet table."
Sinundan ko lang si hyung ng tingin habang papunta siya sa buffet table, may mga ibang nagpapapicture sa kanya, meron ding nakikipag kamay. Kita ko naman na nag-aalala si hyung sakin but hindi niya medyo pinapahalata sa akin.
Nilapitan ko ang nag MC kanina.
"excuse me, "
Kita ko naman ang pagkagulat niya nang kausapin ko siya. Hindi siguro nito inaakala na lalapitan siya ng isa sa mga tao dito.
"itatanong ko lang sana kung nasan si Mr. Na Jaemin."
"si Mr. Jaemin po?"
"yes"
"and what do you want from my brother Mr. Jeno Lee?"
Nasa likod ko si Na Jaehyun, ang kapatid niya.
Sinenyasan niya ang tauhan niya na umalis na agad naman nitong ginawa.
Napapaisip ako minsan kung bakit galit na galit sa akin noon si Jaehyun. Nung minsang sinundo ko si Taeyong hyung sa isang photoshoot, tyempo naman na nasalubong ko siya binigyan ko siya ng ngiti pero dumaan lang ito sa harapan ko at hindi man lang ako pinansin. Hindi ko nalang yun pansin kasi baka pagod o wala lang siya sa mood. Nasundan ulit yun nung nagkita kami sa isang restaurant. Papalabas na sila ng ka meeting niya samantalang kami ay papasok pa lang. binati niya isa isa ang mga kasama ko pero parang hindi niya ako nakikita. Pati ang mga kasama naming ay nabigla sa pakikitungo niya sa akin.
Ngayon alam ko na... naiintindihan ko na kung bakit siya ganun sakin.
"i.. I just want to talk to him.. please.."
Nag smirk siya sakin bago ako tinignan ng maigi.
"at bakit naman ako papayag? Para ano? Para saktan na naman ang kapatid ko?"
"h-hindi ko naman sinasadya ang lahat ng pangyayari noon."
Nagmasid muna siya sa kanyang paligid, pati ako ay napatingin na rin at pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"let's just talk somewhere. Follow me."
Sinundan ko siya papunta sa isang kwarto.
"now what?"
Prente itong nakaupo sa upuan habang sinesenyasan ako na umupo
"I just want to talk to him about our past."
Tinaasan niya ako ng kilay
"what about your past?"
"y-yung nangyari sa amin..."
"oh! You mean yung ginawa mo sa kapatid ko noong mag-isa siya dito? Noong binigay na niya sayo ang lahat pero anong binigay mo? Sakit? Kawalang hiyaan?! Di ka pa talaga nakontento! Binuntis mo pa talaga siya! You know what Jeno!! matagal na akong nag titimpi sayo. Be thankful to my brother dahil kung hindi lang niya ako pinipigilan baka wala ka sa lugar mo ngayon."
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfikceNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...