Zake's Point of View
SABI nung babae na nakita ko kanina sa rooftop, kung gusto ko daw ng ebidensiya na galing siya sa future ay dumiretso daw na lang ako sa bahay ko. Paano naman niya mapapatunayan iyon sa ganoong paraan?
"Dude, totoo kaya ang sinabi kanina nung babae? " Pailing-iling na sabi ni Harrith.
Sabi niya kasi ay uulan daw ngayon kahit tanaw na tanaw ang araw at mainit ang panahon. Hindi daw masasabi ng weather forecast iyon. Hindi naman ako naniniwala kasi impossible nga hindi ba? At anong malalaman ko kapag nasa bahay na ako? Bigla-bigla ba siyang maga-appear na lang sa harap ko o kaya ay magpapalutang siya ng mga bagaybagay? Who knows.
"At Uncle? Tae, Dude! Masyado na ba akong matanda? " Sabay halagapak nito ng tawa. Ang babaw ng kaligayahan. Tsk.
Pagkatapos ng klase, sabay na rin kami ni Harrith na umuwi dahil ang daan papunta sa bahay nila ay daan din papunta sa bahay namin. Pero mas malayo ang bahay namin ng konting distansiya.
"Geh, Dude. Pakopya na lang sa mga assignments natin. " Tapos nag-korean heart sign pa siya. Ba't ko ba naging kaibigan ito?
Medyo nakakalayo na ako sa bahay nila Harrith nung may pumatak sa mukha ko at umagos pababa. Basa? Tubig? Tumingala ako para tingnan ang mga ulap at nakitang makulimlim ang mga ito. Manghuhula ba ang babaeng iyon? Pabilis ng pabilis ang pagpatak nito hanggang sa tuluyan na itong naging ulan.
Inilagay ko ang bag sa ulo ko para magsilbing pamayong tapos tumakbo ng mabilis. Habang papalapit ako ng papalapit, natatanaw ko ang babaeng nakaputi. Nilakasan ko ang loob ko na tingnan siya ng maigi dahil nakatitig siya sa bahay namin. Lalong lalo na sa kung saan naroon ang kwarto ko. Bigla ay napatigil ako sa pagtakbo at dahan dahang naglakad.
"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko. Siya ulit iyong babae sa rooftop. Shit naman.
Ngumiti siya bago nag-gasp. Hinila niya ako papunta sa silong ng tapat ng gate namin at nabigla ako nung nagtungo siya sa kung saan inilalagay ang passcode.
Gumawa ng tunog ang bawat pagpindot niya. 8237.
"Ba't ka nagpaulan? Baka magkasakit ka. " Pinanlisikan ko siya ng mata. Ayoko na ng kalokohang ito.
"Stalker ba kita?!"
"Hindi! Paano mo naman nasabi iyan? "
"Paano mo nalaman ang bahay ko? Paano mo alam ang passcode ko?! Paano mo nalaman?! Sagot! " As I raised my voice she looked frightened.
"S-sinabi k-ko na hindi. " Utal nitong tanong.
"Sigurado ka? Kung ganun, sagutin mo ang mga tanong ko. "
"Basta Hindi ako stalker! Ba't ba ang kukit mo? "
"Maniniwala ako kapag may ebidensiya ka. Ano? "
Hindi siya nakasagot. Stalker nga ata.
"Tatawag ako ng pulis. " Ani ko at nilagpasan. I was pressing on the dial tone when-
"I'm your daughter! Your favorite number is 10, you peed your pants when you were 10, you hated Mrs. Dettei Hanson. You hate spongebob, but you like Kung-Fu Panda. You aspire to be a Doctor and you'll get it. You'll live a good life with your... your... fi-fiancé... and she'll become your wife! " Napatigil ako sa sinabi niya.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. It's all true, damn! I calmed myself down. Inilapag ko ang telepono at hinarap muli siya. Her hand formed a fist and staring at her, she's on the verge of crying.
Bigla ay nakaramdam ako ng pagkabigat sa puso ko. Hindi nga? Anak ko talaga siya?
-—
Nakaupo na kami ngayon sa salas at inabutan ko siya ng tubig. Pinapakalma niya na ang sarili niya habang nanonood ng movie."A... " Haist! Tatanungin ko pa ba siya?
"Kung may tatanungin ka, tanungin mo na. " Ani niya.
"A-ahm. " Baka maging uncomfortable siya.
"You... Your name? " Tanong ko.
Ngumiti siya ng malawak habang nakatingin oa rin sa pinapanood-"Rollyn Flor-... A-ahm. Rollyn Corpuz. " At medyo nautal pa siya nung sabihin iyon.
"May tatanungin ka pa? "
"Y-you mean... I've done that thing to someone to...m-make...you?" Argh!
Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. Nakakahiya! Pakiramdam ko tuloy pumupula ang buong mukha ko.
"You mean sex? " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the?!
"Oo naman. " Then she smirked.
"K-kanino? " Lakas loob kong tanong ulit.
Tumahimik siya, o hindi ko alam kung narinig niya dahil mahina ata ang pagkakasabi ko nun. Nakatuon ang kanyang paningin sa pinapanood. Hindi ata niya narinig.
"Magpapalit muna ako ng damit. " Paalam ko at tumayo na.
"Allure Selerio. " Nawalan ata ako agad ng balanse at napaupo na lang.
"H-ha? "
"Crush mo siya 'dba? "
"O-oo. Este hindi. " Pagtatanggi ko.
She turned off the television and looked at me intently.
"Tutulungan kita sa kanya. " Ani nito na ikinanuot noo ko.
"H-ha? Hindi. " Pati ako ay di ko na rin maintindihan ang sinasabi ko.
"Gusto mo siya, tama? Tutulungan kita sa kanya. " Pag-uulit niya.
"P-pero diba sabi mo na si Allure a-ang naka... " Shit! Nakakahiyang magsabi ng mga ganitong bagay.
"Ang nakachuchuhan mo para magawa ako? " Sabay halagapak niya ng tawa.
Seryoso? Kasi nakakainis na eh! Ba't hindi ako na-awkward-an sa ganitong sitwasyon? Argh! Sinamaan ko siya ng tingin at unti-unti naman siyang tumigil sa pagtawa.
"Siya ba ang fiancè ko? " Seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam pero sa tingin ko ay nag-iba ang tingin niya sa isang segundo but abruptly changed into her jolly tone.
"Y-yes. "
Shit! Parang kinilig ako na ewan. Hindi ko alam. Si Allure talaga ang fiancè ko?
Tiningnan ko ulit si Rollyn. At hindi ko alam kung ilang minuto o segundo ba akong nakatitig sa kanya. I felt at peace tho. Pagkakatiwalaaan ko na ba ang babaeng ito? Ang babaeng nagsasabing anak ko daw siya? Nakita ko naman na ang kaya niyang gawin. At siguro bukas ko na lang hihingin sa kanya ang expalnasyon kung bakit nandito siya, kahit naman nasabi niya na si Allure ang fiance ko.
Ngayon...
"Tatawagin na ba kitang 'anak'? "
⌛⌛⌛⌛⌛
YOU ARE READING
Just Before You
Cerita PendekSECOND ON THE BOOK OF CHANCES *** He's just 19 years old for freak's sake. How come did he had a daughter? His daughter from future came to find him in order to strengthen the bond of her parent. Well, that's what she said. ⌛⌛⌛ [Dedicated to Rolly...