Chapter Two

2.7K 116 2
                                    


ISANG linggo na ang nakalipas magmula noong huling makipagkita si Shana kay Hanny pero hindi pa rin niya ito tinatawagan kahit gustong-gusto na niya itong makausap. Iniisip kasi niya na baka busy ito. Sa ilang araw niyang pagre-research tungkol sa iba't-ibang sakit sa ovary ay lalo siyang na-stress. Ayaw niyang humantong sa operasyon ang ovary niya na maging dahilan na hindi na siya magkaanak. Naalala rin niya na ovarian cancer ang sakit ng Mama niya na naging dahilan ng kamatayan nito. May tini-take siyang gamot na iniresita ng OB-GYN niya at nakatulong iyon para mawala ang sakit pero alam niya na hindi talaga ang mga gamot na iyon ang magtatanggal sa cyst.

Paglipas ng halos isang buwan, nagkita sila ni Hanny sa Wild Rose bar and restaurant. Pagkatapos ng performance ni Hanny ay nag-order ito ng vodka para sa kanila. Hindi siya masyadong sanay uminom ng alak kaya paunti-unti lang ang iniinom niya. Nakaupo sila sa stool chair sa tapat ng counter. Panay ang gala ng paningin niya sa paligid.

Mamaya ay nagpaalam siya para magbanyo. Nang dumaan siya sa mahabang mesa na inuukupa ng isang grupo ay nagulat siya nang mamataan niya si Rex na kasama sa grupo. Ngunit ang umagaw sa atensiyon niya ay ang magandang babae na katabi ni Rex. Hindi niya ito kilala. Mukhang lasing na ang mga ito dahil pansin niya na madaldal na rin si Rex.

Naisip niyang lapitan ang mga ito pero nag-alangan siya baka mabigla si Rex at magtaka bakit siya naroon. Binalewala na lang niya ang nakita. Tumuloy siya sa banyo. Ngunit pagbalik niya ay saktong namataan niya si Rex na nakaakbay sa babaeng katabi nito at halos maghalikan na ang mga ito sa sobrang lapit sa isa't-isa. Inalipin siya ng hindi maipaliwanag na galit at sakit. Naisip niyang sugurin ang mga ito ngunit nawalan siya ng lakas ng loob dahil sa umiiral na kirot sa kanyang puso.

Bumalik na lamang siya sa counter at dahil sa sama ng loob ay ginawa niyang tubig ang vodka. Kinakausap siya ni Hanny pero hindi niya iniintindi ang mga sinasabi nito. Umiikot na ang paningin niya. Nang tumayo siya ay hindi na niya masyadong maibalanse ang kanyang timbang. Humakbang siya patungo sana sa pinto palabas ngunit nabunggo niya ang mesa na may nag-iisang lalaki na nakaupo.

Mukhang lasing na rin ang lalaki dahil nakayuko na lang ito. Nakasuot ito ng itim na polo. Medyo malamlam ang ilaw sa gawi nito kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito at dahil na rin sa pagkahilo. Habang pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaki ay naisip niya si Rex. Nai-imagine niya na si Rex ang lalaking kaharap niya pero alam niyang hindi.

Nang lapitan niya ang lalaki ay bigla rin itong tumayo. Nasagi nito ang balikat niya dahilan kaya nawalan siya ng panimbang. Akala niya'y babagsak na siya pero namalayan niya na nakayakap siya sa matipunong katawan ng lalaki.

"S-Sorry..." bigkas nito habang nakakapit ang kanang kamay nito sa baywang niya.

Pilit niyang inaaninag ang mukha nito pero lalo lamang siyang nahihilo dahil sa malikot na ilaw na tumatama sa kanila. Hindi niya magawang kontrolin ang galaw niya. Ikinawit niya ang kanyang kamay sa batok nito at akmang hahalikan ito ngunit naunahan siya ng lalaki. Siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Natukso siyang tumugon sa halik nito. Kasunod niyon ay naramdaman niya'ng hila-hila na siya nito palabas ng bar. Ang sumunod niyang naramdaman ay nakahiga na siya sa malambot na bagay at masikip na lugar. Naramdaman niya ang mainit na bagay na naglalakbay sa hubad niyang katawan.

Pagkuwan ay may mabigat na dumagan sa kanya. Naramdaman niya ang pagdaiti ng mainit na katawan ng lalaki sa kanyang kaubaran at ang paggiit ng ibabang bahagi ng katawan nito sa magkabukod niyang mga hita. Mamaya ay pumiglas siya nang bigla siyang gupuin ng makapigil hiningang kirot dulot ng pag-angkin sa kanya ng lalaki. Una'y mahinhin itong umulos sa kanya, ngunit habang lumalaon ay unti-unti itong bumibilis. Kasabay sa walang espasyong pagkilos nito sa ibabaw niya ay naglaho na rin ang kirot na una niyang naramdaman, sa halip ay nahalinhan iyon ng nakakahibang na sarap.

Pinagharian ng nakakahibang na kaligayahan ang buong sistema ni Shana kaya lalo lamang siyang nakalimot at naging manhid sa realidad.

Nang mahimasmasan ang dalaga ay nasa labas na siya ng kotse at nagduduwal. Natiyak niyang maayos niyang naisuot ang kanyang damit bago siya naglakad palapit sa kalsada at pumara ng taxi.

DALAWANG buwan ang lumipas. Delayed na ang dalaw ni Shana pero hindi niya ito masyadong natutuunan ng pansin. Pero nang magsimula na siyang atakihen madalas ng pagkahilo at madalas na sumasakit ang ulo niya ay nagtungo na siya sa kanyang OB-GYN.

"It's positive. Congrats!" anunsiyo ni Dr. Bernal.

Parang bombang sumabog ang narinig ni Shana. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. May ilang sandali siyang tulala habang nakatitig sa resulta ng ultra-sound niya. Mamaya ay inalipin siya ng hindi maipaliwanag na pananabik.

"I'm sure matutuwa ang partner mo sa result, Shana," sabi ng doktor na biglang nagpalumo kay Shana.

Partner?Sino ba ang partner ko?

Bigla siyang nangapa ng sagot sa sarili niyang tanong. Hindi na niya maalala kung paano sila nagtapos ng lalaking nakasama niya noong gabi sa loob ng kotse. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makita ito, ne hindi niya maalala ang mukha ng lalaki.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon