⏳10⏳

10 6 8
                                    

Zake's POV

JULY 21.

"Zake, magd-date kami ngayon ni Jam. Sama ka ba? " Then Harith winked at me.

"Third wheel? "

"Pwede rin. " Binatukan ko siya.

"Eh hindi ka sumama sa cycling kahapon eh. Baka ngayon gusto mo na? " Si Harith at tumawa.

"Cutting class na lang tayo, " bulong niya sa akin.

"Harith bigyan mo muna ako ng sampong minuto para mag-isip." Sabi ko at inilabas ang wallet ko saka ibinulsa.

"Gaya nang si... Allure? "

"Oo gaya niya. Kaya shoo! Kung magd-date kayo huwag kayong magpapahuli sa mga teachers, please lang. "

Sabay kaming lumabas ni Harith sa classroom pero humiwalay siya nung nasa hallway na kami. Naroon si Jam na naghihintay sa kanya. Tsk. Magcu-cutting talaga sila?

Umorder na lang ako ng panghapunang meryenda at nagpunta muli sa rooftop.

From: Harot
Kung bored ka, puntahan mo kami mamaya sa toy shop malapit dun sa M Mall.

"Wala kayong klase mamaya, " nalunok ko ang kakakagat ko palang na fries kaya medyo napaubo ako.

Rollyn opened the cola I bought earlier then gave it to me. Ininom ko iyon-"Sorry~"

"Quit appearing in nowhere when I'm eating! "

"Yeah yeah. "

"Anyway, walang klase mamaya ha? Kaya mamayang uwian pumunta ka agad sa Science room, "

"Bakit? " Tanong ko.

"Just trust me, okay? "

Tsk. Balak ko pa namang maglibot sana dala ang bike ko.

"Tungkol kay Allure? " Tanong ko. She nodded.

"So iyon nga! Sige, kumain ka muna. Byebye~"
---
Kanikanina lang ay nagsiuwian na ang mga estudyante. Tama ang sinabi ni Rollyn, wala ngang klase. May meeting ang mga teachers para sa gagawing Cultural Festival dito sa school.

Gaya nga ng sinabi ni Rollyn, nagpunta ako sa Science Room. Ang dilim. I opened the light but it didn't turned on. Sira? Medyo hindi na kasi ginagamit ito eh dahil may nagawa ng bagong room sa kabilang building.

What will happen this time?

From: Harot
Sabi sa gc wala daw klase? Sama ka na samin dito sa Toy Shop.

Ang kulit nito. Sabi na kasing ayaw ko eh. Tsk. Habang nagttype ako ng text back sa kanya ay may nahulog sa kung saan kaya binuksan ko ang flashlight ng phone ko. Sa malapit sa akin ay may librong nahulog.

Saktong pinulot ko iyon ay may nagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon. Nasilaw ako sa flashlight na tumapat sa akin.

"O-oh. It's you. " Boses ni Allure?

Iniwas niya sa akin ang flashlight ng phone niya. Mahigpit kong hinawakan ang libro saka tumayo.

"Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko.

Inilibot niya ang tingin niya sa buong Science room pagkatapos ay humakbang palapit sa akin-"M-may nagpapunta sa akin nitong tarpaulin dito at nitong mga papeles k-kaya..." Plano ba ito ni Rollyn?

Dumako ang tingin niya sa hawak kong libro at doon itinuon ang ilaw. Naoansin ko ito kaya inangat ko-"Kinuha ko lang ito dito. Naiwan kasi ni... H-Harith, eh. "

Inilagay niya ang mga gamit na pinapadala sa kanya dito at nabigla na lamang ako nang minadali niyang kinuha ang kamay ko bago kami tuluyang nakalabas sa Science room.

"Hah. As I guess, I really can't stand darkness, " ani niya nang makalabas kami. Binitawan niya ang hawak niyang kamay ko.

Hinarap niya ako at nginitian-"Uhm, Zake? "

"Hm? " Bigla akong kinabahan.

"What are you up to... this evening? "

"Do you want to hang out? "

"Oh... No! I mean... Uhm... "

"Sige. Four o'clock would be fine, right? " Ani ko.

"Yes. Sure. Sige. "

(Rollyn's Short Monologue: It's a success.)
---
Madali akong nakauwi sa bahay. Agad akong nagbihis at ni-text si Harith na magkikita kami ni Allure mamaya. Ah. Hindi ako mapakali. Anong isusuot ko?

Nakangiti akong pumipili ng damit. Checkered? T-shirt na lang kaya? O magpo-polo ba ako? Taoos itong black denim pants na lang ang susuotin ko.

"Zakeeee!" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Dinamba ako ni Harith ng yakap, kaya tinulak ko siya.

"You finally got Allure's attention! " He exclaimed.

Napansin kong iyong uniform pa rin niya ang gamit niya. Eh mas malapit pa ang bahay nila mula sa mall hanggang dito eh. Dumiretso talaga siya dito para lang tanungin ako tungkol dun?

"Siya nga pala, " ani niya at may ibinigay siya sa aking keychain.

"Anong gagawin ko dito? "

"Sabi mo magmi-meet kayo ni Allure mamaya? Ibigay mo 'yan sa taong nagpapasaya sa'yo at sabihin kung anong nararamdaman mo. Yieh! I sounded cool, right? " Parang bakla. Tsk.

Kinuha ko iyon at inilagay sa bag na gagamitin ko mamaya. Pagkaharap ko para tingnan ulit ang masusuot ko ay sumalubong sa akin ang screen ng phone ni Harith. Lumayo ako kaunti para tingnan iyon.

"Magpicture kayo ng ganyan mamaya ni Allure, ha? " Ani niya.

Nakapeace sign silang dalawa at sige, aaminin kong bagay nga talaga sila sa isa't isa. Ang background nila ay sa loob ng toy store. Napatigil ako. Kinuha ko ang phone ni Harith at ini-zoom ang picture. Tiningnan naman ni Harith ang ginawa ko.

"Which reminds me. Alam mo 'yung bigla-bigla na lang nagpakita sa'yo sa rooftop na babae? Tapos 'yung nakita ko dito sa bahay niyo? Nakita ko siya sa toy store, ang pangalan niya ay Rollyn S. Flores tama? "

"Nakasuot siya ng pang FransiSan High School, "

Siya nga ito. Kahit naka side view siya ay alam kong si Rollyn ito. Pero akala ko ba...

"Ah, she's quiet good-looking, " Harith mumbled.

Napalunok ako. Rollyn S. Flores? Baka naman hindi talaga siya ito? Siyempre kung may galing future may clone din 'dba? Umiling ako. Impossible. Impossible talaga.

"Kaya iyon! "

Naramdaman ko ang pagdantay ng braso ni Harith sa may balikat ko-"So? Anong gagawin niyo mamaya ni Allure? " Nagbalik ako sa realidad nang marinig ang boses niya.

"H-ha? "

"Pre, masyado ka atang kinakabahan? " Sabay tawa pa nito.

"Mag-polo ka na lang mamaya. Okay naman na 'yung pants mo. "

"Ah. Oo. " Umiling ako sa ikalawang pagkakataon.

"Ano nga ang gagawin niyo? " Pangungukit niya.

Tsk. Malapit na palang mag-alas quatro.

"Hindi ko rin alam."

Bahala na. Mag-concentrate ka nga muna, Zake!

⌛⌛⌛

Just Before YouWhere stories live. Discover now