3

163 67 9
                                    


4:30 am

Nagpadesisyunan ko nalang na pumunta sa dalampasigan. Hindi na ako nagbihis kaya nakapantulog lang ako ngayon at naka-tsinelas.

Pagkababa ko ay may mga tao pa rin naman, may bar kasing malapit rito.

Ano kaya ang naghihintay sa akin sa bundok na iyon?

Aish. bahala na si batman.

malayo-layo na pala ang narating ko, ang kalma ng karagatan--lugar na puno ng misteryo.

Napakunot-noo ako ng bigla nalang bumaba yung tubig, wait, what? Bumaba yung tubig?!

"Patay..." Tsunami ito panigurado kasi imposible naman na biglang huhupa ang tubig.

Base on my calculations 7 ft. ang lalim nito malapit lang dito sa pangpang

Wala na akong sinayang na panahon at agad pumasok sa hotel kinuha ko ang gamit ko at si Kobe tsaka ako pumunta sa guards para iinform ang lahat kasi may paparating na Tsunami

"Wag mo akong idamay sa kabaliwan mo iha" Sabi ni manong guard habang tumatawa

"Hindi ako nababaliw dito at kung ayaw niyong maniwala bahala na kayo sa sarili niyo basta ang masasabi ko lang ay good luck" Asar kong sabi saka nilisan ang hotel ilang minuto nalang at malulunod na ang lugar na ito kaya mas mabuting pumunta na ako sa Mt. Pandadagsaan

"Makinig kayong lahat sa akin, may tsunaming paparating lisanin niyo na ang lugar na ito kung ayaw niyo pang mamatay!" Sigaw ko.

Nakuha ko ang atensyon nila dahil sa gamit kong megaphone wag niyo ng itanong kung san ko nakuha to.

"Pinagsasabi mo dyan baliw?!" Sabi nung lalaking may dalang alak.

Pinagtatawanan ako ng iba kasi nababaliw na raw ako pero hindi naman ata lahat kasi mangilan-ngilan na rin ang nagsitakbuhan at nilisan ang lugar.

Mabuti naman kung ganon.

Pumunta ako sa madilim na parte at saka ginamit ang mahika ko.

No choice na kasi ako kundi ang gamitin ito dahil kong hindi ay tigok na ako rito

'Asto rivi cashre' Saka ko Inisip ang Mt.Pandadagsaan. boom! Tada! nakapag-teleport na rin.

Sa wakas nakarating na ako. Malapit na pala ako sa tuktok.

Hindi klaro ang daraanan kasi makapal ang fogs rito saka mag-uumaga pa lang

"Aray!" daing ko nang nadulas yung paa ko, ang putik naman at parang lage itong dinaraanan ng ulan kasi ang lambot ng lupa parang anytime ay guguho nalang to.

"Lolo ano bang hahanapin ko rito? May ipapahanap ka bang kayamanan mo rito? Sana naman Lo nagbigay kayo ng clue!" As if naman naririnig niya yun

Bigla nalang nagsi-taasan yung balahibo ko. Huhu lolo wag po!

Iilawan ko na sana yung parte na parang may anino ng tao ng bigla nalang may nanitsit

Lolo ayaw ko na! Uwi nalang ako lo

wait, M-multo ba yon?

nilapitan ko ito kahit nanginginig na ang mga tuhod ko

"Tela ka lang pala kala ko kung ano na" Sabi ko at kukunin na sana to kaso di ko abot eh nakasabit kasi ito
sa isang sanga.

Tinalon ko ito dahil hindi naman ako biniyayaan ng katangkaran nang bigla nalang akong...

...Nahulog? Nahuhulog lang--

Legendary Warriors: Thief of truthWhere stories live. Discover now