12

75 39 2
                                    

Umuwi akong mugto ang mga mata.

"Trish." tawag ko kay Trishia.

Nasa Salas kasi ito nanonood ng Descendants of the Sun.

"Na naman?" sabi niya.

Umupo lang ako sa tabi niya at nakikikain ng popcorn.

"Ano pa bang kulang sakin?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito.

"Walang kulang sadyang gago lang talaga siya at hindi nakontento sayo" sa sinabi niya ay unti-unti na naman nagsibagsakan ang mga luha ko.

Si Trishia at Lean lang ang may alam sa relasyon namin.

"Yun na nga eh. Kaya hindi siya nakontento kasi may kulang." maktol ko.

Ang sakit,sakit,sakit na.

"Contentment is a choice. Kung mahal ka talaga hindi na niya uungkatin at hahanapin sa iba ang kung anong kulang sayo. Magiging sapat ka na sa mga mata niya yan ang totoong pag-ibig." advice niya sakin.

Collection lang ba niya ako?

"Kailangan ko na ba makipag-break?" tanong ko. Napalunok ako habang ini-imagine ang ganong eksena.

"Desisyon mo na yan. Mabibigyan kita ng payo pero sa huli nasa iyo pa rin ang desiyon." sabi niya.

Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

Iniisip ko palang na makikipag-break ako sa kanya ay sobrang hirap na para akong malalagutan ng hininga.

"But for me Dianne, oras na para umalis dyan sa relasyon niyo." payo niya sakin.

Hindi ko kaya. Martyr na kung martyr pero hindi ko talaga kaya.

Ayaw kong magpadalos-dalos kasi baka magbago pa siya para sa akin, sa relasyon namin.

Shay POV

Pagkababa namin sa roller coaster ay dali-daling tumakbo si Revlyn sa basurahan.

"Oh ito tubig." sabi ko. Kinuha niya yung tubig ko.

Nanlaki ang mata ko ng marealized ko na indirect kiss ang nangyari.

Kaya binatukan ko siya. Nabilaukan naman siya sa ginawa ko.

"Pesting buhay!" sabi ko saka siya tinalikuran.

Sinundan naman niya ako. At hinila ako sa Haunted house.

Nanlamig ako ng marealized ko na papasok kami ron.

"Paki-suot nalang po to nang sa ganon ay madali po namin kayo ma-locate kung may aberya." sabi nung nagbabantay sa booth. Nilagyan niya ng umiilaw na bracelet ang aming wrist.

Pagpasok namin sa pintuan ay kumapit na ako ng mahigpit kay Khalix.

Kinurot ko siya sa tagiliran nung tinawanan niya ako. Ansama niya talaga!

"Wala ka bang dalang cellphone?" tanong ko sa kanya. Ang dilim kasi rito tanging bracelet lang namin ang nagsisilbing ilaw.

"Gurang ka na talaga Castillo. Remember pina-iwan nila ang cellphone natin sa labas." sabi niya.

Sa sinabi niya ay mas lalo akong natakot. Kaya sumiksik pa ako ng sumiksik sa kanya.

Legendary Warriors: Thief of truthWhere stories live. Discover now