Tale 6

12.2K 533 30
                                    

Tale 6

Adept in the Art of Alchemy

~Eclipse~

“Have you heard? The Phantom Emperor destroyed the Spirit Subduing Guild the other night!”

“Of course! The Phantom Emperor is the most mysterious person for the last couple years! He would come and go like a ghost.. No one truly knows who he is!”

“Isnt that the reason why everyone calls him Phantom Emperor? He controls an entire army of powerful beings but no one knows who he is or where to find him!”

“Mysterious.. Very mysterious indeed.”

Natigil lamang sa pagtsitsismisan ang dalawang tao noong lumapit ako.

"Miss anong kailangan mo?? May ipapaskil ka bang trabaho para sa mga alchemist o mag-aapply ka bilang alchemist ng guild???" tila hindi interesadong tanong ng isa sa dalawang lalaki na nagbabantay sa gate.

Napaisip ako sandali.. "Gusto kong mag-apply bilang isang alchemist." Tugon ko

Pinasadahan ako ng tingin ng dalawang lalaki. Tila nagtataka at hindi naniniwala na isa akong alchemist.. Pero hindi rin nagtagal ay inabutan nila ako ng isang identification pass..

"Dumiretso ka sa ikatatlong building mula dito, doon ginaganap ang application para maging alchemist ng guild." Saad ng isa sa kanila at hindi na nila ako binigyang pansin pa. Thanks to the vail that's covering half of my beautiful face.

Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Malawak ang bakuran ng guild, at kahit mula rito ay hindi ko pa matanawan kahit isa sa mga building na tinutukoy ng mga lalaki kanina. Patunay iyon na isang malaki at kilalang guild ang Thousand Crows.

Inabot ako ng kalahating oras para marating ang ikatlong building. Pinili kong maglakad lamang sa halip na magteleport dahil ninanamnam ko ang katahimikan at ang kagandahan ng lugar. Kahit taglamig ay nababalutan ng ibat-ibang uri ng halaman ang paligid. Karamihan sa mga halaman at puno ay mga medicinal plants kaya naman sariwa at nakaka-relax ang hangin sa lugar.

Noong pumasok ako sa ikatatlong building ay nakita na maraming tao. Karamihan ay mga middle age na kalalakihan. May ilan ding mga babae. At iilan lamang ang mga kabataan na tulad ko.. Saglit na nabaling sa akin ang atensyon ng ilan sa kanila pero hindi iyon nagtagal. Abala ang ilan sa binabasa nilang medicinal books. Ang ilan naman ay tila tensyonado..

"Miss fresh grad ka din ba??" tanong ng isang lalaki na nakapila sa unahan ko.

Tumango lamang ako at hindi na nagbigay ng iba pang inpormasyon.

"Ako din. Kinakabahan ako. Balita ko sobrang hirap ng proseso para makapasok dito sa guild. Pero sa kabila noon maraming nakukuhang benefits ang mga myembro kaya naman maraming sumusubok mag-apply.." saad ng lalaki kahit hindi naman ako nagtatanong. Tumango lamang ulit ako.

"Are you a local here in DresRossa?? Pamilyar ka kasi??" tanong nya at nag-uumpisa na akong mainis, naalala ko kasi si Blabbermouth sa lalaking ito.

"No." simple kong tugon

Tumango-tango naman sya. "Sabi nila anim lang ang kukunin nila mula satin. Tapos after six months na ulit sila tatanggap ng mga bagong alchemist.. Kinakabahan tuloy ako.." saad nya ulit kahit hindi ko naman itinatanong. "Ah, Aurio nga pala ang pangalan ko." pakilala nya pero tinanguan ko lamang sya at hindi na nag-abala na magpakilala.

Kung ganun ay sakto lang ang pagpunta ko dito. Kung na-delay pa ako ng isang araw ay maghihintay pa ko ng six months para makapasok sa guild.

Ipinagpatuloy ng lalaki ang pagsasalita pero hindi ko na sya pinakikinggan pa.. Ibinaling ko ang pansin sa nangyayari sa aking paligid. Napansin ko na sampung tao lang ang pinapapasok nila doon sa isang silid. May ilan na aakyat sa 2nd floor at may ilan na aalis na matapos lumabas sa silid na iyon, pagkatapos ay magpapapasok ulit sila ng sampo.

AlquemieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon