~LA pov~
"Goodmorning" masayang bati ko sa mga kaibigan ko pagdating ko sa school, ayaw kong ipahalata sa kanila yung lungkot na nararamdaman ko
"Goodmorning" bati nila sakin
"Classmates listen up" sigaw ng bakla naming president.
"Yes, Mr. President" sabi ni Justine
"Anong Mr?" Gulat na tanong ni Mr. President kay Justine "its Ms. not Mr. Understand" pagtatama ni President kay Justine at nagtawanan naman kami
"Bakit daw, Mr. este Ms. President" si Mitch at natawa naman kami ni Cath ng palihim
"Ang sabi sakin ni Ms. Stacy ay wala tayong gagawin sa buong maghapon, pero hindi tayo uuwi kase tutulong tayong mag ayos ng gym para sa sa 11th anniversary ng school nato" sabi ni Mr. President at nagtanguan naman kami at umubo lang sya ng slight at saka nagsalita ulit "kaya ang lahat daw ay pinag pi-PE, siguro naman nasa mga bulok nyong locker yung pang PE nyo" biro nyang sabi at nagtawanan naman kami
"Tara, palit na tayo ng pang PE" yaya samin ni Mitch at tumango naman kami at saka kami naglakad palabas ng room at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang matagal ko ng gustong makita at mayakap
"Kurt" naibulalas ko sa gulat
"Pare, anong nangyari sayo" si Ethan
"Nagkasakit lang" tupid na sabi ni Kurt, dahil sa pagkamiss ko sa kaniya at yinakap ko sya kaagad pero nawala din ang ngiti ko ng hindi nya ako yinakap pabalik.
"I miss you very much Love!" Sabi ko at yinakap sya ulit ng mas mahigpit kaso tango lang ang natanggap kong sagot.
"Arat na" si Mitch
"San kayo pupunta" takang tanong ni Kurt
"Mag papalit ng PE" si Cath
"Bakit" tanong nya ulit
"Eh wala tayong klase ngayong maghapon, kase pinapatulong tayong mag ayos ng gym para sa gaganaping program dahil 11th anniversarry na ng school" si Ethan at napatango naman si Kurt at saka kamo nagpunta sa Locker
Nang makuha na namin yung pang PE namin ay agad naman kaming pumunta nila Mitch at Cath sa CR para makapag palit, at nagpag-usapan namin na sa gym nalang kami magkikita kita.
Nang makapag palit na kami ay nagsalamin muna kami at saka kami nagpunta sa gym at nandoon na ang boys.
Bakit ganon feeling ko parang ang layo layo ko pa din kay kurt kahit ba ang totoo ay kalapit lang nya sakin.
Nasaktan ako nung hindi nya ako niyakap pabalik at tinanguan lang nya ang pag i miss you ko sa kaniya.
"Guys tutulong muna kaming magbuhat don" sabi ni Ethan at tumango naman kami, nung pumunta na don ang boys ay agad naman kaming tumulong magdikit ng mga palamuti sa stage
"Hi girls" nagulat ako sa biglang bati samin ni Zelestine na ngiting ngiti
"Hi" sarkastikong bati din ni Mitch kay Zelestine
"Hello" bati ko "ang saya mo ah" nakangiting sabi ko at mas napangiti sya
"Syempre, nabuhay ako ng ilang araw sa sarap eh" sabi nya at taka naman akong natingin sa kaniya at mukang napansin nya yun "i mean sa sarap ng buhay kase kasama ko ang pamilya ko last christmas and new year" sabi nya ulit at nakangiti naman akong tumango sa kaniya
"That was so happy" sabi ko at saka nagpatuloy sa pagtulong na maglagay ng mga palamuti sa stage at ganon din ang ginawa ni Zelestine
Nung magtanghali na ay sabay sabay kaming kumaing magkakaibigan at ganon pa din tahimik lang si Kurt
"Ang tahimik mo ata kurt, miss mo si LA no" si Jin at mapait naman akong nangiti
"Kapag ako naging maingay baka patahimikin mo lang ulit ako" sabi ni Kury at nalungkot ako dahil iniwasan nya talagang sagutin yung huling sabi ni Jin
"Sige wag na lang" si Jin at natawa naman sila pero ako ay patuloy pa rin sa pagkain ko
Nung natapos kaming kumain ay agad din kaming bumalik sa sa gym para tumulong ulit, masyadong malaki ang gym ng school nila kurt kaya hindi ganon kadali matapos kapag inaayusan ito
Inabot kami ng alas tres kakaayos at nagpasyahan kong bumili muna ng tubig at dun ako dumaan sa likod na pintuan ng gym, dahil kung sa entrance mismo ako dadaan ay mapapalayo ako sa canteen
Habang naglalakad ako ay may narinig ako, parang umuungol sa stock room malapit sa likod ng gym na pinanggalingan ko
At dahil medyo chismosa na ako dahil sa pinsan ko ay ayun pinuntahan ko ang stock room para makita kung ano yun, at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko kung sino yung nandoon at mabilis na tumulo ang luha ko ng mas mapagtanto ko kung ano ang ginagawa nila
'I saw Kurt and Zelestine kissing each other and half N-naked'
Dahil sa nakita ko ay agad akong nagtatakbo habang tumutulo ang luha ko, tumakbo ako ng tumakbo at wala akong pake kung saan man ako makarating saka sa campus lang din ang hinto ko nito dahil isang pa bago mag uwian.
"LA" rinig kong sabi ni Kurt, pero hindi ko yun pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo
Ang bababoy nila, hindi man lang sila nahiya at nag alala man lang kung may makakakita sa kanila at ganon ang ginagawa
Tumutulo ang luha ko habang nagtatakbo at napapansin ko ding mga nagtitinginan sakin ang ibang estudyante at wala akong pake
Nagpunta ako sa likod ng school at doon ako umiyak ng umiyak, at doon ko lahat isinigaw ang sakit na nararamdam ko dahil sa nakita ko
"Bakettttt" sigaw ko
"Anong pagkukulang ko"
"Anong meron sya na wala ako"
Nang matapos ang eksena ko don ay agad akong umalis don at umuwi na dahil alas kwatro na sakto, nang makarating akong parking lot ay agad akong bumarurot ng alis at wala din akong pake kung maaksidente ako
Pero salamat sa diyos at naka uwi ako ng ligtas, pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtatakbo sa kwarto ko at umiyak ng umiyak
Nung mag gabi na ay tinatawag ako ni mom para kumain na ng dinner pero sinasabi ko busog pa ako, at wala muna akong balak na ipaalam sa kanila ang nangyari
Hindi ako handa sa mga nangyayari ngayon, at iniisip ko bakit lagi akong ginaganito, ang may tanong na naman sa isip ko na Ginamit na naman ba ako ng lalaking minamahal ko ngayon
'Ito siguro yung surprise na iniimagine ko kagabi, well congrats to them! Im so very surprised'
______________________________________
Continue readingLast Chapter na ang Next kaya mag ready na para sa book 2 Pinky's
Enjoy reading!
Pikylian♥
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'
FanfictionYou give up your strong, your beauty, your passion and now you are becoming a nerd!, a stupid nerd because of one boy, who hurt you a lot! And after so many years, matatagpuan mo din pala ang karapatdapat sayo at ang tunay na mamahalin kung sino at...