27- Permission

1K 35 6
                                    



Ashley





Sinundan ko ng tingin si Tan nang umalis siya dito sa movie room ni Lance. Bakit siya umalis? Kanina ko pa pansin na parang wala siya sa mood. Sumisilip ako sakanya at pinagmasdan ang ginagawa niya.






Hindi ko alam bakit pagdating namin dito sa bahay ni Lance ay hindi kami nag-uusap. Dahil ba sa nangyare kanina?






Pinag-usapan naman namin about dun.. and okay lang naman sa akin. Nagulat lang ako sa ginawa niya.. hindi ako galit.. naiintindihan ko naman.






Napahinga ako ng malalim at sinubukan mag focus sa movie na pinapanood namin. Pero wala, hindi ko maintindihan dahil panay check ko sa phone ko baka kasi nagtext si Tan. Tinitignan ko din ang pinto baka bumalik siya. Hindi ako mapakali dito sa pwesto ko.






Tinignan ko si Lance na nasa sahig habang kumakain ng popcorn, "Psst Lance" pabulong kong tawag sakanya, ayaw ko maistorbo ang mga kaibigan namin nanunuod 






Kesa na si Lance ang tumingin, etong girlfriend niya ang tumingin sa akin. "Psst lance!" medyo malakas na ang tawag ko pero hindi parin naririnig ni Lance kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng popcorn sa bowl at binato ito sakanya






"Ay gags" napalingon siya sa akin at napataas ng kilay. Nag peace sign ako, "Si Tan?" bulong ko







Tinuro niya ang pinto tapos nag hand gestures na nagsmosmoke. Napasimangot ako, badtrip nga siya..







"Puntahan mo" bulong niya "Nasa backyard yun" dagdag niya at ngumiti sa akin bago ibalik ang atensyon niya sa tv

Tan and Lallaina Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon