Chapter Eighteen

2.1K 109 2
                                    

PAKIRAMDAM ni Shana ay idinadarang siya sa lumiliyab na apoy. Pinagpapawisan siya ng malamig lalo na nang napansin niya ang gulat na reaksiyon ni Reed.

"Hey! Magkakilala kayo?" tanong ni Reed.

Hindi pa nakontento si Abby, nilapitan siya nito. Pati ang boyfriend nito ay nakiusyoso.

"Uy, kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nakita," nasasabik na wika ni Abby.

"Uh... o-okay lang ako," balisang sagot niya.

"Bakit ka nga pala narito?" tanong na naman nito.

Hindi siya nakasagot. Si Reed na lamang ang sumagot para sa kanya.

"I invited her," sagot ng binata.

Rumehistro ang gulat sa mukha ni Abby. "Talaga?" matabang ang ngiti na sabi ni Abby.

"Wait. Seriously people, bakit magkakakilala kayo, huh?" hindi mapakaling tanong ni Reed.

Si Abby na ang sumagot dahil naistatuwa na si Shana. Pakiramdam niya'y nakapako ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya makagalaw.

"Naging magkaklase kami ni Shana noong college sa engineering course kaso nag-drop siya at lumipat ng school. Sandali nga, Reed, seriously, you don't have idea who Shana is?" ani Abby.

"Of course, I know her because she's one of my pastry chefs. I hired her to work in my company," mabilis na sagot ni Red.

"Pastry chef? That's all?"

"Yes."

Kung maari lang ay tumulos na sa sahig si Shana nang makaalis siya sa lugar na iyon. Lalo lamang siya nata-trap.

"Don't say, ngayon lang kayo nagkakilala ni Shana, Reed," wika ni Abby.

"And what's wrong?" napipikon nang sabi ni Reed.

"My God! Don't tell me you don't have idea about your brother's ex-girlfriend."

"What?" Nasa ilalim ng tensiyon ang boses ni Reed.

Hindi man lang mapigil ni Shana ang kadaldalan ni Abby.

"Akala ko naman alam mo nang si Shana ang dating girlfriend ni Rex. Of course ikaw ang kapatid at pinagkakatiwaan niya kaya akala ko alam mo. Oh, sorry, napasobra ata ang kadaldalan ko. Nagtataka lang kasi ako," walang prenong sabi ni Abby. Tumigil lang ito nang hilahin ito ni Ivan palayo sa kanila.

It's over, tanging naisaisip ni Shana.

Nang harapin niya si Reed ay nasilayan niya ang nanlilisik nitong mga mata at mariing pagtagis ng bagang nito. Mamaya ay hinawakan siya nito sa kanang braso saka kinaladkad palayo sa mataong lugar. Huminto sila sa hallway sa labas ng function room kung saan wala nang tao. Marahas nitong binitawan ang braso niya.

"Is it true? Ikaw ba talaga ang ex-girlfriend ni Kuya Rex?" deretsong tanong nito.

Naunahan na siya ng kanyang emosyon. "I-I'm sorry, hindi ko kaagad nasabi sa 'yo. Natatakot kasi ako baka kamuhian mo ako," aniya. Sa kabadong tinig. Nag-uunahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"All moment that we had been together, you lied to me! I trusted you, I never doubt it. I love you more than anything. My brother died because of you. Do you know how much he loves you? I've promised to him that I will give him a justice he need. But where am I now? I'm silently eaten with your presence. And in the end, I fell for you. What do you really want, Shana? Hindi ka pa ba nakontento sa kapatid ko? Ano? Balak mo rin ba akong isunod sa kanya? Huh! Am I wrong to love you?" emosyonal na pahayag nito habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha nito.

Sa kabila ng pagiging emosyonal ay pilit niyang manindigan. "Mali ang iniisip mo, Reed. Wala akong intensiyong masama. Ang totoo, gusto ko lang ng trabaho. Lalong wala akong intensiyong paibigin ka. Pero hindi ko napigilan ang pangyayari. I just fell in love with you the way how you love me. Pinilit kong kalimutan na ang nakaraan namin ni Rex, pero inaamin ko na nahirapan ako. Hindi ko itatangging nagkulang ako sa kanya at nagkasala. Pinagsisihan ko 'yon at dala-dala ko ang guilt hanggang ngayon dahil sa pagkamatay niya. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil ramdam ko ang bigat ng loob niya sa pagtanggap sa katotohanan. Ayaw kong pagsisihan niya ang pagpili sa akin. Isa pa, mga bata pa naman kami kaya iniisip ko na mabilis din kaming makakapag-move on. Hindi ko naman inaasahan na maglalasing siya at humantong iyon sa kamatayan. Hindi na ako pumunta sa burol niya sa takot ko at kahit kailan ay hindi ipinaalam ni Rex sa parents ninyo ang tungkol sa relasyon namin. Pumunta ako sa araw ng libing niya pero hindi na ako lumapit. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng pagkakamali ko, tatanggapin ko anuman ang desiyon mo," humihikbing paliwanag niya.

"Saan ka ba dinala ng guilt, Shana? Itinago mo iyon sa pagkatao mo. Hindi lang si Kuya ang sinaktan mo, pati ako. I don't know how to accept all of this. I felt I'm an idiot. Akala ko, nakatagpo na ako ng babaeng katulad sa minahal ni Kuya. Ikaw rin pala 'yon. How nice, right? But it's a bullshit idea," mahinahong wika nito pero naroon ang pait sa tinig nito.

"Sorry." Iyon na lang ang katagang nakayanang pakawalan ng bibig niya dahil sa nagpupuyos niyang damdamin.

"You may leave me now, Shan. I want peace of mind. Hayaan mo akong makapag-isip," anito pagkuwan.

Hilam ang mga matang tumitig siya rito. Ayaw niyang umalis dahil kung aalis siya ay parang sumuko na siya.

"Reed, please..." samo niya.

"You heard me. Leave," matigas ang tinig na utos nito sa kanya.

Wala na siyang choice. Tumalikod siya at mahinhing humakbang palayo sa binata.

SA kabila ng umiiral na galit sa puso ni Reed ay hindi niya matiis na huwag lingunin si Shana. Lalo siyang nahihirapan habang pinapanood itong papalayo sa kanya. Pero hindi niya ito pinigilan. Wala na siyang matinong hitsura na ipapakita sa mga bisita niya kaya umalis siya. Tinawagan niya ang secretary na ito na ang bahalang mag-entertain sa mga bisita. Idinahilan niya na masama ang pakiramdam niya.

Pagdating sa kanyang bahay ay lalo lamang siyang naging emosyonal. Para siyang hinagisan ng granada sa harapan niya at hindi niya naiwasan ang pagsabog nito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na iritasyon at pagsisisi.

Maraming meeting at appointment na nai-cancel si Reed dahil sa hindi magandang mood niya. Ayaw niyang maapektuhan ang negosyo niya dahil sa nararamdaman niya kaya minabuti niyang magpahinga muna.

Pagkalipas ng tatlong linggo ay pinilit ibalik ni Reed ang sigla niya sa trabaho. Habang abala siya sa paperwork ay may malaking sobre na iniabot sa kanya ang kanyang sekretarya. Naalala niya, nagpa-DNA pala siya ng buhok nila ni Toby. Halos makalimutan na niya iyon dahil sa tagal ng proseso. Natanggap na rin niya ang resignation letter ni Shana pero hindi niya iyon pinansin.

Nang matapos siya sa paperwork ay binuksan na niya ang DNA result at binasa ang nakasulat. Natigilan siya nang malaman ang resulta. Akala niya'y makaka-move-on na siya sa natuklasan tungkol kay Shana pero mayroon pa palang mas malaking pasabog na tuluyang nagpalinaw sa minsang guilt na naramdaman niya. A guilt for his brother's case. It's not just about Shana. He really involved between her and his brother.

"Basta ipangako mo sa akin na hindi mo siya gugustuhin. Alam ko katulad din niya ang type mong babae."

"Of course, walang talo-talo. Gusto ko lang siyang makilala para makilatis ko'ng maigi. Gusto kong matiyak na hindi ka niya sasaktan."

Naalala niya ang usapan nila noon ni Rex. But he's the one who betrayed his own brother. That was the truth; even it's not his intention.

Hindi niya napigil ang kanyang emosyon. "I'm sorry, bro. I'm sorry," humihikbing wika niya. He felt like a guilty sinner, wishing that Rex could hear him and forgive him in heaven.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon