Zake's POV
"IIWAN mo ba ako dito sa mall? "
"Alangan naman na magiging buntot mo'ko? Edi makakahalata na si Allure? " Then she rolled her eyes.
Nasa labas pa rin kami ng mall. Planado na ang lahat, ang pagkikita, ang mga isasagot ko sa possible na tanong ni Allure, lahat na.
"You keep addressing us by our names. " Sabi ko.
"Ano gusto mo? Dad itawag ko sa'yo tas kay Allure-Mom, ganun? Hello. This is 2019, halos magkaka-age lang tayo dito. " She exclaimed in 'duh' tone.
Habang nagsasagutan kami dito sa labas, biglang nag-fix ang mata ni Rollyn sa isang shop malapit dito sa kinatatayuan namin, kaya napatingin din ako doon.
"Ano? " May nakita ba 'tong interesado?
"It's the toy shop! " She excitedly giggled.
"Nariyan pa 'yan sa panahon mo? " Tanong ko.
"Makapagsalita naman akala mo ang tanda-tanda ko na."
"W-well, you can say that i-it's still there? " Napapoker face ako. Sagot ba 'yun o tanong?
May tumigil sa pagpasok na sana sa pintuan at nilingon ang direksyon namin. Nangunot-noo ito bago lumawak ang ngiti. Nilapitan niya kami habang nakangiti pa rin.
"Kamusta na Rol, " Nangunot ang noo ko. Rol?
"Po? " Ani Rollyn saka tumingin sa akin.
"Matagal ka nang hindi nagpupunta dito, a? May nangyari ba?" Tanong nang babaeng nasa mid 40's.
"I think you've mistaken me for someone else. " Si Rollyn.
Napaisip naman ang babae at tinitigan ng maigi si Rollyn-"A-ah, g-ganun ba? Paumanhin, ija. " Ani nito bago pailing-iling na pumasok muli sa shop.
"Ang ganda siguro ni Rol kaya napagkamalan ako, " at humagikhik pa siya. I scoffed.
Nagsimula na akong maglakad papuntang loob ng mall-"H-hoy! Zake! "
Habang nakatalikod ako ay inangat ko ang kamay kanang kamay ko-"Just trust me will you? "
"Oo na! Basta siguraduhin mo na magkakagusto na sayo si Allure nang hindi masayang paghihirap ko! " Iyon ang huli kong narinig mula kay Rollyn.
Ayon sa sinabi niya sa akin, alas tres ang pagpunta dito ni Allure sa mall. Bale nasa plano na magkakabanggan kami dun sa Dress'N Pants mamayang 3:42 at doon na magsisimula ang usapan. I sighed. Zake, you can pull this off.
I decided to stroll while waiting for the right time. May 15 minutes pa naman ako. Pumasok ako sa isang perfume shop at tumingin kung may mabibili ba ako. Malay mo 'dba? May mangyaring maganda pagkatapos nitong pagkikita namin.
Pero dahil nga sa hindi ako mahilig sa mga pabango ay agad din akong lumabas. Nang wala na akong magawa ay pumasok na lamang ako sa Dress'N Pants. Sabi ni Rollyn sa may bandang T-shirt section kami magkikita.
Tsk. Apat na buwan na kaming hindi nagkikita ng pinsan kong si Tantan, malay ko ba kung anong size nun? I took out my phone and I searched for my cousin's fb name. Hindi na ako nagtaka sa madaming greeting sa wall niya, palakaibigan din naman kasi siya.
Biglang may nagpop na chathead sa phone ko at nang tiningnan ko iyon ay gayon na lamang ang pagka-gulat ko.
From: TanTan
Gwapong pinsan, I'm waiting for your three korean-shirt-styled gift saken. Dmo naman cguro nakalimutan no? 😑Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko. Makakatikim sakin 'to ng mga limang batok. Aba! Alam ata niya na lumabas ako at hindi para sa kanya kundi para kay Allure ang paglabas kong ito.
"Good afternoon, Sir. May I know what do you want in particular? " Tanong ng isang saleslady dito. Umiling ako.
"If you need any assistance, we're always here to give you information. " Saka ito yumuko.
I awkwardly nodded before she walked away. Woah.
"Hindi ka ba talaga marunong humarap sa tao? " Nilingon ko ang nagsalita.
'Pag nakita mo siya, ngitian mo lang at batiin. Normal na pagbati na ngayon at hindi may halong pagkagulat para naman kahit papano ay magsisimula na ang koneksyon niyo sa isa't isa. ' Rollyn.
Lumunok ako bago siya ngitian-"Allure, it's nice seeing you here, " sabi ko.
"Well we bumped into each other almost once a day. So yeah, it's nice seeing you again, " she giggled. How beautiful.
Lumapit siya sa akin bago tiningnan ang hawak kong damit kanina-"Bumibili ka ng iyo o....? "
"Oh, it'll be a gift for my cousin, " saad ko.
She nodded-"Ang sweet mo naman, Zake. "
Inilingan ko siya. Casual conversation, Zake. You're doing good.
"May pupuntahan ka pa? O may bibilhin ka din ba dito? " Tanong ko sa kanya.
Mukhang nagukat siya sa tanong ko at umiwas siya ng tingin-"Ano... I thought I-I should say 'hi', yun lang. " Really?
"Kung wala ka nang pupuntahan sabayan mo na muna ako mamaya mag foodtrip. Okay lang ba sa'yo? "
"Sure! But I have to leave at five, importante lang. " I nodded.
Hindi ko nga alam kung magtatagal kami ng kalahating oras na pag-gala, iyan pa kayang mahigit isang oras?
"Bibilhin mo ba 'to para sa cousin mo? " Tanong niya.
Kinuha ko ang naka-hanger at tinanguhan siya. She also suggested that she'll help me find other t-shirts for my cousin since hindi naman daw siya nagmamadali. It's been lot of fun. Pagpili pa lang ng gift 'yun.
Allure and went to the game center, naglaro ng coin dozer. And we went to the icecream house then we went to the flower shop.
"Do you love roses? " Tanong ko sa kanya nang inamoy niya ang white na rose.
"I've come to like it because of my friend, " she uttered.
"I guess she'll throw tantrums if I won't be sending it to her, " dagdag pa niya.
Now I'm getting curious over her friend. Someone really important? Napailing ako sa mga iniisip. Kung makaasta parang may kayo, Zake. Tsk.
"Bakit naman? " Tanong ko na siyang nagpatigil sa kanya.
"Ah. Sorry--"
"Okay lang. "
"White roses makes her smile, kasi... "
"Siya 'yung tipo ng tao na kayang pasayahin ang iba, pero hindi kayang pasayahin ang sarili niya. "
"Hi-hindi ko na dapat tinanong pa, " sabi ko. Somehow, it hit a spot right into my heart. Tagos na tagos.
"Hah. Enough about flowers, let's pack this up and get some snacks. "
Sinundan ko lang siya papunta doon sa owner nitong shop.
Yung kaibigan ni Allure na kwinento niya kanina... may linyang nagdudugtong sa amin. I feel what Allure's friend's feeling. Pero siguro... siguro lang ay mas mahirap pa ang pinagdadaanan niya kaysa sa akin.
"Zake? Tara na? "
⏳⏳⏳
YOU ARE READING
Just Before You
Short StorySECOND ON THE BOOK OF CHANCES *** He's just 19 years old for freak's sake. How come did he had a daughter? His daughter from future came to find him in order to strengthen the bond of her parent. Well, that's what she said. ⌛⌛⌛ [Dedicated to Rolly...