CHAPTER 25 ACQUAITANCE PARTY

18.6K 532 17
                                    

~Kurt pov~

'I found a love, for me darling, just dive right in and follow my lead. Well, i found my girl, beautiful and sweet, Oh!, i never knew you were that someone waiting for me'

Dahan dahan kong iniligay ang nga kamay ni LA sa aking balikat, at saka ko inilagay ang aking dalawang kamay sa kaniyang waist, at dahan dahan kaming gumalaw at sumayaw

'Cause we were just kids when we fell in love, not knowing what is was, i will not give you up this time, But darling, just kiss me slow, your heart is all i own, And in your eyes, you're holding mine'

Nakatitig kami sa isat isa, habang sinasabayan namin ng sayaw ang tugtog, alam kong maganda sya, in and out, hindi sya mahirap mahalin, pero mas naging madali sakin ang ibully sya noon, pero ngayon ayaw ko na syang nasasaktan

"Baby, Im dancing in the dark, with you between my arms, barefoot on the grass, listening to our favorite song, when you said you looked a mess, i whispered underneath my breath, but you heard it, Darling, you look perfect tonight'

Mabilis naming sinabayan ng sayaw ang kanta, at nakangiti kaming nakatitig sa isat isat habang masaya kaming sumasayaw ng sabay, and ganda ng ngiti nya, sobra!, im crazy falling in love, to this lovely girl

'I like her so much, now'

"Kurt, upo na tayo masakit na nga paa ko eh" sabi nya sakin at ngumiti naman ako

"Kakaumpisa pa nga lang natin eh, sumakit na agad ang paa mo" kunwaring nakangusong sabi ko sa kaniya

"Eh, h-hindi kase ako sanay, first time kaseng may mag aya saking sumayaw ng ganito kapag party" nahihiyang sabi nya kaya napangiti ako, hahahaha nahihiya sya sakin

"First time, eh diba nung nasa korea ka maganda ka, and for sure maraming nag aaya sayo dun kapag party na" natatawang sabi ko sa kaniya at napakamot naman sya ng ulo

"E-eh hindi naman ako sumasali sa mga ganitong party don eh, hindi ako pinapayagan nila mom and dad don, kaya hindi ako sanay, at kaya din mabilis na sumakit ang mga paa, kaya iupo mo na" nakangusong sabi nya, at ngumiti ako sa kaniya at iginiya sya paupo, sa kanina naming upuan at nandoon na din ang mga kaibigan namin at hindi rin nila tinapos ang kanta

"Uy! Si kurt ang first dance, so dapat kung si kurt ang first dance sino naman ang last dance" nanunuksong sabi ni Mitch at nagulat kami sa isang lalaking nagsalita mula sa likuran namin, kaya agad namin itong nilingon

"Ako" diretsong sabi nito kaya kumunot ang aking noo

"H-huh who are you"  takang tanong ni LA sa kaniya

"Your secrete admier, Baby" malaswang sabi nito kaya agad na akong sumingit

"Ako! Ako lang ang first, second, third and last dance nya, wala syang ibang pwedeng lalaking makasayaw, kundi ako lang at wala ng iba, maski ikaw" walang emosyong sabi ko at may diin sa pagsasalita, at lahat ng mga kaibigan ko at natingin sakin na nakingisi at nanunukso

'You can fool everyone, But you can't fool me DUSTINE'

"Who are to say that, let's ask her now" nakangiti nitong sabi at saka tumingin ito kay LA na nagtataka sa nangyayari "Hi, beautiful, can im your Last dance" nakangiting tanong nito kay LA

"Hey, you may answer now Dustine's damn question" nakangising sabi ko

"Dustine" bulyaw ni Mitch sa kaniya "ang lakas mo din eh no, lumayas ka dito at wag mo kaming magulo gulo, pumunta ka sa ibang table at saka ka humanap ng ibang mamamanyak mo" galit na sabi sa kaniya ni Mitch na ikinangisi ko

"What, mamamanyak, at kelan ko minanyak si LA" bulyaw din ni Dustine sa kaniya

"Excuse me! Wala akong sinabing minanyak mo si LA, ikaw lang ang nagsabi nyan" nakataas kilay na sabi ni Mitch sa kaniya

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon