CHAPTER 21 She's Back

19.5K 497 14
                                    

~LA pov~

Maaga akong nagisig, dahil may pasok kami at naligo ako kaagad at habang naliligo ako ay naalala ko yung nangyari kahapon, kung hindi siguro dumating si Kurt, paniguradong hawak na ako ng pesteng ex kong si Jiwoon, yeah Jiwoon ang name ng ex kong korean, malaki ang utang na loob ko kay Kurt dahil niligtas nya ako sa baliw na koreano na yun, hindi ko nalang inisip yun at nagtuloy nalang sa pagligo at para makakain ako bago umalis at baka maulit na naman yung kahapon na hinila ako ni kurt sa canteen at nag out kami sa klase ni Miss. Damian

Mabilis akong kumain nung nakababa na ako at nung natapos ay agad din akong pumasok at baka magtatakbo na naman ako papunta sa room, nung nasa school na ako ay tiningnan ko ang relos ko at 50 minutes pa bago magsimula ang klase ko kaya nagmuni muni muna ako sa paglalakad at habang ninanamnam ang magandang pagmumuni muni ko sa paglalakad ay may nabunggo ako isang babae, dahilan para matumba ako may konting hapdi akong naramdaman sa siko ko pero hindi ko na yun ininda at tumayo upang himingi ng paumanhin sa isang babaeng matangkad pero hindi naman naiiwan ang height ko, maganda, maputi, maganda manamit at may sinasabi din ang pinanggalingang pamilya, easy to say parang ako nung mga panahong hindi pa ako nabroken hearted sa korea

"Sorry po" paumanhin ko, kahit na ako yung nasaktan

"I dont need your sorry, get loss because i dont wanna see your ugly face now" sigaw nya sakin kaya nagmadali akong pumasok sa room namin at agad naman akong sinalubong ng mga kaibigan ko na nakangiti kaya ngumiti ako at hindi pinahalatang may nangyari bago ako makapasok dito sa room

"Goodmorning" bati sakin ni Cath

"Goodmorning" masayang bati ko pabalik sa kaniya

"Goodmorning Couz musta" bati sakin ni Mitch

"Ok lang, goodmorning" pabalik na bati ko at dumeretso sa upuan ko at nandoon na din si Kurt na seryosong nakaupo, kaya umupo nalang din ako at nagbukas ng book na dala ko para basahin iyon, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ko ay nagsalita si Kurt

"Ok kana ba" biglang tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kaniya

"Oo, salamat nga pala" nakangiting sabi ko sa kaniya

"Ahh, wala yon" pagsagot nya sakin at nagtaka akong natingin sya sa siko na nakakunot ang noo "napano yan" tanong nya sakin na itinuro pa ang siko ko na may dumi at may gasgas na may dugo, fuck hindi ko naalala na may naramdaman akong hapdi kanina

"Ahh wala to nasabit lang" pagsisinungaling ko

"Nasabit pero may mga buhangin" sabi nya na kinuha pa ang siko ko at dahilan yon para makita yun ng mga kaibigan ko

"Napano yan LA" tanong sakin ni Ethan

"Oo nga napano yan" si Jin naman

"Ahhh wala to, wag nyo nalang pansinin" nakangiting pagsagot ko

"Anong huwag pansinin" nakakunot noong tanong ni Cath

"Naku! Insan anong wala yan, anu yun tatanga tanga lang ganon" pamimilosopong sabi ni Mitch sakin at napangiwi naman ako

"Napano nga kase yan, umamin kana" biglang sabi ni Cath sakin

"May nakabunggo kase sakin kanina sa quadrangle, kaya napahiga ako at kaya siguro nagkagasgas ako" pagpapaliwanag ko sa kanila na ikinatango naman nila

"Lalaki ba, gwapo ba" biglang singit ni Mitch na ikinanoot ng noo ko

"Woi! Anong lalaki, bat naghahanap kapa ng gwapong lalaki eh nasa harap mo naman ako" biglang suway ni Jin kay Mitch

"Eh hindi naman para sakin eh, tinatanong ko kung gwapo ba at pasado sa kaniya, minsan kase kapag nabunggo ka minsan na la-love at first sight ang iba, malay mo naman na love at first sight si LA sa kaniya diba" mahabang paliwanag ni Mitch na bigla namang nagtawanan ang mga kaibigan ko na ikinangiwi ko

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon