CHAPTER 60

9.9K 274 4
                                    

~LA POV~

Second Monthsarry na namin ngayon ni Kurt at hindi pa rin sya nagpapakita sakin hanggang ngayon, kahapon ay hindi pa rin sya pumasok.

minsan tinatanong ko na ang sarili ko,  ano na ba kami ni kurt ngayon, kami pa ba, nakalimutan nya na ba ako.

Sobrang lungkot ko ngayon, at umaasa pa din akong papasok na sya ngayon, at iniisip na baka kaya hindi pumapasok si kurt ay baka dahil naghahanda sya ng surprise sakin ngayon.

Nakakatawa lang na isipin na baka yun nga ang ginagawa nya kahit wala naman talaga akong kaideideya kung ano na ba talaga ang nangyayari sa kaniya.

"LA" tawag sakin ni Mitch, nandito na nga pala ako sa room

"Oh bakit" gulat na sabi ko sa kaniya

"Happy monthsarry sa inyo" sabi ni Cath at ngumiti lang ako ng tipid

"Mas happy sana kung nandito yung ka monthsarry nya" sabi ni Mitch at napayuko naman ako

"Malay mo may surprise naman sayo diba" si Cath at napangiti ako, parehas kami ng naiisip

"Baka nga" tanging nasabi ko nalang

"Sabi ni Ms. Stacy kahapon ay hindi sya makakapasok at saka si Ms. Damian kase hindi pa din natutunawan" sabi ni Mitch at natawa naman kami, hanggang ngayon hindi pa din natutunawan yun, apaka dami naman yatang kinain non.

"Edi arat muna ulit sa canteen" sabi ni Cath at tumango naman kami

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay nagtatawanan sila at maya maya pa ay

*ting*

'One message recieve from'
                  LOVE

Mamayang 5 pm meet tayo sa cafe

Seen
9:37 am

'Compossed message to'
                 LOVE

sige! Happy monthsarry! I love you♥

Send
9:38 am

Napangiti ako dahil sa wakas ay nagtext na sakin si Kurt, kaso hindi na sya nagreplay pa, pero atleast magkikita kami mamaya diba.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang saya

"Aba! Kanina lang eh ang lungkot ng muka mo tapos ngayon biglang saya! Baket?" Natatawang sabi ni Mitch at napangiti ako sa kanila

"Mag mi-meet kami ni Kurt mamaya sa cafe" nakangiting sabi ko at tinukso naman nila ako

"Sabi sayo eh, nagreready yan para sa monthsarry nyo eh" sabi ni Cath at tumango naman ako habang nakangiti

"Ohhh! Arat group date" si Jin

"Wag na! Moment ng dalawa yun eh tapos guguluhin mo" si Mitch at natawa naman kami

"Edi date tayong dalawa mamaya" si Jin

"Sure baby" sabi ni Mitch at saka kami nagtuloy sa pagkain namin at nung natapos ay agad naman kaming bumalik sa room

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Uwiannnnn!!!!!!

Nung mag uwian na ay umuwi muna ako sa bahay para magbihis, hindi pwedeng naka uniform ako pag nagkita kami ni kurt mamaya, saka maaga pa naman mga quarter to 4 pm palang at mamayang 5 pm pa kami magkikita saka malapit lang samin dito yung cafe

Nung natapos na akong magbihis ay agad akong umalis sa bahay dahil, 4:43 pm na, at saktong 5 pm ay nasa cafe ako at naghihintay na kay kurt

Habang naghihintay ako ay nagsecellphone lang muna ako, at maya maya pa ay may nagtext at si Mitch yun

'One message recieve from
                 Mitch♥'

Musta date?

Seen
5:30 pm

'Compossed message to
              Mitch♥'

Wala pa dito si kurt hahaha

Send
5:31 pm

'One message receive from
                  Mitch♥'

Wala pa? Eh bakit wala pa! Abay kanina kapa dyang before 5 ahh

Seen
5:32 pm

'Compossed message to
               Mitch♥'

Baka natraffic :)

Send
5:32 pm

'Two message recieve from
                Mitch♥'

Traffic? Wow 30 minutes!

Seen
5:33 pm

'Maya nalang, nagdate din kami ni Jin'

Seen
5:35 pm

Hindi ko na nireplayan si Mitch, kanina pa ako nakaupo dito at tinatanong na ako dito kung ano ang order ko pero sabi ko may iniintay pa ako

Ilang beses akong tinanong ng mga staff dito kung ano ang oorderin ko at ilang beses ko ding sinasabi sa kanila na may niintay lang ako

Hanggang sa magsara sila ng saktong 8:00 pm ay naghintay ako pero walang dumating na kurt

"Maam magsasara na po kami" sabi nung isang staff

"Ahhh ganon ba salamat" sabi ko at saka umalis na don at umuwi ng bahay

Pagdating ko sa bahay ay nandoon si Mitch at parang may gustong itanong, kaya nung nasa sala na ako ay hinila nya agad ako sa kwarto ko at saka mabilis na nagtanong

"Ano! Musta date" nakangiting tanong nya

"Hahaha! Sobrang saya" sabi ko nung una at mas ngumiti sya "sobrang sayang maghintay sa wala" dugtong ko na ikinakunot ng noo nya

"Ano! Teka nga! Naghintay sa wala" takang sabi nya at tumango ako bago nagsalita

"Oo! Naghintay sa wala, hindi naman dumating si Kurt eh" nakangiti kong sabi kay Mitch

"Gago yun ah!" Galit na sabi nya at saka ako niyakap "ok ka lang ba" nag aalalang tanong nya sakin

"Oo naman" nakangiti kong sabi "saka baka may emergency lang, kaya hindi sya nakasipot" sabi ko at umiling sa Mitch

"Patay sakin yung buto buto na yun" galit na sabi ni Mitch kaya agad ko syang inilingan

"Hayaan mo na, malay mo bukas may Surprise sya sakin diba" nakangiting sabi ko ulit

"Tigilan mo na nga yang kaka-malay malay mo" sabi nya at hinahagod ang likod ko

"yaan mo na, malay mo naman kase magkatotoo tong malay ko, baka nga may surprise sya sakin bukas" kunwaring nag iimagine na sabi ko kay Mitch at saka Tumawa ng mahina

"Sige na uuwi na ako, magpahinga kana at para bukas ay ready ka sa surprise na iniimagine mo" sabi bya sakin at natawa naman ako, nung makaalis si Mitch ay saka tumulo ang luha kong kanina pa gustong tumulo

And daming tanong na naghahalo halo sa isip ko at hindi ko yun lahat masagot, dahil tanging si Kurt lang ang makakasagot sa ibang katanungan na nasa isip ko

Sobrang sakit kase bukod sa hindi jya ako sinipot kanina sa date namin ay hindi nya man lang ako naalalang batiin.

Iyak lang ako ng iyak, pero bago pa ako abutan ng umaga ay tumigil na ako kakaiyak dahil baka bukas pag gising ko ay mugto ang mata ko, at ayaw kong makita ako bukas ni Kurt na mugto ang mata, kaya nagpasya na akong matulog.

______________________________________
Continue reading

Last 2 Chapter for this book 1!

Enjoy reading!

Pinkylian♥
    

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon