Chapter 2

68 10 2
                                    



Naaalala niya pa kaya ako? Ano kaya mangyayari kung minahal niya rin ako, sasaya kaya ako? Magiging masaya ba kami kasama ang magiging mga anak namin?

"jaemin..."

Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng mommy ko.

"anak... bakit ka nandito sa labas, baka malamigan ka makakasama yan sa mga bata"

"Ma naman, okay lang ako. Nagpapahangin lang naman ako dito."

"pero anak, winter ngayon. Pumasok ka na sa loob at pinaghanda kita ng makakain dun"

Nginitian ko si mommy bago tuluyang pumasok sa bahay.

Habang kumakain ng niluto ni mommy, tinabihan niya rin ako sa lamesa. Pinapanood niya ako habang nakangiti.

"anak.. ang bilis ng panahon sa susunod na buwan manganganak ka na,. di pa rin ako makapaniwala na buntis ka. Kung di lang pinatunayan nng doctor siguro di pa rin ako maniniwala."

"mommy naman, kahit naman ako di pa rin makapaniwala na buntis ako. Hindi naman kasi normal sa isang lalaki ang mabuntis diba?"

"tama ka nga naman anak... pero anak... wala ka ba talagang planong sabihin kay Jeno ang kondisyon mo?"

"mommy masaya na siya ngayon, ayokong sirain pa ang buhay niya"

"pero anak, anak niya rin naman yang pinagbubuntis mo."

"mommy... please... ayoko na pag-usapan ulit to. "

"pero....."

"mommy please..."

"wag ka na umiyak anak.. sige-sige rerespituhin ko na ang gusto mo. Sorry anak."

Hinawakan ko ang pisngi ko at totoo ngang lumuluha na ako.

Sa halos ilang buwan ko na sa States wala na akong ni isang balita tungkol kay Jeno o sa Fiancee niya. Pinutol ko na lahat ng koneksyon namin kasama na ang mga taong kilala naming maliban kay Renjun na sumama sa akin papunta rito sa States.

Pagkatapos kung kumain niligpit ni mommy ang pinagkainan ko. Bilib ako kay mommy kahit na may negosyo rin siyang inaalala gaya na lang ni daddy at ni kuya pero di pa rin niya nakakalimutang alagaan kami lalo na ngayong buntis ako. Mas naging overprotective siy—I mean sila. Araw-araw akong chinecheck ni kuya kung meron ba akong mga kailangan or cravings, si daddy naman kahit na may business trip di pa rin nakakalimutang tumawag para kamustahin ako at ang kalagayan ko.

Naaappreciate ko naman ang mga effort nila lalo pa at alam ko kung gaano ka importante ang mga oras nila sa negosyo namin. Silang tatlo nila mommy ang namamahala sa kompanya namin na may sub-corporation sa iba't ibang larangan o industriya. Sikat na sikat sila sa buong mundo lalo na sa business world. Si kuya naman ay kilala sa modeling industry.

Kilala ang pangalang Na Jaehyun sa buong mundo, maraming mga modeling agency na nagpapaunahan para makuha lamang bilang modelo si kuya pero kahit kailan hindi siya tumatanggap ng project dahil sa sariling modeling agency namin lang siya nagmomodelo.

Ako lamang ang hindi kilala ng mga tao dahil nga sa ayaw ko na masabihan na umangat ako dahil lamang sa family background ko at nirerespito naman ito nila mommy at daddy NOON dahil ngayon hindi na sila makakapayag pa na ma bully ako dahil lang sa social status ko na kabaliktaran naman ng totoo.

Hindi alam nila mommy ang mga nangyayari sakin sa Korea, hindi nila alam na nabubully na pala ang anak nila dahil sa pagiging mahirap nito. Walang ni isang nakakaalam sa mga dinanas ko noon maliban kay Renjun.

Nakahiga na ako sa kama ko habang nagbabasa ng libro nang may kumakatok sa pintuan ko, nakasilip si mommy sa tarangkahan ng pinto ko habang ngumingiti.

"anak? "

"yes po ?"

"wala ka na bang kailangan pa?"

"wala na po mom. Salamat po sa pag-aalaga"

Nginitian niya lang ako habang papasok siya sa kwarto ko.

"anak alam mo naman na mahal ka namin diba?"

"opo naman mommy"

"alam ko ayaw mo pa rin ipaalam sa lahat na anak ka namin pero anak ginagawa lang namin ito para sayo at para na rin sa mga anak mo."

"mom... okay lang. alam ko naman na yan talaga ang gusto niyo noon paman. And.... kung mapoprotektahan ang mga anak ko someday sa tulong ng family name natin then I will do it mom..."

Niyakap ako ni mommy at binigyan ng halik sa noo. Ito ang gusto ko kay mommy. Napapagaan niya agad ang mga pangamba sa puso ko.

"anak nga pala... may pinapasabi ang daddy mo... pero..."

I tilted my head while giving her a confused look.

"ano po yun mom?"

"ano kasi anak... gusto ng daddy mo na.."\

"na ano po?"

"gusto ng daddy mo na... sa korea muna tayo mag stay hanggang sa makapanganak ka. Gusto din niya na dun ka muna ipakilala sa mga kasusyo niya."

Nakatingin lamang ako kay mommy habang nakatingin siya saakin. Alam kong nag-aalala sila para saakin pero alam ko din na ginagawa nila to para sa akin pero... natatakot ako.. di pa ako handa na makita si Jeno..

Nag ring bigla ang phone ni mommy.

"tumatawag ang daddy mo anak."

Dali-dali namang sinagot ni mommy ang video call at nasa screen sila daddy at kuya. Napangiti ako habang nakatingin sa nakangiti nilang mga mukha.

"anak, how are you? Okay ka lang ba diya—"

"bunso! May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang ipapadala ko agad diyan sa bahay."

"ikaw talagang bata ka! Kita mong kinakausap ko pa tong kapatid mo bigla-bigla ka nalang sisingit. Pwede bang ako muna?"

Natawa naman kaming tatlo sa inasal ni daddy. Ito ang hindi alam ng lahat. Ang kinatatakutan at kilalang striktong businessman ay kaya ding maging isip bata sa harap ng pamilya niya.

"anak. Nasabi na ba ng mommy mo tungkol sa... alam mo na.. sa"

"dad..."

Napaiyak nalang ako. Nagbago ang expresyon, napalitan iyon ng pag-aalala.

"anak.."

Niyakap ako ni mommy habang binubulongan ako ng mga salitang makapaggagaan ng pakiramdam ko.

"dad... please.. wag muna... please..."

"dad.. I think Jaemin still need more time to think and to gain bac his confidence." Giit ni kuya

Napangiti naman ako sa sinabi ni kuya. Nakatingin lamng si daddy sa screen habang si mommy, yakap-yakap pa rin ako. Para akong bata habang umiiyak sa bisig ni mommy.

"hayssss.... Okay okay! You win." Pag surrender ni daddy

Nginitian ko si daddy at mahinang bumulong ng thank you pero alam kong narinig niya yun mula sa kabilang linya dahil binigyan niya ako ng isang ngiti.

"I will wait until your ready anak. but I want my grandchildren to use my surname."

"yes dad."

Napunta sa iba pang mga topic ang usapan naming nila dad. Napuno ng tawanan ang kwarto ko pero alam ko hindi pa ako handing bumalik sa korea. Hindi pa ako handa na harapan si Lee Jeno.

Daddy JenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon