CHAPTER 46

11.9K 329 26
                                    

~Zelestine pov~

Nakabalita akong may naganap na party kila kurt kahapon at hindi man lang ako ininvite ng peste, tapos magkasama sila ni LA kahapon

'Ginagalit na talaga ako ni Kurt, pwes makikita nya ang hinahanap nya'

Agad kong tinawagan ang isa sa mga tauhan ni Dad na takutin si LA, binigay ko ang number ni LA at saka ko pinapasenda ng mga kung ano anong banta para naman matakot.

Tingnan natin ngayon kurt ang galing mo, binawalan na kitang makipag kita sa kaniya pero ano ginawa mo ininvite mo pa and worst pinakilala mo pa sa lolo mong gurang ang LA na yan

Maling kalabanin mo ko kurt, makikita nyo ni LA ang mga hindi nyo pa dapat makita at maranasan, hindi ako papayag na binabalewa lang kaya gagawin ko ang lahat hanggang sa ikaw a mismo kurt ang magmakaawa sakin na itigil ko na ang ginagawa ko.

Ng natapos na ng tauhan ni dad ang pinapagawa ko ay tumawag iyon sakin at nagbalita

"Ano, balita" tanong ko agad

"Maam, success" sabi ng tauhan ni dad sa kabilang linya, hindi alam ni kuya Dustine to dahil alam naming kokontrahin nya ito dahil mahal nya si LA

"Sige, takutin nyo pa ng takutin" sabi ko at saka ko binaba ang tawag at maya maya lang ay si Kurt na ang tumatawag kaya naman napangiti ako ng malupet

"Oh! Kurt napatawag ka" kunwaring wala akong alam na tanong ko

"Alam kong ikaw ang nagtetext kay LA ng mga pagbabanta" galit agad na sabi nya sakin kaya naman natawa ako

"Hey, Kurt easy" sabi ko habang nakangisi

"Anong easy, ginawa ko naman lahat ng gusto mo ah bat ayaw mong tigilan si LA" galit na galit na sabi nya.

"Hindi bat sabi ko sayo eh wag kang lalapit kay LA, pero ano ang ginawa mo inimbita mo pa kahapon sa anibersaryo ng mga magulang mo at worst pinakilala mo pa sa lolo mo na sya ang girlfriend mo" galit ding sabi ko

"Wala namang masama sa ginawa ko ah, at totoo naman sya naman talaga ang girlfriend ko" sabi at pagmamalaki nya

"Ahhh ganon, tingnan natin kurt ang tapang mo kapag inumpisahan ko na ang plano ko kay LA" galet na sabi ko at ibaba ko na sana ang tawag pero nagsalita sya ulit

"Putang ina! Ano bang kailangan mo para tigilan mo na ang babaeng mahal ko"  galet na sabi nya, at aamin kong nasaktan ako dahil nakukuha nya akong murahin para sa babaeng mahal nya

"Meet me Later sa cafe sa may dati lang at doon ko lahat sasabihin ang kailangan ko para tigilan na ang babaeng mahal mo" Cold kong sabi at saka ibinaba ang tawag at saka ako umiyak

Hindi na talaga ako yung mahal nya, dahil nakukuha na nya akong murahin para lang sa taong mahal nya, masakit para sakin yun hindi na ako ang mahal at ang pinoprotektahan nya at gagawin nya talaga ang lahat para sa babaeng mahal nya kahit na ikakapahamak nya pa

Well hindi ako papayag na sila ang magkatuluyan sa huli, ako ang bida dito at wala ng iba, kaya kailangan na talagang mamatay ni LA para mawala na sa istorya namin ni Kurt ang pesteng babae na yan

Pagkatapos kong mag emote ay agad naman akong naligo at nagbihis dahil makikipag meet ako kay Kurt, ngayon ko na sasabihin kay kurt kung ano ang dapat at kailangan nyang gawin para mailigtas nya si LA

Nang natapos ay agad ko namang tinext si kurt na papunta na ako at wala man lang akong natanggap na replay mula sa kaniya

Nang nasa Cafe na ako ay wala pa sya kaya naman naupo muna ako at umorder ng coffee habang naghihintay sya

Halos 30 minutes syang late bago dumating, wala syang pake kahit gaano pa ako mag intay ng matagal

"Finally your here" bagot kong sabi sa kaniya

"Tell me! What do you need" sabi nya agad pagkaupo na pagkaupo nya

"Too much excited huh" nakataas na na kilay na sabi ko

"Sabihin mo na ayaw kong makita yang muka mo" sabi nya at hindi naman masakit kase sobrang sakit

"Makipag break ka kay LA" nakangising sabi ko

"What!" Gulat na sabi nya na mas lalo akong napangisi

"I said makipag hiwalay kana kay LA" nakataas na kilay na sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya

"Hell no" sabi nya at tumayo

"Kung makikipag break ka kay LA ay makikita mo pa sya, pero kung hindi naman ay hindi mo rin sya makakasama kase patay na sya" nakangising sabi ko sa kaniya at humarap naman sya akin

"Bakit ba kase bumalik ka pa, sana hindi ka nalang bumalik at hindi nalang nagpakita sakin" galet na sabi nya sakin at naramdaman ko na naman ang sakit

'I dont desserve this fvcking hurt'

"Bumalik ako para Bawiin ka" sabi ko sa kaniya

"Hindi ba sabi ko sayo noon sa oras na umalis ka na ay wala ka nang babalikan, hindi bat choice mong iwan ako non, bakit ngayon heto ka at nang gugulo samin ng babaeng mahal ko" sabi nya at bakas pa din ang galit sa tono ng kaniyang pananalita

"Kase kurt tinakot ako non ng lalaking kasama ko, kaya kita nagawang iwan" paliwanag ko sa kaniya

"Kaya ngayon ay ginagawa mo din samin ni LA" sabi nya at masama ang tingin sakin

"Kurt, ikaw talaga ang mahal ko nong panahon nayun at hanggang ngayon ikaw pa den ang mahal ko" paliwanag ko sa kaniya

"Oo! Ako den naman, mahal kita nung mga panahong yon, pero iba na ngayon, at hindi na ikaw at hindi na magiging ikaw" sabi nya at tinalikuran ako at saka lumabas ng Cafe

"Kurt" habol ko sa kaniya pero hindi nya na ako nilingon

Hindi na ako nagstay pa sa Cafe at agad nalang din akong umalis at saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko at saka ko ibinuhos ang mga luha kong kanina pa gustong tumulo

Magsisisi ka kurt na iwan ako dito at ang hindi sa pagsunod sa gusto kong mangyari, Luluha ka din kagaya ko

Huminto ako sa isang gilid at saka ko pinaghahampas ang manubela ng kotse ko sa inis na hindi ko nakuha si Kurt ngayon, masyado nya nang mahal si LA,

Hindi man kita mapapatay LA, pero meron pa din akong alas na pwedeng makasira sa relasyon nyo, maghintay ka at magiging memorable yung araw na yun.

I swear hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo nasisira, makukuha ko ulit si Kurt sayo hindi sa paraang pagpatay sayo kundi sa mas masakit na paraan.

Mananahimik lang ako ng ilang araw o buwan, pero magbabalik ako para gantihan ka at bawiin ulit sayo, dahil sa oras na mangyari yun, ako mismo magbibigay sayo ng tissue para sa mga luhang lalabas mula sa mga mata mo

'Hintayin nyo ang pagbabalik ko, dahil sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo Leighna Aileyah Ramirez,'

'Wait for my Revenge dear'

______________________________________
A/N:

Mygad pinky's! Ano kayang plano ng bruhang Zelestine

Kung naiinis kayo kay Zelestine dahil sa ginagawa nya, ay maging ako din naman ay naiinis sa naiisip ko hahaha pero maghintay kayo exciting to hihihi

Thank you!
Ily pinky's♡

Pinkylian♥

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon