Chapter Four

2.3K 109 3
                                    


Kinabukasan ay maagang nagising si Shana at naligo. Nagsuot siya ng puting blouse na sinapawan niya ng abuhing coat at hapit na black slacks ang pan-ibaba niya. Black close shoes with two inches hills naman ang sapin niya sa mga paa. Pinag-isang bungkos niya ang ga-balikat niyang buhok na kapuputol saka inipit ng hair pin ang ilang hibla na nakalaylay sa mukha niya. Naglagay siya ng manipis na face powder at manipis na blush-on sa pisngi. Naglagay rin siya ng manipis na eyeliner para mapasingkit nang kaunti ang katamtamang laki niyang mga mata na natural ang mahahabang pilik. Pink lipstick naman ang ipinahid niya sa kanyang mga labing katamtaman ang nipis na naghuhugis puso. Katamtaman din ang tangos ng ilong niyang makitid.

Nang makontento siya sa kanyang hitsura ay nagtungo na siya sa RM pastry shop. Ini-expect niya na siya ang mauunang aplikante pero nagulat siya pagdating ay nasa dulo siya ng pila. Hindi sa mismong shop siya dinala ng guwardiya kundi sa katabi nitong gusali na nagsisilbing opisina. Halos mga lalaki ang kasama niya. Iilan lamang ang babae. Narinig niya sa kanyang mga kasama na marami na raw branch ang shop at mayroon nang maliliit na distributor. Doon lang ang main branch at production.

Inaasahan ni Shana na maaga siyang matatapos pero mukhang aabutin pa siya ng lunch. Umiinit na ang puwet niya sa kakaupo. Nakaidlip siya sa kakahintay. Nagulat na lang siya nang kalabitin siya ng guwardiya. Siya na pala ang susunod. Panay ang buntong-hininga niya habang papasok siya sa opisina ng manager. Pagbukas niya ng pinto ay wala siyang makitang tao na nakaupo sa tapat ng mesa. Tumuloy pa rin siya.

Uupo na sana siya nang biglang bumukas ang pinto sa gawing kaliwa at lumabas ang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng bughaw na polo at pantalong maong. Tantiya niya'y nasa five foot ten ang taas nito. Malapad at matipuno ang pangangatawan nito. May isang dangkal ang haba ng buhok nito na aalon-alon at ang ilang hibla ay nakasayad sa noo nito. Katamtaman ang kaputian ng balat nito na makinis. Magaganda ang almond shape nitong mga mata na bumagay sa katamtamang kapal ng mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na makitid at katamtaman ang pintog ng mga labi na natural ang pamumula.

Habang nakatitig siya sa lalaki ay kaagad niyang napansin na may pagkakahawig ito kay Rex. Ang anggulo ng mukha nito, mga mata ay may hawig kay Rex. Mas guwapo lang ito, mas matangkad at malaki ang katawan. Naalala niya, nabanggit sa kanya ni Rex na may nakababata itong kapatid na lalaki na nag-aaral sa Australia kasama ng parents nito. Pero walang ipinakitang litrato nito si Rex. Nabanggit minsan ni Rex ang pangalan ng kapatid nito pero nakalimutan niya.

Natigilan si Shana nang salubungin siya ng malagkit na tingin ng lalaki. Malamig sa loob ng kuwarto pero ang init ng pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan bakit may pakiramdam siya na pamilyar sa kanya presensiya nito na tila nagtagpo na sila noon. Hindi rin niya maipaliwanag ang pagtulin ng tibok ng kanyang puso nang makita ang lalaki.

"G-good morning, sir," naiilang na bati niya rito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa silya nito.

"Ms. Valdez, tama?" wika ng lalaki.

"Uh... y-yes, sir," nababalisang tugon niya.

"Please take your seat," anito.

Umupo naman siya sa tapat nito. Pinagmamasdan niya ito habang tinitingnan nito ang resume niya.

"So, nag-aral ka ng culinary arts sa RRM Culinary Institute. Ito ang pumukaw sa interest ko. First time kasi na may nag-apply rito mula sa school na ito. My parents owned the school but now it's officially mine. I knew that most of the students from RCI are good and skilled. Of course because of the high standard, good instructors and the good facilities," anito.

Nawindang siya. Ang RRM Culinary Institute kung saan siya nag-aral ay pag-aari ng pamilya ni Rex. Ibig-sabihin, kapatid nga ni Rex ang lalaking ito! May kung anong hindi maipaliwanag na emosyong umahon mula sa puso niya dahil sa natuklasan. Pilit niyang binabalewala ang nararamdaman niya at nagkunwaring hindi connected sa kapatid nito.

At tama ito, magagaling nga naman ang instructors sa school at halos international cuisines ang itinuturo. Mahal ang tuition fee pero mas mahal ang gastos sa mga ingredients na ginagamit. Halos isang daang libo ang naubos niya sa pag-aaral sa loob lang ng anim na buwan. Nag-specialize pa kasi siya ng baking and pastry. Ginamit niya ang perang naipundo ng Papa niya sa bank account niya noong okay pa sila.

"You're right, sir. The school was the best," sabi niya.

"Anyway, paki-sagutan lang itong ilang katanungan habang nire-review ko ang sample recipes mo," anito saka binigyan siya ng isang perasong papel na tila test paper.

Kinuha nito ang naka-folder niyang recipe. Binabasa niya maigi ang ilang katanungan bago sinagutan. Related lahat sa trabahong ina-apply-an niya ang tanong. Hindi niya masaway ang kanyang sarili na tingnan ang guwapong lalaki. Seryoso ito sa pagbabasa ng recipe niya. Aminado siya na mas malakas ang sex appeal nito kaysa sa dati niyang nobyo.

Nang masagutan niya lahat ng tanong sa papel ay ibinalik niya ito sa lalaki. Nag-iisip pa rin siya kung ito na ba ang lalaking tumawag sa kanya. Mas buo kasi ang boses nito sa phone pero aminado siya na mas maganda ang boses nito sa personal.

Natigilan siya nang tumitig nang deretso sa kanya ang lalaki. Nilinis niya ang kanyang lalamunan.

"Why you chose to work in my company, Ms. Valdez?" mamaya ay tanong nito.

Pilit niyang ikinakalma ang kanyang dibdib. "I just think that your company fits to my skills and ability," sagot niya.

"So, why should I hire you?"

Tumitig siya nang deretso sa mga mata nito. Nakakakabog ng dibdib tumitig sa mga mata nito. Naba-blanko ang utak niya.

"Uh... If you'll hire me, I-I will do my best to work hard for the company and I-I'm..."

Tuluyan na siyang nautal at pumurol ang utak niya.

"Are you alright, Ms. Valdez?" tanong nito pagkuwan.

"Uh..." Nang hindi niya alam ang sasabihin ay nakagat na lamang niya ang kanyang ibabang labi.

Nang tumitig siya sa lalaki ay natigilan siya nang mapansin ang pagtigil ng tingin nito sa mga labi niya. Pagkuwan ay deretsong tumitig ito sa mga mata niya. Kumabog nang husto ang dibdib niya.

"Okay. I'll send you a text message if you are qualified, then you have to report here again for final interview and orientation," sabi nito.

"Thank you, sir and sorry," aniya.

"It's okay. You may go."

Tumayo na siya at lumabas.

Nakalabas na ng naturang opisina si Shana bago siya nahimasmasan. Pinukpok niya ang kanyang sariling noo.

Damn! What happening to me? Why I need to feel nervous?

Kinastigo niya ang kanyang sarili. Dahil sa nangyari ay hindi na siya umaasang makakatanggap siya ng mensahe para sa final interview.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon