Chapter Seven

2.2K 108 2
                                    


NAGING magaan kay Shana ang unang linggo niya sa trabaho dahil halos kabisado niya ang mga recipe ng shop. Nasorpresa siya nang piliin ni Reed ang kanyang berries pie recipe.

Pagkatapos ng duty niya ng Sabado ng hapon ay inimbita siya ni Reed sa opisina nito para talakayin ang kanyang recipe. Busy sila sa one week training kaya noon lang sila ulit nagkita ng lalaki. Ayon sa mga naunang empleyado, weekend lang daw pumapasok sa shop si Reed at tsini-ckeck ang trabaho ng mga empleyado.

"Please take your seat," sabi ni Reed nang makapasok siya sa opisina nito.

Umupo naman siya. Hindi pa niya hinuhubad ang puting chef jacket niya dahil pagkatapos ng duty niya ay kaagad siyang pinapunta roon. Naalibadbaran na siya sa suot niya lalo pa't may mga harinang kumapit sa damit niya. Hindi siya komportable. Napansin niya ang pagsuyod ni Reed ng tingin sa kanya. Nagtatakang tumitig siya rito.

"You look uncomfortable in that chef jacket. I can wait while you take it off," pagkuwan ay sabi ni Reed.

Her heart beats so damn fast. Wanting to tell him where to take off, she felt her eyebrows shoot upward. Instead, the words bunched in her throat. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Pagkuwan ay tumalikod siya at mabilisang inalis sa pagkabotones ang jacket niya.

"Uh... I mean, you can take it off inside the comfort room," bawi ni Reed.

Kumagat-labi si Shana saka tumayo. "I'm sorry," aniya at sana'y lalabas.

"Huwag ka nang lumabas. May CR dito," sabi nito saka itinuro ang pinto ng CR sa gawing likuran ng table nito.

Hindi niya magawang tingnan ang lalaki. Bahagya siyang nakayuko habang patungo sa palikuran. Pagkatapos mahubad ang jacket ay inayos niya ang kanyang sarili. Amoy harina siya. Hindi pa naman niya nakuha ang bag niya sa locker kaya hindi siya makapag-freshen up. Medyo oily na ang mukha niya. Naghilamos siya at pinatuyo ng tissue paper ang basa niyang mukha. Nang komportable na siya'y muli siyang lumabas.

Pag-upo niya muli sa tapat ni Reed ay awtomatikong nabaling sa kanya ang malagkit nitong titig. Nahuli niya itong sinusulyapan ang gawi ng dibdib niya kung saan naaaninag ang malusog niyang dibdib na sinuotan ng pink na bra. Medyo manipis kasi ang puting T-shirt na suot niya. Pagkuwan ay tumitig ito nang deretso sa mga mata niya.

Pakiramdam ni Shana ay inaapuyan ang katawan niya sa tuwing tatama ang malagkit na tingin ng binata sa kanya. She can't help. She's not prepared for his boldness.

Nerves please calm down.

He studied her face, and then chuckled. "Do you feel comfortable now?" nakangiting tanong nito.

"Yes, sir," naiilang na sagot niya.

"Okay. So, I chose your berries pie recipe because it's not common here in Philippines. Can you share your own procedure? I'm willing to buy your signature recipes. How much per recipe?" sabi ni Reed.

Bumuntong-hininga siya. "Uh... actually wala akong balak ibenta ang recipe. Produkto lang naman ito ng experiment ko," aniya.

"No, I will pay for it. Ako na ang magbibigay ng price. Ano ba ang ginagamit mong berries sa pie? Fresh ba or preserved? I guess preserved, especially blueberries, boysenberries and raspberries. Of course bihiha 'yan dito sa Pilipinas. Mahilig ako sa pie pero wala pa akong nabiling boysenberry and raspberry pie rito."

"Preserved na ang ginagamit ko pero 'yong buo. Ang mga fresh lang na ginagawa ko ay strawberry if merong available sa supermarket. Minsan meron akong nabibiling fresh blueberry pero bihira at mas mahal," aniya.

"Puwede ka bang mag-bake ng apat na klaseng berry pie? Meron kasi akong tea party next Saturday sa bahay ko with my business partners. Para mai-promote ko rin ang pies. And also I need your presence in my party. Gusto ko naroon ka para kapag may mga katanungan ang mga bisita ay ikaw ang sasagot."

Bigla siyang kinabahan. Pero boss niya ang nagsasabi kaya hindi siya puwedeng tumanggi. Pagkakataon na rin niya iyon para mas makilala siya sa industriya.

"Okay lang, sir. Kailan po ako magbi-bake?" sabi na lamang niya.

"Friday. Puwede ka bang mag-overtime sa araw na iyon?"

"Walang problema."

"Hindi ka ba hahanapin ng anak mo?"

"Hindi naman. Actually nasanay na ang anak ko na palagi akong wala. Naroon naman ang Tita ko na nagbabantay sa kanya," nakangiting sabi niya.

Napansin niya ang seryosong mukha ni Reed. "Huwag mong sanayin ang anak mo na wala ka palagi. Okay lang na magtrabaho ka pero hindi maganda kung halos wala ka nang time sa kanya. Honestly, katulad din ako ng mga batang lumaki na walang time ang parents sa kanila. Habang lumalaki ako ay nasanay ako na wala sila. Kapag kasama ko sila, hindi ako komportable," anito saka siya pinayuhan.

"Naisip ko rin 'yan. Madalas pag-uwi ko ay tulog siya. Mas malapit ang anak ko sa Tita ko. Pero sinisikap ko naman na magkaroon ng time sa kanya kahit may trabaho ako. No choice, kailangan kong maghanap-buhay para sa kinabukasan niya," malungkot na kuwento niya.

"Mahirap talaga ang single parent. At sa estado mo, since early kang nagkaanak, mas mahirap. Hindi ka man lang ba humingi ng sustento sa ama ng anak mo?"

Hindi siya nakasagot. Napagtanto niya na masyado nang personal ang paksa nila.

"He's gone," sagot lang niya.

Ngumisi si Reed. "Marami talagang iresponsableng lalaki. Mga takot sa responsibilidad," sabi nito.

Matamang tumitig siya rito. Hindi na siya nakakibo.

"Anyway, pag-usapan na lang natin ang recipe mo. Apat lang naman ito. I'll pay you with check, okay lang ba?" ani Reed pagkuwan.

"Po?" manghang bigkas niya.

"Uh, uh. Ano'ng po?" tudyo nito.

"Uh, sorry. S-sige, okay lang," balisang sabi niya.

Napako ang paningin niya sa mukha ng binata. Ang ngiti nito ay tila bang puno ng hipnotismo.

Nagsusulat na sa checkbooklet nito si Reed. Wala siyang ideya kung magkano ang ibabayad nito sa kanya. Nang ibigay nito sa kanya ang tseke ay nanalaki ang mga mata niya nang makita ang halagang isinulat nito. Eighty thousand pesos ang halaga sa tseke.

"Ang laki naman nito, sir," manghang wika niya.

"How much then?" anito.

"Puwede na siguro ang ten thousand since common naman ang recipe. Twist at sarili kong version lang naman ang naiba," aniya.

Tumawa nang pagak ang binata. "Nagbibiro ka ba? Mas mahal ang multa kapag nahuli kang nagnakaw ng recipe. Tanggapin mo na. Mas mahalaga sa akin ang recipe mo kaysa pera. So, see you on Friday and Saturday. May napili ka na bang day off?" anito.

"Sunday po sana."

"Sunday? Sige, walang problema. Sa Sabado ay dito ka na dumeretso. Susunduin na lang kita ng alas-siyete. Alas-otso kasi ang party."

"Sige." Tumayo na siya at nagpaalam.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon