Jeno POV
"Ms. Choi, please report to my office."
"yes sir"
Pagdating ko sa office ko, sumunod na agad ang Secretary ko habang may dalang kape.
"my sched"
Nasa papeles lang ang atensyon ko habang binabasa niya ang schedules ko para sa araw na to.
"and..."
"and what?"
Inangat ko ang tingin ko sa kanya mula sa mga papers na binabasa ko.
"may party po kayong kailangang puntahan."
"what? Sino ang organizer?"
"hmmm... si Mr. Na po sir."
"I thought si Taeyong hyung ang pupunta sa party na yan."
"yun na nga po pinapasabi ni Mr. Taeyong na hindi po siya pwede mamaya kasi may photoshoot siya pero kung aabot daw ko siya, de-deritso sya sa party."
Napatango nalang ako.
"okay. Is that all?"
"yes sir."
"okay you can go now."
Umalis na ito palabas ng office ko.
Nawala ang concentration ko nang dumako ang tingin ko san aka display na picture sa desk ko. Picture namin to noon ni Jaemin. Noong hindi pa naging magulo ang lahat para sa amin.
I miss my bestfriend. I miss his smile, his laugh, his hugs and everything about him. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa kanya mula sa araw na may nangyari sa amin. Alam ko walang kasalanan si Jaemin sa nangyari, pero dahil na rin sa ayaw kong mag iba ang tingin ng ibang tao sa akin kapag nalaman nila na may nangyari sa amin.
Ayoko rin mawala sa akin noon si Yeri. Mahal na mahal ko siya. Ayokong mawala siya sa tabi ko kaya nag propose ako sa kanya pero nang mawala si Jaemin para akong nabaliw. Araw araw ko siyang hinanap. Pinuntahan ko na ang lahat ng mga lugar na pwede niyang pagtaguan. Halos araw-araw akong nasa labas ng bahay niya para abangan kung uuwi ba siya o kukunin niya ang mga gamit niya pero lumipas ang isang buwan wala pa rin. Sinubukan kong hingin sa Landlady nila ang susi ng unit niya, buti nalang at naawa ito sa akin at hinayaan akong makapasok.
Tuwang-tuwa ako nang mabuksan ko na ang kwarto niya. Puno na ito ng alikabok pero ganun pa rin ang ayos nito tuwing bumibisita ako dito noon. Hinalughog ko ang mga gamit niya para makakuha ng mga clue kung nasaan siya.
Tiningnan ko ang ilalim ng kama niya at may Nakita akong isang box.
Dahan dahan ko itong kinuha at binuksan. Nasa loob pala nito ang diary niya noon. Isa-isa kong binasa ang mga entry.
Umiiyak na ako sa lahat ng rebelasyon na nakasulat sa diary niya. Dito ko nalaman na mahal niya ako, kung gaano ko siya nasaktan mula nang maging girlfriend ko si Yeri, at marami pang iba. Mas napahagulhol ako sa huling entry na nakasulat.
"Dear Diary,
You know what? May good at bad news ako para sayo. Dinala ako sa Hospital kasi bigla na lang akong nahimatay. Pero bago yun alam mo ba nasaktan ako sa ginawa ni Jeno, nasalo niya ako nang bigla akong nahilo pero nang malaman niya na ako yun bigla na lang niya akong binitawan.. buti nalang talaga at nahawakan ako ni Renjun.
Bakit ganun diary, galit na galit ba talaga siya sa akin?
Well, move on tayo diary, so yun na nga dinala ako kanina sa hospital tapos nalaman ko na buntis ako. Hindi ba nakakabigla?! Lalaki ako pero pwede akong mabuntis. Siguro blessing na rin to ni God. Sign na siguro to na dapat ko nang iwan si Jeno. dapat ko na siyang iwan para naman maging masaya na siya kasama si Yeri diba? Alam kong mahirap pero kakayanin ko diary para sa magiging anak ko.
BINABASA MO ANG
Daddy Jeno
FanfictionNa jaemin decided to keep the information about his pregnancy from Lee Jeno dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuting gawin pero paano kung sa pagdating ng hinaharap ay magtagpo silang muli pero meron nang pagbabago sa nararamdaman ni Jeno matatang...