Jaemin POV
"anak.. aalis muna kami ng daddy mo."
Paalam sa akin ni mommy.
"pero mom, gabi na po. Hindi ba pwedeng bukas na yan?"
Napailing naman si mommy sa sinabi ko.
"hindi pwede anak. Naka schedule na to. Busy din kami bukas ng daddy mo."
"pero mom..."
"Jae.. anak.. we really need to go now.. "
Napabuntong hininga nalang ako at niyakap si mommy. Alam ko rin naman na wala akong magagawa kung gusto talaga nilang lumabas lalo na kung tungkol na sa negosyo namin.
"okay po. Mag-ingat po kayo"
Niyakap ko rin si daddy na kakababa lang mula sa hagdan.
Hinatid ko sila sa labas ng bahay at sa huling pagkakataon hinalikan sila.
Nang makalabas na ang sasakyan nila mommy sa gate, pumasok na ulit ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para masabihan ang mga kasambahay na ipagluto nalang kami ng kahit ano para sa dinner.
Hindi paman ako nakakarating sa sala, rinig na rinig ko na ang tawanan mula doon. Napangiti naman ako nang makita ko mula doon ang mga anak ko na nakikipaglaro sa tito nila.
Ang saya-saya nilang tingnan... ano kayang feeling kung Jeno ang kalaro ng anak ko.. ganito rin kaya kami kasaya o mas masaya pa dito?
"Nana?"
"mommy?"
Napansin na pala nila ako sa bukana ng sala.
"lalim na naman ng iniisip mo"
Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Kilalang kilala ko na siya. Tingin pa lang alam ko na kung anong gusto niya. Alam ko na nag-aalala ito sa akin.
"wala to. Okay lang talaga ako."
Napabuntong hininga siya at napataas ang kamay na parang susuko sa mga pulis.
"okay okay sabi mo ee.. pero Nana.. alam mo naman na kahit anong mangyari nandito lang kami nila mommy.."
"yes kuya alam ko yun"
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya
"pati na rin ang tatlong bubwet na to."
Isa isa niyang binigyan ng halik sa pisngi ang mga anak ko na isa isang nagreklamo dahil big boy na daw sila maliban na nga lang kay Minje na gustong gustong magpahalik.
"nga pala.. saan pupunta sila mommy?"
"may meeting daw sila kuya... pipigilan ko nga sana kasi gabi na. lagpas na sa working hours sa opisina."
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...