Tale 38

9.2K 481 46
                                    

Tale 38
Orion


Nakangiti ang haring araw sa kalangitan.

Puno ng kasiyahan ang puso ni Aurio. It’s been a week.

Level Five Expert. Isa na syang Level Five Expert!

Alam nya na utang nya kay Amara ang lahat ng ito. Sa nakalipas na mga buwan ng kanilang paglalakbay, hindi nito nakakalimutan na bigyan sya ng mga pointers at turuan sya ng mga kaalaman sa alkemya.

Ngayong araw ay patungo si Aurio sa Ream Village sa Aragon, ang  baryo na kanyang pinagmulan. Hindi na sya makapaghintay ibalita sa kanyang mga magulang ang magandang balita.

Nasa bulubunduking parte ng State of Aragon ang kanyang village. Malayo sa kabihasnan. Malayo sa magulong mga syudad.

Payak ang kanilang pamumuhay sa munting bayan. Isang mangangaso ang kanyang ama at isang simpleng may-bahay naman ang kanyang ina. Mayroon syang dalawang nakababatang kapatid, isang babae at isang lalaki.

Isang matandang alchemist ang naninirahan sa kanilang liblib na baryo ang nagbukas sa kanyang mga mata sa larangan ng alkemya. Ito rin ang tumulong sa kanya upang makapag-aral sa isang munting paaralan para sa mga alchemist.

Hindi na sya makapaghintay na ibahagi sa kanila ang dala-dala nyang balita!

Dahil liblib ang kanyang baryo, walang sasakyan o kalesa na makikita sa bako-bakong daan na nababalot ng lilim ng mga puno. Nakangiting naglalakad si Aurio dito noong may makita syang bulto ng dalawang tao na nakahandusay sa gitna ng daan.

“T-tulong….” Gumagapang sa lupa ang isa sa kanila at pilit itinataas ang kanyang kamay upang humingi ng tulong.

Dahil sa pusong mamon ni Aurio, walang pagdadalawang isip na nilapitan nya ang dalawa.

“O-okay lang ba kayo? Anong nangyari?!” nag-aalala nyang tanong

“Pssgkhdjlsj..”

“H-huh??”

Anong nangyari? May mga bandido bang sumalakay sa kanila? Mababangis na hayop mula sa kabundukan??

“P-pag… kain….”

“Pag… kain???” Aurio

“Im dying.. Fooooooood.” Saad ng kasama nito

Natigilan si Aurio at pinagmasdan ang dalawang babae.

“We’re starving.. Help… Huhuhuhu…” iyak nila

Aurio was dumbfounded. But he readily gave them food in the end.

“You’re our savior…” iyak nila habang ngumunguya ng cookies.. Pasalubong nya sana yun para sa mga kapatid nya, pero ibinigay nya na lamang sa dalawang babae.

“Where are you going? How did you end up here??” tanong nya sa dalawa

“We’re aimlessly travelling. We have limited money and we spent it all while travelling. We’re broke now.” Sagot ng mukang mas bata, she’s probably around thirteen..?

“We’re lost. And for some reason, there’s no edible fruit growing around this mountain!” dagdag ng isa pa

“It’s getting dark. It’s dangerous around this area. My village is nearby, you should stay there for the night.” Pagmamagandang loob ni Aurio

“You’re too kind.” Komento ng mukang mas bata na tila matured para sa edad nya

“Is that sarcasm?” Aurio

AlquemieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon