⏳9⏳

13 6 6
                                    

Zake's POV

NATAPOS ng maaga ang birthday party ni Tantan. Pinilit pa niya kanina na doon ako na sa bahay nila matulog dahil gabi na rin lang, pero tumaggi ako. Hindi naman kasi ako masyadong close sa kanya, siya lang talaga ang F.C sa akin.

Nadatnan ko si Rollyn na nakaupo sa living room ng bahay. Walang imik. Hindi naka-on ang tv at walang magazine na nakapatong sa lamesa. Anong ginawa niya dito buong araw? Hindi ba sila magkasama ni Harith kanina? Matapos kasi ang paglilibot namin ni Allure kanina ay dumiretso na ako sa bahay nila Tantan.

Maingat akong umupo sa tabi niya nang mapansin kong nakapikit siya. Was she asleep the whole time? 

"Rollyn? " Pagtatawag ko sa pangalan niya pero no response. Mukhang tulog nga ata.

Bubuhatin ko ba siya pataas? Baka naman magising siya? I sighed. Okay na siya siguro dito? Malambot naman 'tong sofa at isa pa ay nakalihis lang ang ulo niya sa headrest.

Maingat kong sinuportahan ang ulo niya at para pahigain. Mangangalay siya diyaan eh. Siya na rin mismo ang nagtaas ng paa niya, unconsciously and mumbling. Napangiti ako.

Tahimik rin akong naglakad pataas at papunta sa kwarto para kumuha ng kumot. Baka malamigan siya eh. Kumuha na lang ako ng bagong kumot at bumaba ulit. Ganoon pa rin naman ang posisyon niya. Ipinatong ko ang kumot sa katawan niya at habang inaayos ko ang kumot niya sa bandang may balikat niya ay nakita kong may umiilaw sa may pulsuhan sa kamay niya.

Nagkunot noo ako at tinitigan ng mabuti kung ano 'yun. May mga letra at numero, pero masyadong maliit sa paningin ko at hindi ko mabasa.

"Hnnm. " I immediately stood straight when she shifted her position.

Nakatayo pa rin ako habang pinagmamasdan siya. Kung titingnan siya sa ganitong posisyon, ni hindi ko man lang makita ang pagkakamukha namin, o kaya niya-kay Allure.

Iba ang porma ng kilay niya. Katamtaman ang hugis ng ilong, heart-shape ang mukha, at... manipis ang labi. Walang pagkakatulad sa akin at kay Allure.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko sabay upo sa ibaba ng sofa. I should just keep thinking of Allure.
--
Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko, bumati na agad sa akin ang titig ni Rollyn na siyang ikinagulat ko kaya napaatras ako.

"Ba't dito ka natulog? " She innocently asked.

Napatingin ako sa bintanang ni hindi man lang naisara. Umaga na? "Anong oras na? " Tanong ko.

"5:40. Ba't dito ka natulog? " Tanong ulit niya.

Bumangon ako mula sa pagkakaupo at nagstretch ng mga kamay-"Hindi ko napansin ang oras eh. Saka 'di ko namalayang nakatulog na pala ako, " sagot ko sa tanong niya.

Napatingin si Rollyn sa kumot na nakapatong parin sa katawan niya hanggang ngayon. Tumingin siya sa'kin at binigyan ako ng nakalolokong ngiti-"Ang sweet~" Tsk.

"M-magluluto na ako ng breakfast. " Pag-iiba ko ng usapan.

Habang naglalakad ako papuntang kitchen-"I want three layers of pancakes with chocolate fillings! "

Nilingon ko siya. Ilang araw na siyang nandito at ngayon lang siya nagrequest ng gustong kakainin-"Kakain ka? "

"Tao pa rin ako, kailangan kong kumain. " Tsk.

Tumuloy na ako sa kitchen at nagsimula nang magluto.

Anim na araw na palang narito si Rollyn at tinutulungan ako kay Allure. Hanggang kailan kaya siya dito? May plano pa ba kami ngayon para kitain si Allure o magtatambay lang kami sa bahay?

"Woah, I can smell the aroma of pancake. " Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Rollyn.

I flipped the pancake and did not respond to what she was saying.

"What adjective can you describe the pancake's aroma? "

Tumingin ako sa kanya-"What? " Pagsasakay ko sa trip niya.

"Alluring~"  A pun.

"Layo. May ginagawa ako, "

"Yieh! Kinikilig ka lang eh, " then she chuckled.

Habang kumakain rin kami ay patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin. Ang sarap niyang batukan pero hindi ko magawa. Mga rason? Una, anak ko 'daw' siya. Ikalawa, ang gaan sa loob ng pang-aasar niya. Ikatlo, she's cute when doing those. Tsk.

Ilang oras pa ang nakaraan nang mapansin kong wala na siya sa bahay. Kaya mula lunch ay nanood lang ako ng tv, nagbasa ng magazine at naglinis ng bahay. Wala na akong magawa eh. Ilang minuto pa ang nakaraan, habang nakahiga ako sa sofa ay may nagtext sa akin.

From: Harot
Tara, cycling tayo.

Good. May magagawa na rin ako.

Habang nagt-type ako ng text back sa kanya-"Allure will be sending you a friend request soon, "

"Ha? "

"You're going somewhere? " Tanong nito at tinanaw ang cellphone na hawak ko.

"Harith's inviting me. Magb-bike daw kami, eh. " Sabi ko.

"Oh, a notification. Dali, I'm sure it's Allure, " tapos sinundotsundot na naman niya ako sa tagiliran.

Pagbukas na pagbukas ko sa notification bell ko sa facebook...

Allure Selerio is sending you a friend request.
Accept.  Decline.

Napalunok ako pagkatapos mapindot ang accept button.

"Ay, hindi ka man lang nagpakipot? Kahit mga isang oras man lang sana ang pinalipas mo bago mo in-accept, " saka siya tumingin ng nang-aasar sa akin.

"You told me to--"

"Ops! Wala akong sinabi ha? "

"Sige, may gagawin pa ako. "

"And spend your day chatting with her, alright? " Then bigla na lang siyang nawala sa harap ko.

"Teka! Shit! Paano si Harith?! " Mukha akong tangang nagmomonologo dito.

Ah. Nakakainis! I texted Harith that I can't go today. Nagrason na lang ako na busy ako ngayon dahil sa mga project sa school, though tapos ko naman na talaga.

Allure: Hello!

I bit my tongue. She's chatting with me!

Zake: Hi.

Allure: 😅May ginagawa ka ba? Baka kasi naiistorbo kta

Zake: Wala nman. Ikaw ba?

Allure: Nope. Kumusta nman 'yung pinuntahan mong birthday kahapon?

Zake: It's been good. Nagustuhan ni Tantan 'yung mga napili mo.

Allure: Weh? Sayang. Sana sumama na lang ako sa'yo kahapon
...

Hindi ko alam kung anong oras kami natapos ni Allure sa pagc-chat. Masyado kong naenjoy. Nakangiti ako sa sarili ko habang nagc-chat siya sa mga oras na 'yun.

Allure: Sana magkabundulan ulit tayo sa daan. Haha. Byebye.

Sana nga...

⏳⏳⏳

Just Before YouWhere stories live. Discover now