4:30 am na nang makabalik kami sa University.
Tulog pa sila ng pumasok ako kaya nagteleport ako papuntang kwarto para hindi makagawa ng ingay.
Mapapa-aga ang pasok ko ngayon.
Lean POV
Nag-aalala na ako kay bessy dahil buong gabi itong hindi umuwi.
I know na nasaktan namin siya.
Tanging si Trishia lang ang hindi nakisali sa bulungan kahapon.
Papunta na kami ngayon sa classroom namin.
"Marie bakit hindi niyo kasama si Shay?" bulong sakin ni Cyril.
Nasa tabi ko na pala ito.
"Laila" Correction ko sa kanya.
"Ah Oo nga pala. Nasanay na rin kasi ako." sabi niya habang kumakamot sa likod ng leeg niya.
"Misunderstanding" sabi ko. Napatango naman ito.
"Napapansin ko lang, napapadalas na ang pagkawala ni Khalix at Laila" sabi niya.
Nasa hulihan kami habang sila Dianne at Trishia naman ay nauna na.
"Pansin ko rin yun." Napaka-chismoso talaga nito.
Nakarating na kami sa classroom.
Naabutan namin si Laila ron na naka-earphone.
Umupo na ako sa tabi niya.
Awkward.
Nagulat ako ng bigla itong tumayo dala ang gamit nito.
Pinigilan ko siya.
"You're not comfortable sitting beside me." sabi niya.
"I didn't mean to make you feel like that." sabi ko habang naka-yuko.
Ang kaninang maingay na classroom ay naging tahimik ng maramdaman nila ang tensyon sa pagitan namin.
"Its okay. Hindi ko rin sinasadya na matakot ka sakin." sabi nito at lumabas na naman ng classroom.
For sure magcu-cutting na naman yun.
Sinundan ko ito wala pa rin naman kasi ang professor.
Pagkadating sa rooftop ay pinigilan ko na siya.
"Ano ba Shay! Hanggang kailan mo ba kami tatakbuhan ha?" Tumawa lang ito ng mapakla
"Its Laila not Shay." Sabi niya. Nakatalikod pa rin siya sakin.
"Bakit ko nga ba kayo tinatakbuhan? Ako ba talaga o kayo?" Humarap na ito sa akin.
Napa-urong ang dila ko sa tanong niya.
---
Nasa harapan namin ngayon sina Khalix at Shay."Guys training muna kami ha?" paalam sa amin ni Shay.
YOU ARE READING
Legendary Warriors: Thief of truth
Fantasy"The mind is like a parachute, it works best when it's opened." - Prof. Lee ------- She's just a simple girl back then. A happy go lucky shay. That has one goal and that is to make those people pay for degrading her She thought that the destiny is o...