Shay POV
Nanginginig na ang buong katawan ko sa mag-damagang trabaho.
Damn it!
Bakit ba ang hirap ng buhay?Hanggang kailan ba matatapos itong pag-paparusa nila sa akin?
Pagod na pagod na ako na ipakita sa kanila na wala akong kasalanan..."shay!"hanggang kailan ka ba titigil jacob?
"Mamaya na tayo mag-usap marami pa akong gagawin"kalmado kong sabi sa kanya
"shay naman, diba sabi ko na sumama ka na lang sa akin at kalimutan ang iyong nakaraan?" Kung sana ganun lang kadali edi sana ginawa ko na para matapos natong lecheng paghihirap na 'to!
"Pwede ba Jacob umalis ka muna kita mo naman diba na marami pa akong kailangan tapusin" Nakakatawa lang, dati daig ko pa ang anak ng presidente sa sobrang ganda ng aking buhay pero ngayon kailangan ko ng kumayod sa sarili kong mga kamay para makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan
"Shay isa kang Villacorte hindi mo dapat ito nararanasan!"
Kalokohan. Matagal na akong tinalikuran ng pamilyang iyan"Hoy shay! Di ba ang sabi ko pag-oras ng trabaho bawal ang makipag-kwentuhan sa mga costumer natin?" Naku po! Tiyak na babawasan na naman niya ang sahod ko.
Kainis na Panot na to!
"Sorry po sir, hindi na po mauulit."
Talagang hindi na mauulit dahil sa oras na makuha ko na ang sahod ko magre-resign na ako sa trabahong to
"Dapat lang!" At nilingon na niya si Jacob na kanina pa seryoso ang mukha
"Sir ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"Sa halip na sagutin siya ni jacob ay tinignan lang siya nito saka bumaling ulit sa akin
"Shay kung sakaling magbago ang isip mo puntahan mo lang ako sa dating tagpuan natin." pumunta nalang ako sa kusina para makaiwas sa kanya at sa nanlilisik na mata ng amo ko
7:40 pm, isang oras nalang ang kailangang tapusin at makakapagpahinga na rin ako sa wakas!
Habang naghuhugas ako ng mga sandamakmak na pinggan hindi ko mapigilang hindi mapaluha ng maalala ko ang huling araw na inakala ko sa totoong pamilya ko
flashback
Nagising ako sa sobrang ingay na sa tantya ko ay nanggaling sa baba. Hindi ko nalang sana yun papansinin at matutulog nalang ulit ng may biglang pumasok sa kuwarto ko, tsk. Hindi ba niya alam ang salitang katok?
" Oh well, natutulog pa rin pala ang nagpapanggap?" napa-irap nalang ako sa isipan ko ng malaman ko na ang pangahas na pumasok sa kuwarto ko ay walang iba kundi ang ingratang lucy at tsaka ano? nagpapanggap?
"Di ka manlang ba tinuruan ng magandang asal at bigla-bigla kanalang papasok dito?"
"Look who's talking hahaha" maarteng sabi ni lucy
"Self-support te? Kung sabagay wala naman talagang nakakatawa dun."
Inayos ko ang aking higaan. Tsk! hindi tuloy ako nakabalik sa pagtulog ko. Bwesit!
YOU ARE READING
Legendary Warriors: Thief of truth
Fantasy"The mind is like a parachute, it works best when it's opened." - Prof. Lee ------- She's just a simple girl back then. A happy go lucky shay. That has one goal and that is to make those people pay for degrading her She thought that the destiny is o...