JAEMIN's POV
Tanghali na pala nang magising ako. Kinapa-kapa ko pa ang tabi ko kung nandito pa ba ang mga bata pero wala na sila sa kama, baka nasa baba na sila.
Inayos ko muna ang kama namin at nag-ayos ng sarili. Ayoko naman mangamoy laway sa labas kahit na nasa bahay lang ako.
Pagkatapos kong mag-ayos naglakad ako pababa sa living room. Nakita ko ang mga anak ko na busy kakalaro sa toys nila habang kumakain ng cookies.
"good morning babies"
"good morning mommy!!"
"mommy!"
Nilapitan ko sila at hinalikan isa isa sa pisnge. Niyakap naman nila ang leeg ko at hinalikan din ako sa pisnge.
"nasan ang lola niyo?"
Kumakain pa rin sila ng cookies habang tinuturo ang kusina.
"nasa kusina po"
Sagot ni Jaeno.
"okay.. dito lang kayo ha, pupuntahan muna ni mommy si lola. "
"yes mommy"
Pagkadating ko sa bukana ng kusina napataas ang kilay ko, sino ba namang hindi tataas ang kilay parang binagyo ang kusina! Ang daming gulay, karne at prutas sa lababo at sa maliit na table. Hindi rin magkandaugaga ang mga katulong namin sa pagsunod sa mga utos ni mommy. Sobrang focus ni mommy sa niluluto niya.. hindi niya man lang ako napansin na nakatayo na ako sa likod niya habang tinitingnan kung anong niluluto niya.
"wow mom. Ang sarap niyan ha."
"ay butiking may bangs!"
Napatawa naman ako sa reaksyon ni mommy
"papatayin mo ba akong bata ka?! Sa susunod wag mo kong gulatin ng ganun"
"hehehehe.. sorry na po mom.."
"tssk.."
"mom naman. Di ko naman sinasadya ee"
Nilambing ko pa siya
"pasalamat ka at mahal kita kung hindi baka pinatapon na kita sa dagat"
"as if naman kaya mong gawin mom"
Nakangisi lang ako habang niyayakap si mommy
"bakit ang dami niyong niluluto mom? May fiesta ba?"
"bitiwan mo nga akong bata ka, hindi ako makagalaw ng maayos"
Napatawa ako
"ipapakilala na ng kuya mo ang boyfriend niya"
"talaga po?"
"yess. Dito daw sila mag lulunch kaya maghahanda tayo ng maraming pagkain."
"what about dad?"
"uuwi yun mamaya. We can't miss the chance to meet the guy who make your brother so whipped!"
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...