Tale 1
The Princess is Actually a Witch
"It was a peaceful, calm night when it all happened.
A violent wind swept through the entire world.
A heaven-shaking, world-shattering catastrophe blew overnight.
But no one noticed. It was peaceful and tranquil for everyone.
Except for magic vanished that night.
The flames of war ignited.
And a new era has begun."
-Aralon'sGeographyandHistory, written by Professor Cross
Cliché. Yan ang unang mapapansin ng lahat sa nalalapit na pagtatapos ng unang semestre ng pasukan ngayong taon sa North Stallion International School.. Marami kang makikitang estudyante na abala sa last minute review na kanilang ginagawa para sa final examinations nila ngayong unang semestre. Makakakita ka rin ng mga estudyante na tila nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan kung umasta dahil kakatapos lamang ng kanilang mga exams. Meron din naman na akala mo ay pasan-pasan ang mundo sa kanilang balikat sapagkat walang naisagot sa kanilang mga exams. Halo-halo. Magulo. Tipikal na eksena ito sa kahit saang unibersidad. Cliché kung baga.. Pero kung estudyante ka ng paaralang ito, iba ang magiging pananaw mo.
May umiikot na mainit na balita sa buong paaralan. Ang number one bully ng school ay lilipat na ng paaralan sa susunod na semestre. Kung sa ibang unibersidad ka nag-aaral ay marahil magtataka ka kung ano ang big deal sa balitang ito. Pero kung isa kang estudyante ng North Stallion International School ay magiging sanhi ng pagbubunyi ang balitang ito para sayo. Walang hindi nakakakilala sa campus' number one bully sa buong North Stallion. Marami na itong inapakang tao at sinirang buhay. Isang bangungot ang pagkatao nito para sa lahat ng mga nakakakilala dito. Lahat ng kilalang siga sa paaralan ay nasa ilalim nito. Kahit ang mismong paaralan ay kaya nitong manipulahin. Kaya ang mabalitaang lilipat na ito ng paaralan ay tila isang magandang balita na mula sa langit. Iisa lamang ang nasa isipan ng lahat ng tao sa paaralan na nakarinig sa balita, 'kung saan man ito lilipat na paaralan o pupuntang lugar, siguradong doon naman ito maghahasik ng lagim at magdudulot ng delubyo'.
Samantala, sa cafeteria ng North Stallion, malayo sa mga estudyanteng lihim na nagbubunyi sa balitang umiikot ngayon sa buong paaralan, isang dalaga ang tahimik na humihigop ng kape sa isa sa mga table sa lugar. Isang buntong hininga ang ginawa nito at mababakas sa magandang muka ng dalaga ang pag-aalala. Tila may bumabagabag dito. Sa kabila ng pagkunot ng noo nito ay marami pa ring mga estudyante ang hindi mapigilang hindi mamangha sa kagandahan ng dalaga. Kahit saang anggulo mo ito tingnan ay wala kang maipipintas sa maamo nitong muka. Tila ito isang prinsesa sa mga fairytales. Her beauty is other worldly. She's like a divinity who descended from the stars. She's perfect in every way. Of course, this beauty is public enemy number one, she's the campus' number one bully.
"Eclipse what got into you? Bakit bigla mo naisipan mag-transfer?" tanong ng isang babae na nakaupo katabi ng dalaga
"Yeah, I'm also curious. You never mentioned this before, so why so sudden?? May natanggap ka bang death threat or something??" tanong din ng isa pang babae.
"Death threat?? Come on? Who in their right mind would dare threaten me?? I'm the campus' number one bully, Amara Eclipse Lockwood remember??" tugon ng dalaga na tila naa-amused sa naging tanong sa kanya ng kaibigan.
Walang makakapag-kaila na maganda ang dalawang babae, but their beauty paled when compared to Eclipse.
"Then why??" pangungulit pa ng dalawa
"Yasmin, Audrey, what did I tell you about asking questions??" tanong ng dalaga kasabay ng paglapag nito ng tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa kung nasaan sila.
Natahimik ang dalawang babae. Kahit kaibigan nila ang dalaga ay alam ng dalawa na hindi sila maaring magtanong ng magtanong kung hindi intersado ang dalaga na sagutin ang tanong nila. Kahit may maamong muka ang dalaga ay alam na alam ng dalawa nitong kaibigan kung gaano kaikli ang pasensya nito. She's actually a demon with the face of an angel.
"Wait lang girl, kung nandito ka, sino ang nag-aasikaso ng mga documents para sa pagta-transfer mo??" tanong na lamang ni Yasmin.
"Tinatanong pa ba yan?? Of course may inutusan akong faculty staff na mag-asikaso ng lahat ng mga kailangan ko para saakin." Tugon ng dalaga
"Bilib na talaga ako sayo girl. Paano mo nautusan ang isang faculty staff? Did you threaten him??" manghang tanong ni Audrey
"Well I won't elaborate the details, but let's just say I know a little magic." Tugon ng dalaga na nagsasabi ng buong katotohanan. Pero syempre hindi ito naintidihan ng dalawa nitong kaibigan. Noong sinabi nito ang salitang magic, they didn't take it literally but figuratively instead. Kilalang tuso ang dalaga kaya hindi sumasagi sa isipan nila na mahika ang totoong sikreto kung paano nito nakukuha ang lahat ng naisin nito. Sino ba naman ang mag-aakala na marunong talaga ng magic ang dalaga?? Sino ang mag-aakala na nagpa-practice ito ng magic?? At sino ang mag-aakala na ang prinsesa sa harap nila ay isa pala talagang mage??
***
Noong gabi ng kaparehong araw na iyon, nagliwanag ang buong kalangitan na tila araw. May isang magandang himig na bumalot sa buong mundo. Tumigil ang oras kaya walang kahit na sinong tao ang nakapansin sa mga pagbabagong ito. Maliban na lamang sa isang magandang dalaga na tahimik na binabaybay ang isang tulay na gawa sa bahaghari. Tila isang diwata ang dalaga. O isang prinsesa sa mga fairytales. Ang dalaga ay walang iba kung hindi si Eclipse na kasalukuyang binabaybay ang tulay na nag-uugnay sa Earth at sa mundo ng Aralon.
Inasikaso na ng dalaga ang lahat ng dapat nitong asikasuhin upang wala nang maghanap sa kanya sa oras na maglaho sya mula sa Earth. She cut ties with her mortal friends saying she's going to study abroad. She left her family to pursue her dreams. It's time to visit that world.
Bata pa lamang ang dalaga ay interesado na sya sa mundo na pinagmulan ng kanyang grandparents. Her grandmother is a witch at ito ang nagturo sa kanya ng mahika. Ilang taon na rin noong pumanaw ito, at ang huli nyang pangako dito ay ang pagpunta nya sa mundo ng Aralon sa oras na may sapat na syang kakayahan para tumawid sa dalawang mundo. Hindi pangkaraniwang witch si Eclipse, at ito ang isa pa nyang dahilan kung bakit nais nyang makarating sa Aralon.
Isang mundo ng magic ang Aralon. Isang mundo na puno ng mga kakaibang nilalang. Isang mundo na sa mga kwento ng kanyang grandparents nya lamang nararanasan noon. Subalit ngayon ay ilang hakbang na lamang ang layo nya dito..
Muling tumakbo ang oras, nababalot na muli ng dilim ang gabi, at wala na ang magandang himig na kanina ay bumabalot sa mundo. Wala na rin si Eclipse.
~~~~~~~~
If you are reading this story on any other platform other than wattpad, then you are very at risk of malware attacks. Please visit the official wattpad site to read it's original and safe form. Thank you!
BINABASA MO ANG
Alquemie
Macera"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's deadly." "The enemy of the gods." These are some of the words that describes her. But how well does t...