Nag-iwas ako ng tingin
"Please introduce again yourself Ms. Villacorte." Nakangiting sabi niya.
Hindi pa ako handa.
But unfortunately, hindi ko na ito matatakasan.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
"I'm Laila Alexandra Vivian Sycamore Castillo daughter of Princes Lila Sycamore and Prince Lancelot Castillo" sabi ko at umupo na ulit.
Shinortcut ko nalang ang pangalan nila mama hindi ko na kasi masyadong maalala yung kasunod eh.
Napuno ang apat na sulok ng mga bulungan.
"Silence!" sigaw ni Mrs. Elliot habang hinahampas ang mesa niya
Tumahimik naman ang lahat.
"Hindi niyo siya dapat katakutan at husgahan."
"Ma'am hindi po maiiwasan na hindi namin siya katakutan dahil nananalaytay sa dugo niya ang kadiliman" sabi ni Eunice.
Nagkagulo ulit.
"Kahit pa. Her mother and father are the former warriors. Tsaka malaki ang naitulong ng pamilyang Sycamore sa kasaysayan natin." Paliwanag ni ma'am
"Kung ganon ma'am bakit nangyari ang digmaan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya?" Tanong ni Dianne
Napatingin ako sa kanya.
Kung kanina ay sobrang tahimik lang nila pero ngayon ay nakikisabay na rin sila sa bulungan.
Nakakalungkot lang.
Although may positive silang komento pero nakakasakit pa rin yung mga panglalait nila.
"Nagsimula iyon ng dahil may bumago sa totoong propesiya. Nakapasok rito si Princess Lila dahil napatunayan niya ang sarili niya na wala siyang dalang kaguluhan."
"Nalaman ito ng kabilang kaharian ngunit kinumbinsi niya ito kaya di-kalaunan ay natanggap na nila ito. Naging magkalapit ang dalawang first family or ang mga pureblood dahil sa kanilang mga anak. Ang hindi nila alam ay may uhaw sa gulo kaya ng malaman niya ang nakasaad sa propesiya ay binago niya ito"
Pwede ba yun?
"Nang humupa na ang gulo ay nailabas ang totoong nakasaad sa propesiya kaya sobra ang pighati ng magkabilang kaharian sa naging sanhi ng kanilang mga kilos."
"Kaya ngayon ang namumuno sa atin ay ang second family at sa kabilang kaharian naman ay ang Third family."
"Bakit po third family ang namumuno sa kanila ma'am?" tanong ko.
"Namatay rin kasi ang second family. At walang natira maski isa."
Pagkatapos ng klase ni ma'am ay pinuntahan ko na si khalix para mag-training kami.
"Training na tayo." nagtataka ito sa akin pero nang mahalata niya na hindi ko gusto rito ay pumayag na rin ito.
"You know what Villacorte I mean Castillo nakakatuwang ikaw ang nag-aya sa akin para mag-ensayo pero hindi ito ang magandang panahon dahil hindi mo lang makokontrol ang sarili mo." sabi niya habang nakapamulsa.
Nasa Field na kami ngayon.
Napayuko nalang ako.
"Gusto ko lang naman ipalabas ang nararamdaman ko ngayon."
"May alam akong lugar na makakawala ng stress." huminto ito.
Hinarap niya ako.
"San yun? Mag-training nalang tayo." sabi ko
YOU ARE READING
Legendary Warriors: Thief of truth
Fantasi"The mind is like a parachute, it works best when it's opened." - Prof. Lee ------- She's just a simple girl back then. A happy go lucky shay. That has one goal and that is to make those people pay for degrading her She thought that the destiny is o...