3: Confusion

20 7 11
                                    

ZAKE'S Point of View

"WAKE up! Wake up! Wake up! "

Argh! Nakakairita ang boses niya. Kung bakit ko ba kasi siya pinatuloy pa sa pamamahay namin. Ah, oo nga pala. Anak ko siya. Tsk!

"Can't you knock?! " Iritang pambungad ko sa kanya. But she looked at me in disbelief.

"You won't wake up if ever I knock. And you hated someone who wakes you up early in the morning, by the way. " Then she wink.

Tumayo ako habang siya ay nakaupo pa rin sa kama ko. Ginulo ko ang buhok ko bago mag-inat, and then stared at her-"Why are you here again? " Tanong ko.

And then the next thing I knew is that she slapped me. Hard. Napaawang ang bibig ko at bago pa niya ako tinakbuhan ay hinablot ko ang kamay niya. I glared at her.

"Woman, what's your problem?! "

"Ah. Gising ka na~" Sabi niya na masayang masaya pa.

"Sinabi ko sa'yo kagabi na tutulungan kita kay Allure Selerio, dba? We'll see her today." Binitawan ko siya saka napahilot sa sentido ko.

"Alis. " Utos ko.

She pouted before walking away-"Dalian mo at mal-late ka na. "
Argh! Sumalampak agad ako sa kama bago maisipang maligo na at magbihis.

Napatingin ako sa salamin. Kikitain namin ngayon si Allure, dapat ba akong mag-ayos? At bago ko kunin ang suklay para sana ayusin ang buhok ko ay bigla ko na lamang nakita ang reflection ni Rollyn sa salamin.

"Holy... "

"Huwag magsalita ng bad words! " She hushed me. Ibinaba ko ang suklay at mariin siyang tiningnan-"Bakit ka ba lumilitaw na lang bigla?! "

"Ba't mo'ko sinisigawan? " She said and as if on cue, I was taken aback. Hindi ko alam, pero lumambot agad ang ekspresyon ko nung nakita ko siyang nagbabadyang iiyak. Nakakainis!

Umiwas agad ako ng tingin at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa closet at kinuha ang bag na nakasabit. Habang hinahanda ko ang mga karga ng bag ko, nagsalita ulit siya.

"Anong date ngayon? " I glanced her sidewards. I hid my chuckle when I saw her laying on my bed like a child that's squishing her body on my pillows. Ba't ako nacu-cute-an sakanya? 

"July 15th. " I answered.

"21. " She mumbled something but I couldn't hear it.

"Ano? " Tanong ko.

Pagkuwa ay itinuro niya ang ceiling at umaktong parang inaabot ito bago siya nagsalita-"Hihintayin kita sa school. " And the she vanished before my sight.
-—
Okay. Hindi na ako kumain sa bahay kanina  ng breakfast dahil wala akong gana. Dumiretso ako sa rooftop dahil sigurado ako na doon ang punta nung si Rollyn.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng rooftop ng may humila rin mula doon sa labas kaya ay nahila ako roon. Shit. Malapit ko na talagang mabatukan itong si Rollyn.

"Hala. Sorry! " Ani ng isang malaanghel na boses saka iniabot ang kamay para patayuin ako. Oo. Natumba ako.

Pero hindi iyon ang importante ngayon kundi ang boses. Nabobosesan ko kasi. Inangat ko ang ulo ko at halos mapanganga ako nung makita kung sina ang nasa harapan ko.

"A-Allure? "

"Eh? " Siya na mukhang nagulat. Nagmumukha tuloy akong creepy dahil kilala ko siya.

Tumayo ako at hindi inalintana ang kamay na inilalahad niya sa akin. Nakakahiya kung hahawakan ko. O talagang nakakatorpe lang?

"A-ahm... Ikaw ba ang n-nagpatawag sa'kin dito? " Tanong niya at inikot ang paningin sa buong rooftop.

"H-hindi. May kikitain ako dito. " Pag-amin ko.

"Ah. Baka prank lang 'yun? " She mumbles and I can't help but to stare at her. Nakita ko na siya ng malapitan. Siya talaga 'to. May dapat ba akong sabihin sa kanya? May dapat ba akong gawin?

"Anyway, sige a? Aalis na ako. " She said with a smile and left without any other word.

Natameme ako. Hindi makapagsalita at ni hindi man lang makagalaw sa kinaroroonan ko. Si Allure 'yun,  Zake!  Natorpe ka na naman ba?

"Tsk. Tsk. Tsk. "

Rollyn. Napalunok ako bago tumingin sa kanya.

"I've given you a chance. Naku naman at sinayang mo pa. " Ani niya at napatampal pa ng noo.

Teka nga! Ikaw ba naman ang makaharap sa taong gusto mo ag tingnan na lang natin kung hindi ka matameme. Isa pa, sana kasi in-inform muna niya ako at hindi naging padalos dalos.

"I-ikaw nagset-up sa amin dito? "

"Obviously. Ah~ sayang 'yun. " She sang out. At paano naman niya ginawa 'yun?

"Aba. Sana naman sinabi mo para nakapaghanda ako. Malay ko ba na agad-agad pala? " I speak out of sarcasm.

"O ano na? " Tanong ko ng hindi siya nagsalita.

"You're hopeless. " Ani into na agad nagpakunot ng noo ko.

"Ha? Akala ko ba tutulungan mo ako kay Allure? " Tanong ko.

She walked around me. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Para bang nag-iisip siya base sa nakikita ko-ang hintuturo niya ay nakadampi sa pisngi niya at medyo naka-pout siya. Ang mata niya at malikot.

She then stopped infront of me-"Ang torpe mo talaga. "

"Anong sabi mo? "

"Hindi ba? " She scoffed. I nuzzle my nose and glared at her.

"Tutulungan kita pero paano ko magagawa 'yun kung hindi mo man lang matulungan ang sarili mo? " She said and sighed.

"M-masyado ba tal-talaga akong torpe? " Tanong ko.

She smiled at me-"Hindi naman. Sobrang torpe lang. "

"Hoy-! "

"Hep! Huwag na huwag mong pipisilin ang pisnge ko kundi tatamaan ka sa'kin! " Ha?

"Pano mo nalaman na pipisilin ko pisngi mo? " Oo. Ang cute kasi niya.

Parang naghahanap siya ng sasabihin-"Uhh. From future nga 'dba? "

"Really? " Tanong ko.

"Oo. Ganon kasi ang ginagawa mo sa'kin kapag nagiging pasaway ako. " She said and beamed a smile.

Medyo weird kasi ang feeling ko. Bakit pa niya ako tutulungan kung si Allure lang din naman ang makakatuluyan ko? Kung kay Allure lang din ako magkakarion ng anak?

Umiwas siya ng tingin sa sinabi ko na-"Ba't mo nga ulit ako tutulungan? "

"Sinabi ko na sa'yo na para sa inyo ito ni.... M-Mama. "

"Ba't mo ako tutulungan kung siya din lang naman ang magiging Mama mo? " Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay naglakad siya papunta sa railings ng rooftop at nakatalikod siya sa Akin.

"May... naging problema kayo. " Sabi niya.

"At 'yun ay? " Tanong ko.

"Ang marapat na hindi ko sabihin sa'yo. " Sabay tingin niya sa akin at humagikhik.

"Sige na! I'll meet you at the library at... 2 pm. Pupunta ka doon, tama? " Then again, she left me with confusion.

Tama ba talaga na pinagkatuwalaan ko siya? Kasi ang totoo lang, parang may mali. Hindi ko maintindihan kasi parang iniiwasan niya ang topiko patungkol sa amin ni Allure.

She calls you 'Dad' if she just wanted to,  Zake.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bahala na.

⌛⌛⌛⌛⌛

Just Before YouWhere stories live. Discover now