13

64 33 8
                                    

Masasabi kong napaka-unlad ng Agartha when it comes to technology.

Naglalakihang gusali. Mahabang train. Ang vehicle nila rito ay gawa sa metal at walang gulong ito.

Ang advance nila. Grabe!

Our second task is to kill all the mangaroo troops. And nasa loob sila ng train.

Kausap namin ang General nila dito. Nalaman namin na hindi pala sila totoong mangaroo troops, nagbaba-balat kayo lamang.

"Pumili lang kayo kung anong gusto niyo." sabi nung heneral.

Nasa harapan namin ngayon ang ibat-ibang klase ng baril, sword, knife at iba pa.

I chose the double rifle while the others use the swords and knifes.

Napansin ko na kaming dalawa lang ni Revlyn ang pumili ng baril.

Nasa itaas lang kami ng building naghihintay kung kailan dadaan ang train.

But again. Pag nangunguna ang pagiging desperada ay mapapamahak ka talaga. Pagkakita pa lang namin sa train ay nagsikanya-kanya na sila ng talon.

"Fool" sabi ni Lean.

Yep! Magkakasama kaming magkakaibigan.

"In the count of three tatalon ka na Trishia." utos ko. Tumango lang ito.

"1"

"2"

"3. Go" sabi ko. Nice jump.

And ganon rin ang nangyari sa iba. Kami nalang ni Khalix ang naiwan.

"Mauna ka na Castillo. Take care." Sabi niya. Tumango lang ako sa kanya bago tumalon.

Nagpagulong-gulong ako sa ibabaw ng train dahil sa hindi tamang pag-talon ko.

Ay leche!

Di pa nga ako ready. Paputukan ba naman ako.

"Gusto niyo ng patayan ha? Come on baby!" sigaw ko. Pinaputukan ko na rin sila habang tumatakbo para hindi matamaan ng bala nila.

Dumapa ako ng papasok na kami sa ilalim ng tulay.

Gumulong ako nang patuloy pa rin sila sa pagpapaputok.

Muntikan na sana akong mahulog kung hindi agad ako nahawakan ni Revlyn.

"Best friend mo ata ang disgrasya." sabi niya.

Bumaba kami para makapasok sa loob.

Madami kaming nadadaanan na bangkay ng mga kasamahan namin.

Patay-sindi na ang ilaw.

"Natunugan nila ang plano natin." basag ko sa katahimikan habang nakamasid pa rin sa paligid.

"Ang tatanga kasi ng mga kasama natin." lintanya niya.

Pagpasok namin sa kabilang parte ay maraming Mangaroo troops ang sumalubong sa amin kaya agad kaming nag-tago.

Palitan ng putok ang nangyayari. Nang makahanap na kami ng tyempo ay sabay namin silang pinaputukan.

"Damn it" Bakit ngayon pa? Ang bilis naman maubos wala pa naman akong dalang extra bullets

"Bakit?" tanong ni Revlyn gamit ang earpiece. Mga teknolohiya lang ang gamit namin ngayon. No powers.

"Wala na akong bala" Sagot ko sa kanya.

"Ok. I'll protect you. All you have to do is to beat those fucking moron." utos niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang 'I'll protect you'.

Legendary Warriors: Thief of truthWhere stories live. Discover now