Chapter One

3.7K 111 1
                                    


NAGIMBAL si Shana nang kompirmahin ng OB-GYN na mayroon siyang Polycystic Ovarian Syndrome. Katatapos lang ng ultra-sound niya. She was only twenty years old. Kaya pala sobrang sakit ng puson niya sa tuwing dumarating ang buwanang dalaw niya. Natatakot siya na baka dahil sa tumubong cyst ay hindi na siya magkaanak pero sinabi ng doktor na puwede pa rin siyang magkaanak. Iyon nga lang, nai-suggest ng doktor na mas mainam kung maaga siyang magbuntis, sakaling maisama ang bukol sa paglabas ng sanggol. Mas mainam daw iyong paraan upang hindi na dumami ang cyst.

Nanlulumo si Shana pagdating niya sa bahay nila. Pag-akyat niya sa second floor ay nagtataka siya bakit may pamilyar na ingay siyang naririnig mula sa kuwarto ng Papa niya. Pasado alas-otso na ng gabi. Bihira umuuwi nang ganoong oras ang Papa niya. Madalas ay alas-singko. Paglapit niya sa pinto ay naging malinaw sa kanya kung ano ang nagaganap sa loob. Nag-init ang bunbunan niya nang malamang may babae na naman ang Papa niya. Pangatlo na iyon pero iyon ang unang pagkakataon na nagdala ito ng babae sa bahay nila. Doon siya tuluyang nainis sa kanyang ama.

Pumasok siya sa kanyang kuwarto at nagbihis ng bulaklaking ternong pantulog. Pagkuwan ay tumambay siya sa sala at doon hinintay ang paglabas ng kanyang ama at ng babae nito. Naiinis siya. Isang taon pa lang ang nakalipas magmula noong namatay ang Mama niya dahil sa ovarian cancer. Hindi niya matanggap na pinalitan kaagad ito ng Papa niya. Nangako ito sa kanya na hindi na ito muling mag-aasawa.

Nang bumaba ang Papa niya kasama ang magandang babae ay marahas siyang tumayo. Bakas din sa mukha nito ang pagkasorpresa ganoon din ang babae.

"Anak, akala ko sumama ka sa mga kaklase mo sa beach?" sabi ng Papa niya.

"Hindi ako sumama dahil masama ang pakiramdam ko. Pa, ano'ng ibig-sabihin nito? Who's that girl?" namumurong usig niya rito.

Balisang nilapitan siya ng kanyang ama. "I'm sorry, sweetheart; I haven't told you about her. She's Amara, my fiancée," pakilala ni Melbert sa kasamang babae.

"Fiancée? No! Hindi ko siya matatanggap! Nangako kayo sa akin na hindi na kayo mag-aasawa ulit," protesta niya kasabay ng pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Matagal kong tiniis ang lungkot sa pagkawala ng Mama mo. Akala ko magiging okay rin ako dahil nariyan ka. Pero may kulang pa rin. I hope you would understand me, Shana. Matagal ko na sanang gustong sabihin sa 'yo ang tungkol kay Amara pero wala akong lakas ng loob. Mahal ko si Amara," emosyonal na paliwanag ng Papa niya.

"Wala kayong isang salita, Pa!" nanggagalaiting wika niya.

"Please, forgive me, but my decision is final."

Umiling-iling siya. Hindi niya natiis ang kanyang mabigat na emosyon. Tumakbo siya paakyat ng hagdan at nagkulong sa kanyang kuwarto.

Hindi matanggap ni Shana ang desisyon ng Papa niya. Pero sa kabila ng pagtanggi niya, itinuloy pa rin Papa niya ang pagpapakasal kay Amara. Hindi siya dumalo sa kasal ng mga ito. Nalaman na lang niya na lumipat na ang Papa niya sa bahay na binili nito sa subdivision sa Alabang, malapit lang sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito bilang engineer. Nagdesisyon siya na hindi na ituloy ang kursong engineering. Nag-enroll siya sa isang culinary school na pag-aari ng pamilya ng boyfriend niya'ng si Rex. Anim na buwan na niyang karelasyon si Rex. Six months culinary arts lang ang kinuha niya. Gusto kasi niyang makapagtrabaho kaagad. Nagdesisyon siya na hindi na siya aasa sa pera ng Papa niya lalo pa't nalaman niya na buntis na si Amara.

Habang nag-aaral ay nagtatrabaho siya sa restaurant na pag-aari ng pamilya ni Abby, na siyang college friend niya at girlfriend ng pinsan ni Rex. Natanggap naman siya bilang waitress. Maliban sa part-time job, nag-open din siya ng on-line business kung saan nag-o-offer siya ng bake to order cookies and cakes. Bata pa lang siya ay tinuruan siya ng Mama niya mag-bake. Dati kasing pastry chef ang Mama niya. Katunayan, matagal na niyang gustong maging chef. Pero dahil gusto ng Papa niya na maging engineer din siya katulad nito, naingganyo siya na mag-aral. Magdadalawang taon na sana siya sa college pero huminto siya.

"Why you need to drop your course, babe? It wasn't help you to solve your problem," sermon sa kanya ni Rex nang sunduin siya nito sa restaurant.

Lulan sila ng kotse nito. Nagkuwento siya rito tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Hindi pa niya nasasabi rito na may problema siya sa matris. Natatakot siya baka ma-disappoint ito. Hindi niya pinansin ang sermon nito.

"Rex, I want a baby," sabi niya.

"What?" bulalas nito.

"Gusto ko nang magbuntis."

"Shana, are you kidding? Ang bata mo pa at pareho tayong nag-aaral."

Nanikip ang dibdib niya. Malinaw na hindi pa handa maging ama si Rex. Hindi naman niya ito masisi dahil twenty-three years old lang ito at hindi pa natatapos ang kursong business management. Nag-aral kasi ito ng culinary arts bago nag-take ng business related course.

"So, ayaw mo?" aniya.

"Hindi sa ayaw ko, Shana, pero masyado pang maaga. Gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral at maging stable ang trabaho. Ayaw kong umasa lang sa parents ko. Marami pa akong pangarap."

Nakontento na siya sa sagot nito. Hindi na lamang siya kumibo.

Sabado ng gabi pagkatapos ng duty ni Shana ay nanood pa siya ng live band sa mismong restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Tuwing Sabado ay mayroong live band. Tumutugtog roon ang kababata niyang si Hanny kasama ang kabanda nito. Malayo na ang nararating nito sa larangan ng musika. Mayroon na rin itong album.

Kahit hindi sila madalas magkita ni Hanny ay madalas naman silang nagtsa-chat sa Facebook. Palagi siya nitong pinapayuhan. Ito ang unang sinabihan niya tungkol sa karamdaman niya. Katulad ng payo ng doktor, sinabi rin nito na makakatulong ang maagang pagbubuntis para maalis ang cyst sa ovary niya. Ganoon din kasi ang kaso ng Tita nito na nawala ang cyst matapos manganak.

Nagkuwentuhan sila ni Hanny matapos ang performance nito at binigyan siya ng bagong calling card. Inimbita rin siya nito na bumisita sa Wild Rose bar sa Alabang kung saan ito regular na tumutugtog. 

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon