Ashley
Iyon ang huling tingin sa aking ni Tan sa gabi na iyon. Wala nang nasunod after that. Halos mga 12am nadin kami nakauwi dahil madami kami napag-usapan. Hindi gaanong nagsasalita si Tan, nakikinig lang siya or minsan nagcecellphone siya. Ako, pinagmamasdan ko lang siya.. Alam kong napansin iyon ng mga kaibigan ko kaya habang pauwi kami ay hindi na nila ako hinayaan makatakas. Agad nila ako sinabihan.
"You're staring at him the whole time we're together!" sabi ni Angela habang nagmamaneho. Isinandal ko lang ulo ko sa may bintana "Ashley, umamin ka nga. Hindi ka pa ba nakakapag move on?"
"I already did.." Mahina kong sagot "I still can't believe he's back.."
"Kung naka move on kana, hindi dapat ganyan ang reaction mo" sabi ni Angela, sumilip siya sa akin "Hindi ka din dapat affected sa mga sinasabi niya kanina" dagdag niya at napailing
"Ganon ba talaga si Tan? Masungit, cold hearted guy, mataray?" Tanong ni Gwen
"Well.. dati hindi naman. Mahiyain lang siya Gwen" sabi ni Angela at lumiko sa kabilang daan. "Makakasama mo siya araw-araw Ash, hindi malabong pwede bumalik ang meron kayo noon" pagbabalik ni Angela sa topic namin kanina.
"That's not going to happen bub" tumingin ako sakanya at pinaglaruan ang daliri sa kamay ko "After what I did to him last 2 years ago? Walang pag-asa, things will never be the same again between us.."
"And Angela, hindi mo ba napansin kanina na si Ashley lang ang hindi pinapansin o kinakausap ni Tan?" Wow, talagang sinabi pa ni Gwen iyon. Iniiwasan ko na nga yun nasama pa "Bitter?" natatawa niyang tanong