Chapter Fifteen

2.1K 101 2
                                    


KUMISLOT si Shana nang naisama ang kamay niya sa paghawak ni Reed sa damit. Awtomatikong dumalantay sa mga ugat niya ang init na nagmumula sa kamay nito. Tulalang nakatitig siya sa mga mata nito. Pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Mamaya ay unti-unting lumalagkit ang titig sa kanya ng binata. Hindi niya namamalayan ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Naramdaman na lang niya ang mainit nitong labi na umaangkin sa kanyang mga labi. Nakadama siya ng hindi maipaliwanag na pananabik. Pakiramdam niya'y hindi iyon ang unang pagkakataon na naglapat ang kanilang mga labi.

Bugso ng kanyang damdamin ay dagli niyang tinugon ang halik nito. Hudyat iyon upang lumalim at maging marubrob ang halik hanggang sa kumilos ang mga kamay ng binata sa kanyang katawan. Ganoon din ang paglakbay ng mga kamay niya sa matipunong dibdib nito. Marahang kinalas nito ang nighties niya at tuluyang pinalaya ang kanyang katawan. Isinunod naman nitong na-unlock ang kanyang bra.

Habang kumikilos ang kanilang mga kamay ay walang lubay sa paghinang ang kanilang mga labi. Ramdan ni Shana ang gigil ng mga labi at mga kamay ni Reed, na alam niya'ng naghahangad ng higit pa sa halik. Nang mapalaya nito ang kanyang dibdib ay naramdaman niya ang isang kamay nitong humuhubog doon−habang ang isang kamay nito'y humahagod sa bawat kurba ng kanyang baywang. Tuluyan siyang inalipin ng nakakahibang na init. Nangahas na rin ang kamay niya na hilain ang tuwalyang nakatakip sa hubad nitong pagkalalaki.

Umatras siya nang itulak siya ni Reed hanggang sa mabuwal sila sa kama. Dagli siya nitong kinaibabawan at sinimulang ipaglakbay ang mainit nitong labi sa kanyang leeg-pababa sa kanyang dibdib. Umungol siya nang sakupin ng bibig nito ang kanyang dunggot, animo'y sangol na kinasabikan ang lunas sa pagkauhaw. Kumapit ang isang kamay niya sa batok nito habang ang isa'y humuhubog sa maskuladong likod nito.

Ilang sandali pa'y tumulay naman pababa ang bibig nito hanggang sa natunton nito ang kinaroroonan ng kanyang kaselanan. Binigyang daan naman niya ito. Walang humpay ang kanyang halinghing nang gumalugad ang munting panlasa nito sa kanyang kaselanan. Nawawala siya sa tamang huwesyo dahil sa ginagawa nito.

Mamaya ay nakontento ito sa kahandaan niya. Ipinaglakbay nitong muli ang bibig paakyat sa kanyang dibdib. Pagkuwan ay iginiit nito ang ibabang bahagi ng katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. Ramdam niya ang labis na kahandaan ng sandata nito. Kumislot siya nang bigla siya nitong angkinin. Hindi niya akalaing kikirot pa iyon sa ikalawang pagkakataong nagparaya siya. Subalit habang angkin siya ni Reed ay pabugso-bugsong pumapasok sa isip niya ang ilang bahagi ng senaryo mula sa una niyang karanasang sekswal. At habang hinuhubog niya ang katawan ni Reed, pakiramdam niya'y hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na nadama niya ang katawang iyon.

Walang espasyo ang daing niya nang magsimulang umulos nang mabilis sa kanya ang binata. Pakiramdam niya'y inuugoy ng malakas ang kanyang katawan. Hindi naglaon ay nahalinhan ng nakakahibang na ligaya ang munting kirot na unang umalipin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nangahas na rin siyang labanan ang lakas ni Reed. Itinulak niya ito saka siya pumangko sa kandungan nito. Dagli siyang umindayog.

Yumapos naman ito sa kanya habang nakasubsob ang mukha nito sa mayaman niyang dibdib. Halinhinang sinisiil nito ng halik at pinong kagat ang bawat dunggot niya. Ramdam na niya ang nalalapit na tugatog.

Pagkuwan ay muli siyang inihiga ni Reed ay kinaibabawan. Itinuloy nito ang kalbaryo hanggang sa tuluyan siya nitong ihatid sa inaasam niyang orgasmo. Inalipin ng nakakabaliw na kaligayahan ang buong sistema niya kaya hindi na niya namalayan kung paano sila nagtapos.

Namataan na lang niya si Reed na nagbibihis sa kanyang harapan. Nang mahimasmasan ay nagbihis na rin siya.

"Are you okay?" tanong nito na siyang bumasag sa katahimikan.

Hinarap niya ito. Tumango siya.

"I'm sorry," pagkuwan ay sabi nito.

"W-wala 'yon. Uh, baka inaantok ka na. Lilipat na ako sa kuwarto," aniya at akmang lalabas ngunit nahawakan ni Reed ang kanang braso niya.

Pumihit siya paharap dito. Nagtama ang mga paningin nila. "I think we need to find out what we really felt for each other, Shan. But I'm sure, I like you more than what we did," anito.

Bumuntong-hininga siya. "Uh..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Just give me a sign. One more quick response, baby," sabi nito saka inilapat ang hintuturo nito sa labi niya.

Pagkuwan ay siniil nito ng halik ang mga labi niya. Walang pa-aatubiling tumugon siya sa halik nito. Kaagad din nitong itinigil ang halik.

"That's enough. Goodnight," nakangiting wika nito.

"G-Goodnight," sagot niya saka siya gumanti ng ngiti.

Iniwan na niya ito.

NAGISING si Shana nang bigla siyang sakyan ni Toby sa puson. "Mama, inom ako!" sigaw nito.

Ayaw pa sana niyang bumangon pero hinihila ni Toby ang kamay niya. Napilitan siyang bumangon at nagbihis ng puting blouse at maigsing maong pants. Pumasok siya sa banyo at nagsipilyo. Kinukulit pa rin siya ni Toby. Uhaw na uhaw na ang pobreng paslit. Pagkuwan ay sabay na silang bumaba. Alas-sais pa lamang ng umaga.

Napansin niya na nakabukas ang main door. Naalala niya si Reed. Sumilip siya sa labas. Namataan niya ang binata na inaayos ang sasakyan. Dumeretso na lamang siya sa kusina at nagluto ng almusal matapos na bigyan ng tubig si Toby. Pinagtimpla rin niya ito ng gatas.

Saktong nakapagluto siya ng almusal nang dumating si Reed. "Hi! Good morning!" masiglang bati nito kay Toby.

"Morning," nakangiting sagot naman ng bata habang nakaupo ito sa silya at humihigop ng gatas.

Inihanda na niya ang almusal sa komedor. "Nagka-kape ka ba?" tanong niya kay Reed.

"No. Tea is fine," sagot nito.

Mabuti na lang merong tea ang Tita niya. Pinagtimpla niya ang binata. Umupo na rin ito sa silyang katapat ni Toby. Tinabihan naman niya ang kanyang anak at nilagyan ng pagkain ang plato nito.

"Kumusta ang battery ng kotse mo?" tanong niya kay Reed.

"Okay na, pinakargahan ko na at naikabit. Kailangan kong makauwi kaagad. May pupuntahan kasi akong meeting. Siya nga pala, kailan darating ang Tita mo?" anito.

"Bukas pa raw."

"So, sa Monday ka na makakapasok niyan."

"Okay lang ba?"

"Sure. Walang namang problema."

"Mama, dito titira si Tito Reed?" mamaya ay singit ni Toby.

Nagkatinginan sila ni Reed. Napangiti ang binata at mabilis na sinagot si Toby.

"Gusto mo ba dito na ako titira?" anito.

"Opo, gusto ko para may Papa na ako," maligalig na sabi ng bata.

Napangiti si Shana. Mukhang malakas ang impluwensiya ni Reed sa anak niya.

"Pero tanungin mo muna ang Mama mo kung papayag siya," sabi ni Reed.

Tiningnan lang siya ni Toby. Nginitian niya ito. "Anak, may sariling bahay si Tito, mas maganda," sabi niya.

"Wow! Puwede tayo doon titira?"

Humagalpak ng tawa si Reed. Hindi rin napigil ni Shana ang pagtawa.

"Soon, Toby. Titira kayo sa bahay ko, kung papayag ang Mama mo," ani Reed.

Speechless na si Shana. Magaling talagang makisama si Reed kahit sa bata. Lalo tuloy niya itong nagugustuhan.

Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na si Reed.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon