Tale 2

17.5K 626 58
                                    


Tale 2

The Dead of Winter

~Oliver~


Tahimik ang malamig na gabi. Pumapatak ang nyebe at umiihip ang malamig na hangin. Iilan lamang ang mga taong naglalakad sa labas ng ganitong oras.

"Pssh.. Wala man lang tayong kinita dun sa tinanggap nating trabaho." Reklamo ng isa sa mga kasama ko, si Layton, habang naglalakad kami pabalik sa guild.

"Pwede bang bilisan na lang natin ang paglalakad??" reklamo naman ni Levin, isa pa sa mga kasama ko habang hinahapit ang suot nyang jacket dahil sa lamig ng hangin.

"Kung bakit kasi ang lamig! Bwisit! Sino ba ang nagpauso ng winter??" naiinis na saad ni Layton

Napailing na lamang ako sa iniasal ng mga kasama ko. Pare-pareho kaming pagod dahil sa tinanggap naming trabaho sa kabilang bayan, malayo pa kami sa guild at hindi pa nakakatulong na palakas pa ng palakas ang pagbuhos ng nyebe.

Kaming tatlo ay mga Experts, licensed alchemists na myembro ng isang malaking guild dito sa City of Altea. May limang ranks ang mga alchemists. Apprentice Alchemist ang tawag sa mga taong nag-aaral ng alchemy. Experts naman ang tawag sa mga taong nakakapag-perform ng alchemy at nakakapag-produce ng mga medicinal pills na may 30% effectiveness. Majority ng population ng mga alchemists ay mga Experts na tulad namin. Ang mga Master Alchemists naman ay mga alchemists na bukod sa may abilidad sila na mag-produce ng 60% effective medicinal pills, mastered din nila ang art of elemental manipulation. Mataas ang posisyon ng mga Master Alchemists sa isang guild at iilan lamang sila. Then there's Grandmasters, sila yung may kakayahang mag-produce ng 90% effective medicinal pills at kayang magperform ng art of elemental manipulation at kayang i-imitate ang mga general magic ng mga mage. Mabibilang sa dalawang kamay ang bilang ng mga Grandmasters sa buong Aralon, at karaniwan ay may mataas silang posisyon sa lipunan. At ang huli ay ang Alchemy King, they can produce perfect medicinal pills, they have abilities on par with mages and they only exists in legends, wala pang kahit sinong alchemy ang nakakaabot sa posisyon na ito sa buong kasaysayan ng Aralon..

"Fudge!" narinig kong mura ni Layton noong may lumitaw na babae sa harapan namin. Nakita ko ang distortion sa ere bago sya lumitaw mula sa kawalan. Pinapayid ng malamig na hangin ang mahaba nitong buhok, pati na rin ang puting bestida na suot nito.

"M-multo???" kinakabahang tanong ni Layton

"Sira ulo. Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa rin sa multo?" tugon ni Levin

Nabaling sa aming tatlo ang atensyon ng babae kaya agad kaming natigilan.. Muka syang isang prinsesa mula sa isang fairytale.. Long blonde hair, blue eyes, rosy white skin, and a kind face..

Narinig kong napasinghap si Layton. "Guys nahanap ko na ang one true love ko.." narinig kong saad nya.

Maging si Levin ay natahimik sa kanyang nakikita.

Noong nagtagpo ang mga mata namin ng babae ay iba ang aking naramdaman. Sa kabila ng mala-anghel nitong anyo, pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ngayon ang isang sinaunang halimaw. Kinilabutan ako pero hindi ko hinayaan na makita iyon ng babae. Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon.

"Miss okay ka lang ba?? Kailangan mo ba ng tulong?? Hindi ka ba nilalamig??" sunod-sunod na tanong ni Layton

"Anong lugar ito??" inosenteng tanong ng babae, pero kahit muka syang harmless ay hindi ko mapigilang hindi maalarma.

"Ehh?? Are you lost?? Kailangan mo ba ng tulong?? Maraming masasamang loob sa lugar na ito, bakit hindi ka na lamang sumama samin? Baka matulungan ka ng guild namin." Pagmamagandang loob ni Layton pero sa totoo lang mukang sya yung masamang loob na tinutukoy nya.

Hindi tumugon ang babae at nanatili lamang itong nakatingin saaming tatlo na parang isang inosenteng tuta..

"This is the City of Altea in the State of Uddara." Saad ko

"Uddara." Saad ng babae at tila na-disappoint ito sa narinig.

"Miss gusto mo ba ng jacket??" tanong ni Levin at nakita kong hinahalungkat na nya yung dala nyang bag para maghanap ng jacket.

Umiling ang babae.. "Thank you, but there is no need for that."

Ipipilit pa sana ni Levin na tanggapin ng babae ang jacket dahil lalo pang lumalamig ang paligid, pero naglaho na ang babae.

"Shet, multo yata talaga yun!" bulalas ni Layton

Umiling ako. "She teleported." Saad ko

"T-teleported??? Ibig sabihin isa syang Grandmaster??" kinakabahang tanong ni Layton

"Impusible yan. Ano namang ginagawa ng isang Grandmaster alchemist sa isang maliit na syudad tulad nitong satin??" hindi rin makapaniwalang saad ni Levin

"Hindi ko din alam.." tugon ko

Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa aking mga sinasabi. Masyado pang bata ang babaeng yun para maging isang Grandmaster. It takes several years of studies to become a Master Alchemists. And it takes tens of years of studies to become a Grandmaster.. Pero kung hindi Grandmaster ang babae ay ano ito?? Impusible naman na isa itong mage.. It's been more than thirty years since the magic of Aralon vanished. Mages were slaughtered after they loss their powers. Wala nang magic sa Aralon, at wala na ding mga mages. This world is not the same as before. The days are always harsh. People are now numb to this coldness. Everyone is waiting for Spring and new beginnings.

Today is just another day in the middle of this dead winter..

 And this is a new era where we live. This is now the era of Alchemy. 


~~~~~~~~~~

AlquemieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon