CHAPTER 54

9.5K 321 0
                                    

~Mitch pov~

Maaga kaming gumising nila LA para salubingin sila Kuya Xander at Ate Xandra sa pagdating nila dito sa korea

Maraming pinahandang pagkain si lolo na mga pagkain, excited na ako sa pagdating nila, matagal tagal din kaming hindi nagkila nila kuya Xander at Ate Xandra

"Woi! Tara dito bilis" tawag samin ni kuya Aixel

"Baket kuya" tanong ni LA

"Iprank natin sila Xander at Ate Xandra" sabi nya habang tatawa tawa

"Ayyy bet" sabi ko

"Ay sige, tara tara" sabi ni kuya Migz

"Tara don nating pagplanuhan" sabi ni LA

"Ano bang klaseng prank" tanong ko

"Diba takot si Ate Xandra sa gagamba" tanong samin ni kuya Aixel

"Oo" sagot ko

"Edi lagyan natin ng gagamba yung closet nya" mabilis na sabi ni kuya at pumalakpak naman kami

"Sige" malakas na sigaw ko

"Pero fake spiders lang" sabi ni kuya Migz

"Oo naman, edi hinambalos tayo non" sabi ni LA at saka kami tumawa

"Pero san tayo kukuha ng fake spiders" tanong ko

"Dont worry nakapagpabili na ako kahapon, plano ko na to kahapon eh" sabi ni kuya Aixel na tatawa tawa pa

"Oh eh ano pa iniintay natin, tara na ilagay na natin yung mga fake spiders sa closet ni ate Xandra sa kwarto nya at baka dumating na sila" sabi ko at agad naman kaming pumanik sa kwarto ni ate Xandra at saka kami nag ayos sa closet nya, at inilagay ang mga fake spiders

Nung natapos kami sa paglalagay ng fake spiders sa closet ay agad kaming bumaba dahil nasa airport na daw ng korea sila Kuya Xander

Nung nasa baba kami ay inintay lang namin silang dumating, at habang nag iintay ay pinag uusapan lang namin kung anong magiging reaction ni Ate Xandra sa mga spiders

"Hahaha natatawa na ako, kapag iniimagine ko yung magiging reaction ni Ate Xandra Mamaya" sabi ko at tumatawa din sila

"Hahaha si kuya Xander ba, hindi natin ipaprank" tanong ni LA

"Hahaha kasabwat din natin yun" sabi ni Kuya Aixel, nagulat kami

"So alam nya to" tanong ko

"Oo! Kasabwat nga sya eh" sabi ni kuya migz at inirapan ko lang sya

"Nagchat na sakin si Xander, sa gate na daw sila ng Bahay" sabi ni kuya Aixel kaya agad agad kaming nagsitayuan at lumabas ng bahay at inintay sila sa pinto at nung makababa na sila sa kotseng pinangsundo sa kanila ay agad naman namin silang sinalubong

"Hello" masayang bati namin at nagyakap agad kami ni ate Xandra

"Hello Mitch" bati nya sakin at nagbatian lang kami ng nagbatian

"Hi po tita" sabi ni LA kay tita Alexandra

"Hello" bati nya din samin at nagyakap yakap kami

"Kuya Xander!" Malakas na sigaw ko

"Apaka ingay Mitch" bulyaw nya sakin

"In born" sabi ko at nagyakap naman kami agad

"Woi! Aayain ko na si Ate sa taas" sabi ni kuya Xander sakin kaya tinawag ko sila kuya Aixel

"Sige sige bilis" sabi ni kuya Aixel kay kuya Xander

Pagkatapos naming mag usap ay agad kaming pumasok at gaya nga ng pinag usapan ay agad na inaya ni kuya Xander si Ate Xandra sa taas

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon