Zake's POV
"ANO na, dude? Hanggang tingin ka na lang ba? " Tanong sa akin ni Harith.
"Mahirap umamin, shunga" ang siyang nasabi ko na lamang na siya namang nagpatawa sa kanya.
Nasa gymnasium kami at ang kasalukuyang klase namin ay P. E Class, na joint sa kabilang section.
Ang ganda niya talaga.
Napailing ako sa naisip ko. Hindi ako stalker kung tatanungin niyo. Hindi ko rin naman siya palaging pinagmamasdan. Kapag nasa line of vision ko lang siya saka ko siya natitingnan ng maigi. Her name is Allure Selerio. Such a beautiful name. She's in grade 12 section Tungsten. Gaya ng pangalan niya, for me, everything around her stops whenever I see her. Her cloudy eyes, beachwave hairstyle, her pointed nose, everything about her caught my eyes.
Nang magring ang bell, hudyat na tapos na ang klase ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinawag si Harith.
"Ano? Hindi mo talaga siya kakausapin? Magparamdam ka naman sa kanya, Zake. " At pabiro nito akong sinuntok ng mahina.
"Magtigil ka. Hindi naman ako kagaya mo na vocal ka sa lahat ng bagay. " Ani ko. Kinuha ko na ang bag ko at naisipan ko na didiretso na lang sa canteen para bumili ng makakain bago magpunta sa rooftop. Mas presko dun eh.
"Seryoso? Baka unahan kita, sige ka. " Pagbabanta niya sa akin na agad din naman niyang binawi dahil sinamaan ko siya ng tingin.
"Bahala ka diyan, Zake. " Akmang aakbay siya sa Akin ng naglakad ako ng mabilis.
"Huwag mo 'kong kausapin. "
"Uy. Ano yun? Nagselos ka agad eh wala pa naman akong ginagawa? " Pero hindi ko siya pinansin.
Masyado akong gutom para sagutin pa siya. Mabuti nalang at iilan lang ang mga estudyanteng nakapila. Nag-order lang ako ng burger at canned coke. Akala ko pa naman sinundan ako ni Harith. Tsk.
Napabuga agad ako ng hangin ng marating ko ang rooftop. Walang tao dahil may nagsasabing may multo daw dito. Ang lakas ng sikat ng araw, matatakot pa sila? Kailanman ay hindi ako naniwala sa kwento nila patungkol dito sa rooftop. Eh mula junior highschool nagpupunta na ako dito, wala pa naman akong nakikita o kaya ay naririnig na weird.
Ibinagsak ko agad ang bag ko saka umupo. Mula dito, kitang-kita ang malawak na field kung saan may naglalaro ng soccer. I wish someone would want me on a team. Okay na sa akin ang soccer o kaya basketball. Kaso hindi ako magaling sa communications at sa team programming.
By the way, Allure... If I could just ask her out or simply confess to her then something good might happen. I wonder if she had a boyfriend already? Ang ibig kong sabihin ay oo maganda siya, infact may mga nagkakagusto sa kanya. Kaya hindi impossible na may gusto siya o kaya naman ay lover.
Napailing ako sa sarili kong iniisip. Tsk. Isa lang naman akong torpeng lalaki eh.
"Aray! " Napatigil ako sa pagkagat ulit sana nung burger nung makarinig ako ng boses ng isang babae.
Lumingon ako at nabitawan ang hawak kong burger. Fuck! Fuck! Fuck! Nananaginip ba ako?
Isang babaeng nakaputing bestida ang nasa harapan ko ngayon na mukhang nadapa dahil nakasalampak siya sa sahig dito sa rooftop. Hindi ko alam kung yung liwanag ba na nagmumula sa araw ang dahilan kung bakit ang puti ng balat niya o ano? Pero....
Hindi totoo ang mga multo 'dba? Walang siyentipikong explanasyon ang mga ganoong bagay, tama ba? Anong gagawin ko? Tatakbo ba ako o tatalon?
Tumingin ito sa may kamay niya na parang Alien na nakatuntong sa Earth.
Pagtingin niya sa akin ay nanlaki ang mata ko. H-heto na ata ang sinasabi nilang multo.
"Ikaw si..." She muttered.
Ilang segundo pa ang naging pagtititigan namin bago sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Recognition lit through hereyes. Nang nagbadya siyang humakbang papalapit sa akin ay tumayo ako ng pabigla.
Mamamatay na ata ako ng hindi man lang nakikilala ni Allure.
"Wh-who.... " Ako.
"Uhm. H-hi, Dad. "
Eh?
Shit! "Huwag...k-kang lalapit... sa-sa'kin! "
Unti-unting nabura ang ngiti niya at napalitan ito ng isang pout. Sumabay ang malamig na hangin sa pagsayaw ng kanyang hanggang balikat na buhok. Ba't 'dpa ako hinihimatay? Hindi ba kapag sa mga movies mahihimatay o kaya naman ay sisigaw ang mga tao kapag nakakita sila ng multo? Pero ako? Naipit ata ang dila ko at ni hindi man lang makalunok.
"Dad naman eh. " Napakurap ako sa sinabi niya.
"H-ha? " Ako. Namali ba ako ng dinig na naman o may iba pa kaming kasama rito?
Tumingintingin ako sa likod ko at nang wala akong makita ay itinuro ko ang sarili ko-"Ako? "
She nodded simultaneously and beamed a smile. Lalapit na namam siya sa akin nung iniharang ko ang kamay ko-"M... Multo ka b-ba? " Ani ko.
She laughed hard-"Hindi! Seriously? "
"Eh saan ka galing? " Tanong ko.
Nag-isip siya ng kaunti bago magsalita-"Ahm. Sa future. " Napatanga ako sa sinabi niya.
Future?
Ako ang tatay?
Paano nangayari yun?
Weh?
"I know. I know. Nagp-process na sa utak mo ang mga yun. But yes, tanggapin mo na anak mo ako. " Then flipped her hair.
"Teka nga. S-sigurado ka na hindi ka multo? " Ganito ba talaga dapat ang tanong ko?
She rolled her eyes and then the next thing I knew, she jumped on me and hugged me. Hindi ako nakagalaw, para bang tinanggap ng katawan ko ang yakap niya. Lukso ba ng dugo ang tawag dito?
"I'm telling you, I'm from the future. " She said while she was looking upright to me. Tinulak ko siya ng dahandahan at inilayo ang sarili sa kanya.
Tao siya. Naramdaman ko ang pisikal na kaanyuan niya eh.
"Okay, naniniwala na akong tao ka. P-pero... mula sa future? Hah! Paano mo naman ipapaliwanag yun? " Tanong ko.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanungin ang isang baliw na babaeng nagsasabing anak ko siya at magmula siya sa future-kuno. Wala pang ganun. Ano siya, alien?
Bagkos na sagutin niya ako ay inilibot niya ang tingin sa buong kapaligiran at tumingin muli sa akin-"Heh~ so your highschool days, huh? "
"Sana sa eksaktong araw na lang, " I heard her murmured.
Bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Harrith.
"Dude, klase na.... " Naputol ang sasabihin niya dahil nakita niya siguro ang babeng nasa harapan namin ngayon.
"...natin. " Tumingin agad siya sa akin at palipatlipat sa babae.
"O-Hello, Uncle Harith! "
⌛⌛⌛⌛⌛
YOU ARE READING
Just Before You
Short StorySECOND ON THE BOOK OF CHANCES *** He's just 19 years old for freak's sake. How come did he had a daughter? His daughter from future came to find him in order to strengthen the bond of her parent. Well, that's what she said. ⌛⌛⌛ [Dedicated to Rolly...