CHAPTER 14

18.5K 469 4
                                    

~LA pov~

ARAW NG LINGGO

Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko sa kinukwento sakin ni kuya Xander, hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya at mas lalong hindi ako makapaniwala na magagawa sakin yun ni dustine, mahirap paniwalaan ang sinasabi ni kuya laban kay dustine dahil walang ibang pinakita si dustine sakin kundi ang kabaitan at kasweetan nya sakin

"Look Leighna hindi ko sisiraan basta basta si dustine sayo, at alam kong hindi mo pa ganon kilala si dustine dahil this year lang kayo nagkakilala at naging magkaklase, pero leighna trust me sasaktan ka lang ni dustine at nag deal sila ng daddy nya na paibigin ka para maging close ang family mo sa family nila, para makakuha ng pera sa family nyo at para isave ang kompanya nilang palubog na" sabi ni kuya Xander at mas tumulo lalo ang luha ko sa sinabi na yun ni kuya Xander

"Kuya! kung ganon ang intensyon nya sakin bakit ang bait nya sakin bakit ang sweet nya sakin" tuloy tuloy kong sabi at saka tumulo ng tumulo ang luha ko at saktong paghagulgol ko ay pumasok si mommy at daddy kasama si kuya tsk nakupo paktay na

"Dahil gusto ka nyang paibigin Leighna!, kaya sya mabait sayo at kaya sya sweet sayo kase nga yun ang intensyon nya ang mapaibig ka sa pinapakita nya at kapag naakit kana at napasakanya kana don nila gagawin ang plano nila ng daddy nya at kapag nakuha na nila ang gusto nila sa family mo saka ka hihiwalayan ni dustine" tuloy tuloy na sabi ni kuya Xander at batid kong narinig iyon ng pamilya ko

"What's going on here" maotoridad na sabi ni daddy "hey! My princess why are you crying" sabi ni dad at agad naman akong yumakap sa kaniya

"I thought your not going home this week" humihikbing tanong ko kay dad habang nakayakap pa din kay daddy

"Hey, don't answer me in question, just answer my question" sabi ni dad at napailing lang ako "why are you crying" tanong nya habang hinihimas ang likod ko

"Baby! Why are you crying, please stop crying na" biglang sulpot ni mom at yinakap ako

"Nothing mom" pagtatanggi ko ulit

"Hey bro! What happend, why she crying" si kuya Aixel na ang nagtanong kay kuya Xander

"Mmm tito, tita, Aixel, lets sit first i will explain everything and leighna join us" sabi ni kuya Xander at natingin naman ako sa kanya at sinasabing wag nang ipaalam pa sa pamilya ko dahil baka mas lumaki pa ang gulo, pero nung hindi nya nagets ay agad akong umiling "no! Your family need to know, what happened to you" sabi nya saka umupo hindi nya na ako pinilit pa, pero sa dulo umupo narin ako sa tabi nila

"Mmm tito and tita and Aixel, meron kase akong friend na kagabi ko lang nalaman na classmate ni Leighna at dati may kinukwento sakin yung kaibigan ko na may deal sila ng daddy nya, and sabi ng friend ko yung target nyang paibigin is LA ang name and yung balak nila is paibigin yung LA na sinasabi sakin ng friend ko and kapag daw napaibig na nya yung LA na tinutukoy nya is peperahan lang nila ito ng daddy nya at nya at kapag nakuha na ang kalahati ng kayamanan ng target nila is saka daw sasabihin ng friend ko sa LA nayun na pinaglaruan lang sya at ginamit upang maiangat ang kompanya nila" sobrang habang paliwanang ni kuya Xander sa pamilya ko, at ako ito umiiyak padin dahil hindi parin ako makapaniwala

"Then, bakit umiiyak ang prinsesa ko" biglang singit ni dad

"Oo nga why she crying" sabad ni mom

"Bro! Deretsuhin mo na kase ang kwento, pabitin ka eh" sabi ni kuya na nag aalala na

"Kase yung tinutukoy ng kaibigan ko is si Leighna, sya yung LA na sinasabi sakin ng kaibigan ko na target nila ng daddy ng kaibigan ko" sabi ni kuya at halatang galit na galit si kuya sa nalaman at ganon din si dad

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon