CHAPTER 56

9.8K 309 1
                                    

~LA pov~

"Welcome back philippines" malakas na sigaw namin ni Mitch nung makalabas kami ng NAIA, agad din naman kaming sumakay sa van para umuwi na ng Nueva Ecija

At kagaya lang ng dati tulog lang ulit ako sa byahe, malayo layo pa naman ang byahe namin, at nagising lang ako nung may tumatapik sakin.

"LA! Nandito na tayo anak" gising sakin ni mom, at agad naman akong nagising at gabe na din yung tiningnan ko ang labas at nasa bahay na nga kami

"Nasan sila" tanong ko ng makitang ako nalang ang nasa van

"Umuwi na sila para magpahinga at nasa loob na din ang kuya mo" sabi ni mom kaya agad akong bumaba para makapag pahinga nadin ako sa kwarto ko.

'Kinabukasan'

Late na akong nagising dahil sa pagod siguro sa byahe, ang saya ng Christmas namin this years, ito yung pinaka da best christmas na naganap saming pamilya, i mean kada christmas namin ay masaya naman, iba lang talaga this year kase sobrang saya talaga

"Maam LA, pinapatawag na po kayo ng mommy nyo" nagulat ako sa may biglang dumungaw na katulong namin sa pinto ng kwarto ko

"Ahh sige, may aayusin lang ako" sabi ko sa maids namin

"Sige po" sabi nya at saka sinara ang pinto ng kwarto ko

Nung umalis na ang maids namin ay agad naman akong pumunta sa CR ng kwarto ko at inayos ko ang sarili ko, naghilamos at nagmumog ako

Agad naman akong bumaba nung natapos ko ng ayusin ang sarili ko at nandon na sila mom sa dinning at nagbebreakfast na

"Goodmorning" bati sakin ni mom

"Goodmorning po" bati ko din sa kanila at saka ako umupo at kumuha ng pagkain, kumuha lang ako ng omelete at saka bacon at juice ang drinks ko

"Happy ba kayo mga anak" tanong ni dad samin ni kuya

"Sobra dad" sabi ko at pumalakpak pa

"Happy na happy dad" sabi ni kuya

"Mabuti naman" sabi ni dad at saka kumain ulit

"Panay nga ang gala nyo don" sabi pa ni mom at ngumiti lang kami ni kuya

"Ayy mommy, daddy" sabi ni kuya

"Yes" si dad

"Why" si mom

"After po ng graduation nila LA at Mitch, pwede po ba kaming magbakasyon sa Korea" tanong ni kuya sa kanila kaya naghihintay din ako ng sagot nila

"Oo naman" si mom

"Pwedeng pwede, saka para makasama nyo lolo nyo don" sabi ni dad at nag apir pa kami ni kuya, at mamaya ay sasabihin na namin ito sa gc naming mag pipinsan para makapag paalam na din sila

"Ay sabi pala ni lolo non, uuwi daw sa dito sa pinas para manood ng graduation namin ni Mitch" nakangiting sabi ko kila mommy at daddy

"Aba dapat nating paghandaan ang pagbabalik ni dad dito" sabi ni daddy nung nalaman nyang uuwi si lolo dito sa pinas bago kami grumaduate ni Mitch

"Maganda nga yan" sabi ni mom

Wala ng nagsalita at saka kami nagpatuloy sa pagkain, nung natapos na ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko at nagchat ako sa gc naming magbabarkda

LA: Hi guyssss

Jin: Hello

Mitch: guys were backkkkkk

Jin: nandito na kayo sa pinas

LA: Oo

Ethan: kailan pa

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon