Zake's POV"PRE, tara karaoke bar tayo. " Si Harrith.
"Nang ganitong oras? Seryoso ka ba? Malapit na ang exam kung hindi mo alam. " May diin kong sabi.
"Pagkatapos ng klase, ano? Game ka ba?" I sighed when he didn't answer my question.
"May gagawin ako mamaya. " Sabi ko.
"Ha? Pre, may mga babae dun sa karaoke bar. Baka may makita kang pamalit kay Allure. " Sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Do you want to get the beating you never had? " Iritang tanong ko na nagpatawa sa kanya.
"Oo na. Tsk. Magsaya ka rin minsan, Zake. Masyado kang seryoso eh. " And then that's that.
Matapos ang klase namin ng alas dos ay agad akong dumiretso sa library. Well, Rollyn said that we'll meet here. But usually, I really am going here whenever 1 o'clock classes ended. Ah. Walang masyadong tao. Funny to think that people are more attached on their phones rather than holding a book.
"May smiley face--" I gasped.
"--akong nilagay sa uupuan mo. Second row, malapit sa may bintana. Doon uupo si Allure dahil mas tahimik at mas madaling makakuha ng libro na mababasa niya." Seruously?!
"Could you stop appearing anywhere? " Inis kong tanong sa kanya.
She signed me hush. Pagkatapos ay may ibinigay na libro sa akin.
"What's thi--" Naputol ang sasabihin ko.
"Oh it's already 2:10. Hurry. She'll be here soon. " Then she pushed me. Nang mapalakas ang pagtulak niya sa akin na muntik na akong matapilok, pero nung paglingon ko ay wala na siya.
Ah. Napatampal ako ng noo habang hinahanap ang second row dito sa first floor.
Oh there. It's a smiley face-sticker. Napangiti ako. Childish.
Umupo ako at tiningnan ang libro na ibinigay niya sa akin. It's entitled "Akagame's Book". I opened it and there's a note written there.
"Fighting! "
Ah. It's weird. Really weird. Somehow, ba't biglang bumilis tibok ng puso ko? Simple lang pero...
"Eh? Ikaw 'yung sa rooftop, tama? " I froze. Boses ni Allure.
Should I greet her? Tatayo ba ako para magpanggap na aalis o ano? Anong gagawin ko?
Suddenly, I felt her sit infront of me. Nag-angat ako ng tingin.
"A-ano... "
My heartbeat.
"Tama! Ikaw nga. " She whisperely shouted.
"You are...?" It seems like she's asking for my name.
"A-ah. Z-Zake. Zake Corpuz. " Pagpapakilala ko.
She then opened the book she's holding after smiling at me and telling me her name-"Allure Selerio, by the way. "
"Ang daming vacant seat a, ba't dito ka naupo? " She asked.
Uh. Para mapansin mo ako? It's not like I am a stalker...
Ano ang isasagot ko?
"Zake? " Napalunok ako bago siya sagutin-"It's more r-refreshing here. Mas... Mas madaling makakuha ng libro. " Ani ko at nag-next page ng libro.
"Same reason. " At itinuon na niya ang buong pansin niya sa libro.
Hindi ako mapakali. I sometimes steal glances at her but then I'll avert my gaze as soon as she eyed me. Mahirap na at baka mahuli ako. We also did not exchanged words all throughout the time we are here. Hindi ko rin lang naman alam ang sasabihin ko eh. I flinch when I heard a 'thud' sound, that's why my eyes went to her.
"I'll go first. See you around~" Pagpapaalam niya. I nodded.
And when she was out of my sight, I released a long breathe. What the heck? Is something wrong with me? Hindi man lang ako nakapagsalita ng maayos sa harapan niya.
"Oh. That's quiet enticing. " Napapikit nalang ako ng mariin.
When will I get used to her? Sinabi ko na sa kanya kanina na huwag siya basta-bastang mag-appear sa harapan ko.
"But too slow. " Ani niya.
"What do you really wanted me to do? " Tanong ko pagkabukas na pagkabukas ko ng mga mata ko.
"Make her fall for you. Duh. " She said.
"Bakit pa? Hindi mo sinagot kung may naging problema ba kami sa future. "
"Meron naging problema. "
"At ano nga 'yun. You told me you shouldn't answer that but.."
"But what? "
I averted my gaze. Nangalumbaba na lang ako habang nakatanaw sa bintana. Hindi ko rin alam. Parang may mali eh.
"I think something's wrong, but...somehow...it feels right to me. " Ani ko.
"Ha? " Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang slow mo. "
"Duh. Hindi nga kita maintindihan. "
Inilingan ko na lang siya-"Anong susunod na gagawin natin? "
She smirked at my statement. Shit. Mukhang delikado itong iniisip niya a?
"Mamayang uwian... "
"Alas quatro ang uwian niyo, tama? You need to stand by the gate at that time. May practice si Allure ngayon kaya siya umalis. At alas tres naman ang uwian ng ibang mga klase."
"Tapos? "
"Dahil alas tres ang uwian nila, mago-overtime si Allure hanggang alas singko... "
"Teka... Ibig bang sabihin mag-aantay ako ng isang oras sa gate? "
"Yes. Now shut up. "
Napatikom ako ng bibig. Wow ah? Saan kaya siya nagmana? Pft!
"Nakikinig ka? "
"Dadddd~"
"Huwag mo nga'kong tawaging ganyan. Nakakairita. "
She rolled her eyes and continued to explain.
"Iyon nga... Magpanggap ka na kakalabas mo lang ng classroom. "
"Ha? "
"Bakit ako magpapanggap? "
"Hindi mamamalayan ni Allure ang oras dahil in-adjust ko ang orasan ng relo dun sa club room nila. " At humagikhik pa siya.
"Anong rason ko kapag tatanungin niya ako? "
"Just tell her that you did your classroom journal, okay? "
"Sigurado ka ba na uubra ito? " Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Ako pa! Trust me! " She said.
"Okay. " I give in.
"Well then, I need to do something. Good luck! "
⌛⌛⌛
YOU ARE READING
Just Before You
Short StorySECOND ON THE BOOK OF CHANCES *** He's just 19 years old for freak's sake. How come did he had a daughter? His daughter from future came to find him in order to strengthen the bond of her parent. Well, that's what she said. ⌛⌛⌛ [Dedicated to Rolly...