CHAPTER 37 'Pretend'

15K 355 11
                                    

~Zelestine pov~

Nandito kami ngayon sa Bahay nila Cath at ngayon ay nasa CR ako kasama ang karibal ko.

Siguro naniniwala na sila sa mga pinapakita kong pagkamabait, duhhh!  Hindi nila alam nag pagpapanggap lang ako, asa naman silang papakitaan ko sya ng kabaitan

"Ahmm, LA sorry kung pinag intay pa kita" kunwaring concern kong sabi

"Ahh, ok lang" nakangiting sabi nya kaya ngumiti naland din ako kahit pilit, sabi nga sa kanta 'ngumiti kahit na napipilitan'

"Ano bang pag uusapan natin" tanong ko

"Pasensya ka na, kung nadamay ka sa kasalanan ng kuya mo" panimula nya, gustuhin ko mang tarayan sya, pero hindi pwede kase masisira ang plano ko

"Ahh, ok lang, naipaliwanag naman na sakin ni kuya yon, kaya hindi ako galit" nakangiting sabi ko at ikinagulat nya "alam ko mahirap paniwalaan, napakadami kong kasalanan sayo sa loob ng ilang bwan na pagkikita at pagkakikilala natin" sabi ko, diba pang best actress, ako dapat ang bida hindi yung chupipay na nerd na re eh, "sana maniwala ka na, nagbago na ako, hindi na ako yung dating Zelestine na lagi kang inaaway, yung maldita, maarte at mataray, narealize ko kase na kahit na anong away at pagmamaldita ang gawin ko sayo ay hindi rin naman ako babalikan ni kurt, at mas lalo lang nya akong kakamuhian, kaya mas naisip ko nang tigilan kayo at hayaan nalang na magmahalan" pekeng ngiting sabi ko at napangiti naman sya, tss mabilis lang naman pala tong paikutin at paniwalain sa mga drama ko eh

'Easy'

"Wala naman nang kaso sakin yung mga nagawa mo, saka napatawad na kita matagal na, kase alam ko namang hindi ka talaga ganyan, dahil sa mga kwento ni kurt sakin tungkol sayo ay hindi naman ikaw ganon sa mga pinapakita mo ngayon, kaya hindi mo na kailangan pang magmakaawa na paniwalaan ka, dahil naniniwala ako sayo" tuloy tuloy na sabi nya kaya napangiti ako, dahil sa katangahan nya, mukang mapapabilis lang ang plano namin nila dad ah, si kuya kase kj ayaw makijion samin

"Salamat at naniwala ka" sabi ko at yinakap ka, habang nakayakap ako sa kaniya ay panay ang irap ko

"Walang anuman yun" sabi nya at kumawala na sa yakap namin

"So, friends" tanong ko at sana pumayag sya

Tiningnan nya muna yung kamay kong nakalahad sa kaniya bago sya nagsalita "friends" sabi nya saka inabot ang kamay ko at nakipag shake hands pa, kaya napangiti ako

'Plan 1- ask her to be my friend! 'SUCCESS' '

"Really" kunwaring di makapaniwalang tanong ko

"Yes" nakangiti nyang sabi

"You make me happy" sabi ko na kunwaring umiyak pa at nagulat sya

"Hey, why are you crying" nag aalalang tanong nya

"Tears of joy, i think" kunwaring nalilitong sabi ko

"Hahaha, dont Cry, its not bagay to you, your too much beautiful to emo like that" tumatawang sabi nya at nakitawa nalang din ako and its fake again, and i know im beautiful

"But your too much beautiful than me" sabi ko, pero labag sa loob ko na pinagsabihan ko sya ng maganda, kitang kita naman kung sino talaga ang lamang duhh, as if naman na matatalo nya ako sa pagandahan in her fuckin wet dream duhhhh!

"Hahaha, let's stop this drama, let's go back to them na" sabi nya na ngiting ngiti, feel na feel ang pagpuri ko, eh isang malaking kasinungalingan ko lang naman yun duh!

"Kaya nga, lets go na" sabi ko saka kami bumalik sa mga kasama namin na nagtatanwanan at nakita ko si kuya na nakaupo lang sa isang sofa at nagse cellphone, were not belong to them and i dont fucking care

"Hi" sabi ni LA na ikinangiti agad ni Kurt

'Magiging akin ka ulit'

"Why you took so long" nag aalalang sabi ni Kurt na dati ay sakin nya ginagawa, ang gaga ko kase non eh. Edi sana akin pa rin sya ngayon kung hindi ako nagloko

"May pinagusapan lang kami" sagot ni LA at tumabi ng upo kay kurt at ako naman ay naupo sa tabi ni kuya na busy sa kakacellphone, yung katulong na panget nila Cath yung lorna ay nakatayo lang sa gilid at nakatingin samin

"Ethan are you ok" tanong ni LA kay Ethan at halatang pagod ito "you look pale" sabi ulit ni LA, ang landi at ang kati

"Yeah," tanging sagot ni Ethan at saka yumakap kay Cath "baby hug me please, i need you to ruin my headache" malambing na sabi ni Ethan kay Cath at yinakap naman ni Cath pabalik ang nobyo nya, kaya naman napangiwi ako

"So sweet" nakangiting sabi ni Mitch

"Let me hug you too baby" sabi ni Jin na hinawakan pa si Mitch, at inagaw naman ni Mitch ang kamay, may LQ siguro, tss kaarte

"Heh!" Sabi ni Mitch kay Jin at nagulat naman si Mitch ng bigla syang yakapin ni Jin

"Baby, please forgive me to what i've done to you" si Jin na yakap yakap parin si Mitch

"Give a valid reason why do i need to forgive you" si Mitch na nakataas pa ang kilay na nakatingin kay Jin

"Because I love you, and you love me too" si Jin at kiniss pa si Mitch na kinatili nung dalawa, si LA at Cath

"Ok, i forgive you" sabi ni Mitch at yinakap din nya si Jin

"I miss you so much" sabi ni Jin at kiniss pa sa noo

"Miss? eh lagi tayong magkasama" si Mitch

"Lagi nga, pero dahil galit ka sakin ilang araw mo kong hindi pinansin, kaya sobra kitang namiss" si Jin na yinakap ulit sya

Naiinip na ako at saka feel kong hindi kami belong sa tropa nila at sa kanila kaya nagpasya na kami ni kuya na umuwi

"Mmmm, Cath, we need to go na" nakangiting sabi ko at tumayo naman sila

"Ahh, kami din we need to go na din" si Kurt "mmm LA sabay kana sakin" sabi ni Kurt at agad naman akong natingin sa kanila

"Ahh! Thanks may dala akong kotse remember" nakangiting sabi ni LA at napakamot naman si kurt sa ulo nya

"Ahh, sige mag iingat kayo ahh" sabi ni Cath at hinatid kami sa labas

"Bye, ingat ka ahh, see you tom. I love you" si Ethan at kiniss pa si Cath sa pisnge

"Sige ikaw din, ingat sa pagdrive ahh, i love you too" si Cath at yinakap si Ethan

"Oy ingat kayo ahh" sabi ni Cath na kumaway pa, nahagip naman ng mata ko sila kurt at LA, at kitang kita ko kung paano hinalikan ni Kurt ang Pisnge ni LA, nasasaktan pa din ako, dahil sa inis ay sumakay nalang ako sa kotse ni kuya, sabay kaming pumasok, ayaw ko kaseng gamitin ang kotse na binigay sakin ni Dad.

__________________________________

A/N:

So hi Pinky's~ so nabasa nyo naman sa PINKYLIAN UPDATE Ko, yung may Book 2 na ang I FELL IN LOVE WITH A BAD BOY, so sana napasaya ko kayo sa munting Regalo ko para sa inyo, dahil sa pagtitiyaga nyo sa pag iintay ng aking slow update.

At nandoon din sa Page ko ang mga picture ng ating mga Bida at kontrabida, and please like my page too.

For more important Update kindly visit the following:

IG: pinkylian
PAGE: pinkylian

Thank you very much! Mwuah (^_*)

Pinkylian♥

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon