Chapter Twelve

2.1K 92 4
                                    


MALIBAN sa pies, mayroon ding dinalang cookies si Reed para sa mga bisita na hindi mahilig sa pie. Nang isa-isa nang magsidatingan ang mga bisita ay napanatili ni Shana ang kanyang ngiti habang isa-isang binabati ang mga pumapasok. Nakatayo siya sa gilid ng long table kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mga naka-suit at naka-dress ang mga bisita at halatang mga bigating negosyante. Malamang ang ilan sa mga ito ay investor ng RRM Culinary Institute.

Pumasok na rin si Reed kasama ang mag-asawang Chinese national. Halos mapuno ang buong pasilidad at ukupado lahat ng mesa. Pumuwesto si Reed sa harapan kung saan mayroong nakahandang microphone. Nagsimula itong magsalita.

"Good morning ladies and gentlemen! I am thankful for your time to come here. This party was the continuation of my thanksgiving party and also the celebration of my journey in pastry business. Like my brother Rex's told me, business is also a passion, a most challenging passion. He inspired me to embrace food industry. He said; business was more interesting than working in a bank while counting money of other people. While in business, you are counting your own money. Now, I am here, continue my brother's legacy. I just realized that he's right. I found this business more interesting. Of course, the difficulty in market was not like other kind of business. The competition in this business was very challenging. So, I'm always hoping for more success and believe in my ability and knowledge. Again, thank you and please enjoy the party," mahabang talumpati ni Reed.

Umugong ang palakpakan. Ang ibang bisita ay lumapit na sa mesa kung saan nakalagay ang tea. Nabaling ang atensiyon ni Shana sa mga bisita. Kanina habang nagsasalita si Reed ay tumaas lalo ang paghanga niya sa binata. Nabanggit nito si Rex sa talumpati nito. Naramdaman niya ang sakit na naramdaman ni Reed sa pagkawala ng pinakamamahal nitong kapatid. Kaya lalo siyang nagiit sa kanyang konsiyensiya kahit nasaktan din siya sa nangyari.

Lumapit na rin sa kanya si Reed at tinulungan siya sa pag-distribute ng mga pies, habang ipinapakilala nito ang bagong produkto.

"Hm, ito ba ang sinasabi mong bago mong produkto, Reed?" tanong ng lalaking mataba na naka-suit.

"Yes, sir. Actually bagong chef ko ang nag-present sa akin ng berries pie recipe. Hindi ito literal na recipe. She have her own version and it's more delicious," pagmamalaki ni Reed.

"Hi, Reed! Siya ba ang babaeng nagpa-inspired sa 'yo lalo para sa business na ito?" usig naman ng babaeng kasama ng matabang lalaki.

Uminit ang mukha ni Shana nang mapansing sa kanya nakatingin ang babae. May ilang sandaling hindi nakasagot si Reed. Sinipat din siya nito. Mamaya ang tumawa ang binata.

"Actually she's my new pastry chef. She's Shana Valdez. She was graduated also in RRM Culinary Institute. She's my youngest chef in my shop but she's skilled," pakilala sa kanya ni Reed na iniwasan ang tanong ng babae.

"And she's beautiful," dugtong ng babae.

"Yeah, you're right," sang-ayon naman ni Reed.

Pakiramdam ni Shana ay apoy ang lumalabas sa malaking air-condition. Pinagpapawisan siya dahil sa tense. Nag-serve na lamang siya ng pie na pinipili ng mga bisita.

"What do you called this one, chef?" tanong sa kanya ng Chinese national na ginang.

"That one is Raspberry pie, ma'am," sagot niya.

"Oh, nice. Can I have one slice of that?" anito.

"Yes, ma'am."

Nilagyan naman niya ng isang hiwa ng pie ang platino nito.

Nang makakuha na lahat ng pagkain ay saka lamang nakaramdam ng pagod si Shana. Namataan na niya si Reed na nakikihalubilo sa mga bisita nito habang pumapapak din ng pie. Doon siya lalong humanga sa binata. He's almost perfect, inside and out. Reed was the ideal man that every girls desiring with. Of course, she's one of those girls.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon