Chapter Thirteen

1.9K 94 3
                                    


MALAWAK din pala ang lupaing kinatitirikan ng bahay ni Shana. Hindi iyon napansin ni Reed noong gabing hinatid niya ang dalaga. Sa tapat ng entrada ng gardening shop niya inihinto ang kotse. Ang Tita raw nito ang nagppalago sa business na paghahalaman. Mahilig din siya sa mga halaman kaya naingganyo siyang bumaba at tingnan ang mga naka-display na mga halaman.

Iginiya siya ni Shana sa loob ng shop. Tahimik at mukhang walang tao. Mamaya ay lumabas ang batang lalaki mula sa maliit na kuwarto.

"Mama!" nasasabik na sambit nito habang patakbong sumugod kay Shana. Sinalubong naman ito ng dalaga at niyakap.

Napatitig si Reed sa bata. Sa unang sulyap ay napamilyar siya sa mukha ng bata at hindi niya maintindihan bakit bigla siyang nakadama ng hindi maipaliwanag na excitement nang makita ito.

"Mama, may choco balls?" tanong ng bata.

"Sorry baby ko, hindi nakabili si Mama. Next time na lang, ha?" ani Shana.

Humaba ang nguso ng bata. "Sabi mo bili mo'ko, eh," nagtatampong sabi nito.

"Huwag ka nang magtampo. May pasalubong pa rin naman si Mama. Mas masarap pa."

Habang pinagmamasdan ni Reed ang mag-ina ay napapangiti siya. Naisip niya kung gaano kasarap magkaroon ng anak. He found himself thinking for his future, and to settle down. Stable na ang income niya. Natupad na niya ang pangakong business. Kailangan naman niyang pagtuunan ng pansin ang planong pagpapakasal at pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Nang tumingin sa kanya ang bata ay kumislot siya. Nababasa niya ang curiosity sa mukha nito. Hawak niya ang isang kahon ng strawberry pie na ibinigay niya kay Shana. Nagpumiglas ang bata kaya ito binitawan ni Shana. Nasorpresa siya nang tumakbo palapit sa kaya ang bata. Tumayo ito may isang dangkal ang pagitan sa kanya saka siya sinusuyod ng tingin. Napangiti siya. Tumiungko siya sa haparan nito.

"Hi!" bati niya rito.

"Hello!" ganti nito sa kanya.

"I'm Reed, kaibigan ng Mama mo. Ano'ng name mo?" pakilala niya rito.

"Toby. Ano 'yan?" anito saka itinuro ang hawak niyang kahon.

"Uh, para sa 'yo 'to. Mas masarap ito sa chocolate. Meron itong strawberry."

"Strawberry?"

"Yap."

"Buksan?"

Natatawang binuksan naman niya ang kahon at ipinakita rito ang laman. Nanlaki ang mga mata nito. Nagulat siya nang bigla nitong pinulot ang buong strawberry na nakapatong sa ibabaw ng pie. Talima namang sinugod ni Shana ang bata at sinaway.

"Toby! That's bad! Ilalagay muna natin 'yan sa plato," sermon ni Shana sa bata.

Sumimangot ang bata.

"Okay lang. Kanya naman ito, eh. Hayaan mo na, bata 'yan," sabi niya kay Shana.

"Baka kasi masanay siya."

Lumabas na ang ginang na malamang ay tiyahin ni Shana. Tumakbo si Toby sa ginang at umiyak. Nahabag ang loob ni Reed.

"May bisita ka pala, Shana. Akala ko may duty ka," anang ginang.

"Half-day lang po, Tita. Siya pala si Sir Reed, boss ko," sagot naman ng dalaga.

"Magandang hapon po," magalang na bati niya sa ginang.

"Ganoon din sa inyo, sir. Maupo muna kayo," anito.

"Sige, okay lang." Ibinigay niya kay Shana ang kahon ng pie.

Ibinigay naman nito iyon sa ginang. Pagkuwan ay nagpaalam ang ginang na papasok muna sa bahay kasama si Toby. Napansin niya na naging uneasy si Shana. Apektado pa rin siya sa naging reaksiyon ng anak nito kanina.

"Strict ka ba sa anak mo?" pagkuwan ay tanong niya sa dalaga.

"Hindi naman. Napapagalitan ko lang siya kapag may hindi siya magandang asal. Ayaw ko kasing lumaki siyang salbahe," sagot nito.

"Sorry pero para sa akin, hindi magandang ipahiya sa harap ng ibang tao ang bata. Napakasinsitibo kasi nila. Kapag nakasigaw ang parents nila, iniisip nila, galit na. Hindi dapat sila nakakaranas ng trauma sa murang edad. Kid below seven was very sensitive, dito mabilis ma-develop ang trauma na maaring madala nila paglaki. Kaya may mga batang mas komportable sa ibang tao kaysa parents nila," payo niya rito.

Napansin niya ang bahagyang pagdilim ng anyo ng dalaga. Bigla siyang nag-alala baka na-offend niya ito. Hindi siya nakapagpigil na hawakan ito sa kanang kamay. Awtomatikong tumitig sa kanya ang dalaga. Sinalubong niya ang malamlam nitong mga mata. He felt something unexplained emotions rose from his heart. He studied her beautiful face, and wanting to kiss her...

Ipinilig niya ang kanyang ulo sabay bitiw sa kamay nito. "I'm sorry. Uh..." na-mental block siya.

Naibaling niya ang tingin sa mga halamang namumulaklak. Ang gaganda ng mga bulaklak. Nilapitan niya ang mga ito. "It's beautiful," sabi niya.

Sinundan naman siya ng dalaga. "Mabenta raw ang mga 'yan," anito at nakalimutan na ang paksa nila kanina.

Hinawakan nito ang kumpol na bulalak ng two lovers. Sa halip na sa bulaklak tumitig, he stared at her, longing to tell her she was more beautiful than a flower, but he can't. Instead he said something stupid.

"Flower with flowers." Pagkuwan ay nakagat niya ang kanyang ibabang labi.

"Sir?" pukaw sa kanya ni Shana.

"Uh, can I buy one?" sabi na lamang niya.

"Hintayin lang natin si Tita. Uhm, tatawagin ko pala. Kuwan, salamat sa paghatid," obvious na natatarantang sabi nito.

Sinundan lang niya ito ng tingin habang papalis. Natatawa siya. Feeling niya may something sa kanila ni Shana na dapat nilang ikompisal sa isa't-isa. Bigla siyang na-excite. Kaunting effort pa ay magkakabistuhan na sila. Hindi na siya makapaghintay na mangyari 'yon.

Nang dumating ang Tita nito ay binayaran na niya ang bulaklak na napili niya. Nang sabihin nito na pinapakain na ni Shana ang anak nito ay nagdesisyon na siyang umalis.

Secret Longing (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon