Tale 10

10.3K 488 30
                                    

Tale 10

The Number One Bully


Abala ang mga tao sa loob ng main office ng Thousand Crows. May mga alchemists na nagfi-file ng mga trabaho na gusto nilang tanggapin. Mayroon din naman na mga abala sa pagrereport sa mga natapos na nilang trabaho sa labas ng guild.

Isa si Lyra sa mga alchemists na naghahanap ng mga trabaho sa labas ng guild na nakapaskil ngayon sa isang board sa pinakasentro ng main office.. Hindi pa sya makapagdesisyon sa trabahong gusto nyang tanggapin.

"Lyra nabalitaan mo na ba??? May tinanggap na trabaho si Lyndon sa labas ng guild.." masiglang saad ng isang babaeng alchemist sa kaibigan.

Nabalot ng pagtataka si Lyra dahil ngayon lamang ulit tumanggap ng trabaho sa labas si Lyndon. Alam ni Lyra na abala ang binata sa paghaghanda sa nalalapit na Master Alchemic Examination nito dalawang buwan mula ngayon.

"Anong trabaho ang tinanggap nya??" usisa ni Lyra sa kaibigan.

"According sa source ko, isa si Lyndon sa tatlong level 5 alchemists na ipapadala sa Bloodmoon Alchemy Guild sa City of Tempus. Isang linggo silang mananatili doon para magbigay ng lectures sa mga alchemists. May isa pang available slot at pinagkakaguluhan iyon ngayon ng tatlong haliparot na level 5 alchemists.." tugon ng kaibigan ni Lyra.

Sa kasalukuyan, labingwalo lamang ang Level 5 Experts sa 1st Division kabilang na ang bagong recruit na si Amara. Karamihan sa mga ito ay mga kalalakihan kaya naman sigurado si Lyra na mula sa ibang mga Divisions ang tatlong babae na nag-aagawan sa natitirang slot para sa trabaho sa Bloodmoon Alchemy Guild.. Hindi ipinahalata ng dalaga sa kaibigan, pero sa loob-loob nya ay gusto nya ring makipag-agawan sa natitirang slot na iyon. Ang problema lamang, Level 4 Expert lamang sya kaya hindi sya qualified para sa trabaho.

Noong nakapili na ng trabaho si Lyra ay agad na syang nagtungo sa isa sa mga bakanteng counter para mag-file ng trabaho..

"Like I said ako ang nauna dito kaya sakin mapupunta itong job offer!!" saad ng 28 years old Level 5 Expert mula sa 3rd Division

"Like hell ikaw ang nauna!! You're dreaming! Ako ang nauna dito!!" tugon ng 29 years old Level 5 Expert mula sa kapareho nitong division

"Hindi mahalaga kung sino ang nauna, ang importante ay kung sino ang pinakaqualified para sa trabaho. At ako yun!!" kontra nung 28 years old

"No! I'am the most qualified for this job!" banat pa nung 29 years old

"You people should back off, I'm from the 2nd Division and I'm the most qualified for this job!!" sabat ng 27 years old Level 5 Expert mula sa 2nd Division

Ilan sa mga alchemists na naroroon ay hindi napigilan mapalingon sa tatlong babaeng alchemists na kasalukuyang nagtatalo para sa isang job offer. Kung pangkaraniwang pagkakataon ay walang magbibigay pansin sa nangyayari, normal lamang na may pagtatalong mangyari lalo pa at hindi sapat ang bilang ng mga job offers para sa bilang ng mga alchemists na naghahanap ng trabaho.. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Ang tatlong babae ay mga Level 5 Experts mula sa ibat-ibang Division. At kilala ang tatlo sa bawat division na pinanggalingan nila.. Hindi pa sila umaabot sa edad na 30 pero mga level 5 Experts na sila, kaya naman itinuturing silang mga henyo ng kanilang Division. Dahil dito may ilang alchemists na sadyang huminto sa kung ano man ang kasalukuyan nilang ginagawa upang panoorin ang mga mangyayari. Nais nilang malaman kung sino sa tatlong babae ang makakakuha sa job offer na kanilang pinag-aagawan..

"—and cool! I can't believe you actually have them as pets.." may isang nakakainis na boses ang agad na umagaw sa atensyon ni Lyra.. Agad nyang naalala ang nakakainis na new recruit ng 2nd Division. Ang Level 1 Expert na si Aurio.. Agad syang napatingin sa entrance ng main office at tulad ng kanyang hinala ay nandito nga ito. But her irritation was instantly replaced with respect after seeing the person next to Aurio..

AlquemieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon