CHAPTER 13

18.7K 503 5
                                    

~Dustine pov~

Araw ng linggo ko napagpasyahan na gumawa ng mini P.T namin kay miss chua at mamayang bandang 9:30 am ay susunduin ko si trixie sa gate ng village namin, Medyo nalate ako ng gising dahil sa puyat kagabi at sa sakit nadin ng katawan ko, nagkoroon lang kami ng konting kasiyahan ng mga barkada ko pero bigla ding naging magulo ang lahat ng saya kagabi at nasira pa ang friendship namin ng mga kabarkada ko

~flashback~

Nasa bahay lang ako maghapon at bugnot na bugnot na ako at hindi ko napansin ang oras at alasingko na ng gabi, kaya napagdesisyunan ko na lumabas para kumain sa kusina pero bago ako makalabas ng kwarto ko ay nagring naman ang cellphone ko at isa sa mga kaibigan ko ang tumawag kaya agad ko yung sinagot

"Hello dre" sabi nya sa kabilang linya

"Oh napatawag ka may problema ba?" Tanong ko sa kaniya at tumawa naman sya

"Porket ba tumawag may problema na, hindi ba pwedeng yayain kalang magsaya, tara dito sa bar ko at magsaya"

"Sige sige gagayak lang ako intayin nyo ako saka siguraduhin mong hindi ako mabibitin sa inumin ahh"

"Oo! Saka kelan ako nag aya na nabitin ka sa inumin eh kada mag aaya nga ako lagi kang gumagapang pauwi"

"Loko! Baka naman ikaw"

"Woi gumayak ka nalang hahahaha"

"Hahaha oo sige sige maya nalang ah" sabi ko saka ko pinatay ang tawag at mabilis na gumayak

Nang nakagayak na ako ay agad naman akong umalis ng bahay at nagpunta sa bar ng kaibigan kong si Xander at nung nakapasok na ako syempre maingay at madaming tao

"Oh dre dito yung table natin" biglang sabi ni Xander, siguro galing syang CR, kaya agad naman akong sumunod sa kaniya kung saan ang table namin at nung nakaupo na ako ay agad naman nila akong pinainom maya maya lang ay lasing na ako

"Oh pre kamusta yung pinaliligawan sayo ng daddy mo" tanong bigla ni kyle  isa rin sa mga kaibigan ko

"Edi ayon panget parin saka no choice ako noh peste" nandidiri kong sabi at batid kong si LA panget ang tinutukoy nila

"Ok lang yan dre pagtiyagaan mo na" sabi ni carl isa din sya sa ksibigan ko, at oo lahat ng barkada ko alam ang deal namin ni dad

"Ano pa nga ba, saka pag nasa school kami at nilalambing ko sya sa harap ng classmate namin, jusko pre gustong gusto kong masuka" nandidiring sabi ko talaga sa mga kaibigan ko at nagtawanan naman sila

"Eh pano pre kapag napa oo mo nayang nerd nayan" sabad ni Xander

"Edi maganda makukuha na ni dad ang gusto nya sa mga Ramirez at tatantanan na ako ni dad at kapag nakuha na ni dad ang kalahati ng kayamanan ng mga Ramirez saka ko sasabihin kay LA the nerd na pinaglaruan at ginamit ko lang sya para muling lumakas ang kompanya namin"  sabi ko kay Xander at nagulat nalang ako ng bigla nya akong pagsusuntukin at nagtaka naman ako sa ginawa

"Ano bang problema bakit bigla ka nalang nanununtok" tulak ko kay Xander

"Gago pinsan ko si LA" bulyaw nya sakin saka bakit ngayon nya lang ginawa sakin to eh matagal nya nang alam tong plano ko

"Eh bakit ngayon mo lang to ginawa sakin kung pinsan mo yung peste nayun" bulyaw ko at mas lalo syang nagalit

"Wag mong matawag tawag na peste ang pinsan ko" sabi nya sakin at saka muli akong sinuntok "kung una palang nalaman kong si LA Talplacido Ramirez ang tinutukoy mo na pinsan ko na gagaguhin mo sana matagal ko na syang binalaan na layuan ka nya pero asahan mo bukas pagpasok mo iiwasan ka na nya" sabi nya saka ako muling sinuntok at tinadyakan "simula ngayon wala ka nang kaibigan na kagaya ko tandaan mo yan at subukan mo pang lumapit sa pinsan ko at papatayin na kita, dustine alam kong alam mo na kilala ko ang buong pamilya mo at ang pagkatao nyo kaya wag mo ng subukan pang lapitan ang pinsan ko, at sabihin mo sa daddy mo tumigil na sya dahil wala syang mahuhuthot na pera sa pamilya ng pinsan ko sa pamilya namin" sabi nya saka tumawag ng guard at pinabitbit ako palabas saka king inang carl at kyle hindi manlang ako tinulungan o hindi manlang inawat si Xander tskk king ina nila magsama sama sila wala nadin silang kaibigan na tulad ko

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon