CHAPTER 47

10.5K 305 2
                                    

~LA povs~

Mga 2 am palang ay gising na kami, at saka dito din natulog sila Mitch at kuya Migz, kase sasabay sila papuntang korea, at saka ngayon ang flight namin papuntang korea.

"Ready na ba mga gamit nyo" tanong samin ni kuya, tabi kase kami ni Mitch matulog tapos si kuya at si kuya migz ang tabi

"Ahh yes kuya, everything is ok" nakangiting sabi ko

"Oh, sige bumaba na kayo at kayong dalawa nalang ang iniintay don sa babae at aalis na tayo" sabi ni kuya at saka umalis, kaya agad naming kinuha ang mga dadalin namin at saka kami sabay na bumaba ni Mitch

Nung nasa baba na kami ay ready na silang lahat at kami nalang talaga ni Mitch ang iniintay at aalis na

"Oh! Ayan na sila, lets go" sabi ni Mom at saka nila kinuha ang mga gamit

"Lets go" excited na sabi ni Mitch

"Oh, dinala nyo ba yung mga panglamig nyo dun" biglang sabat ni manang

"Yes po" sabi ko

"Yes po, manang mag iingat po kayo dito ah" si dad at saka yumakap kay manang

"Oo naman, alvenz ijo" nakangiting sabi ni manang, saka hindi nya tinatawag si mom and dad ng maam and sir, kundi Ija at ijo nalang

"Sige, manang mauuna na kami" sabi ni dad at bago ako sumakay sa sasakyan ay yumakap muna ako kay manang

"Bye manang" nakangiting sabi ko at tumango naman sya at saka ako sumakay sa kotse ko

Habang nasa biyahe kami ay nagse cellphone lang muna ako mga bandang three a.m. na ay dinalaw ako ng antok kaya natulog muna ako, saka mahaba haba pa naman yung biyahe namin, Nueva Ecija to Manila ang biyahe namin.

"LA! Hindi na kita mahal" sabi ni kurt at umiiyak ako

"Bakit kurt! May pagkukulang ba ako" umiiyak na sabi ko kay kurt

"Wala! Pero meron sya na wala ka, at yung meron sya na wala ka ay yun yung gusto ko" sabi ni kurt at mas umiiyak ako

"Sabihin mo sakin kung anong meron sya na wala ako!" Sabi ko sa mahinahon na paraan "willing akong gawin yun, wag mo lang akong iwan kurt" sabi ko at nakatingin sa kaniya

"Hindi! Hindi mo magagawa ang mga bagay na gusto ko na ang tanging makakagawa lang si...." naputol ang sasabihin ni kurt, dahil may biglang nanampal sakin

"Aray" sabi ko at saka ko idinilat ang mga mata ko.

"Nananaginip ka" sabi sakin ni Mitch

"Eh bat mo ko sinampal" inis na sabi ko

"Eh kase, umiiyak ka na dyan at sumisigaw" nakataas na kilay na sabi nya

"Ayyy ganon ba" tanging nasabi ko lang, saka panaginip lang pala yun, pero kung hindi lang sana ako ginising ni Mitch, baka nalaman ko kung sino yun pinalit sakin ni kurt sa aking panaginip.

"Ano ba yung napanaginipan mo" tanong sakin ni kuya

"Ahh, wala kuya, isang lugar na madilim at nakakatakot lang" pagsisinungaling ko kay kuya

"Eh bat naiyak ka dyan" tanong sakin ni kuya Migz, eh bat ba lahat sila nagtatanong

"Eh may nakasunod saking nakakatakot na naka kulay puti eh" pagsisinungaling ko ulit.

"Wag kana ngang matulog natatakot ako sayo eh" si Mitch at tumango naman ako

"Oh sya humanap tayong 7/11 na bukas at bumili tayo ng coffee para naman mahimasmasan yang baby ko" sabi ni mom at tumango naman ako

BOOK 1: I Fell In Love With Bad Boy 'COMPLETED'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon