Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, ginawa ko na ang morning rituals ko bumaba at kinain yung huling cereals tsaka pumunta sa basement dala ang kulay itim na libro
Dose anyos pa lang ako ng palayasin ako sa bahay at nung iniwan ako ni lolo ang tagal na pala nun pero parang kahapon lang eh.
Nang makarating na ako ay tinusok ko ng karayom ang aking daliri tsaka pinatak sa kulay asul na bato ang aking dugo, ito ang nagsisilbing password para makapasok sa secret hideout ko, ang basement.
At tanging dugo ko lang ang naka-register dito
Nang makapasok ako ay binigkas ko na ang mga salitang makakapasok sa akin sa isang illusion
"Nashte este lesme"
Biglang nagbago ang paligid
Mukhang nasa desyerto ako, hinanda ko na ang sarili ko at hinigpitan ang hawak kong katana--hindi ito ordinaryong katana sapagkat nagtataglay ito ng malakas na enerhiya na tanging ang tagapangalaga lang ang pwede maka-seal non, isa ito sa pamana ni lolo. Sa blade nito ay may nakasulat gamit ang letra ng griyego
Tinalasan ko na ang aking pandinig ng may isang malakas na hangin na siyang naging dahilan para magsiliparan ang mga buhangin parang sand storm lang
"Okay this is it" Sabi ko saka ko sinalubong ang isang malaking dragon, kulay itim ito at nagbubuga ng kulay itim na apoy
Patuloy siyang nagbubuga ng apoy habang iwas lang ako ng iwas, naghahanap ng tyempo, ang nais kong gawin ngayon ay ang matalo itong dragon na hindi gumagamit ng mahika
tumalon ako galing sa puno ng sa ganon ay makasampa ako sa likod nito nasa buhanginan na kasi ito ngayon pagkatapos kong mapuruhan ang kaniyang pakpak kaso di ko inaasahan na matatamaan ako ng buntot nito kaya napasubsob ako malayo sa kanyang kinaroroonan
"Shit. Pinapahirapan mo talaga ako ha" ang hapdi ng balikat ko, oh shit nasugatan pa talaga ako oh! pero mamaya na yan pagbabayarin ko muna itong balbon na 'to
Ngayon ay parang nagpapatintero nalang kami dahil hindi na siya makalipad pero ang bagsik parin!
Mahirap siyang masugatan sa katawan kasi nakasuot ito ng kalasag na gawa sa metal
Nang tatamaan na naman sana ako ng buntot nito ay tumalon ako ng mataas saka kumapit na siyang dahilan ng pagwawala niya pero sa halip na bumitaw ay bumwelo ako saka tumalon papunta sa kanyang ulo
Smirk. Patay ka ngayon,Sinaksak ko agad ang noo nito.
Putek! malapit na sana akong mahulog buti na lang nabaon ko na sa mata nito ang aking katana para makakuha ng suporta at maiwasan ang pagkahulog.
Kinuha ko sa likod ko ang pares nito at walang pagundangan na sinaksak ang kaliwang mata nito
Hinihingal ako ng makitang wala na ako sa isang illusion at nakapabalik na sa tahimik kong basement.
Trese anyos na ako ng malaman ko na hindi normal ang aking lolo akala ko nga mangkukulam yun tapos ipinasa sa akin ang kanyang trabaho dahil sa akin niya ipinamana ang mga kakaibang gamit lalo na itong libro
May kutob rin ako na hindi ordinaryong kwentas itong ibinigay ni lolo sakin.
Maganda ito simple lang, isang white teardrop necklace na may kung anong bagay sa loob nito di ko siya mawari kung ano kasi sobrang liit nito
YOU ARE READING
Legendary Warriors: Thief of truth
Fantasy"The mind is like a parachute, it works best when it's opened." - Prof. Lee ------- She's just a simple girl back then. A happy go lucky shay. That has one goal and that is to make those people pay for degrading her She thought that the destiny is o...