39- Yours

947 35 12
                                    

Ashley




"Good morning Ash!" bati sa akin ni Mich pagkadating ko sa set namin ngayon. Nakipagbeso siya sa akin at sinabayan sa paglakad papunta sa tent namin







"How's your sleep?" tanong niya, ngumiti ako "Okay lang naman... sayo?" tumango siya at ngumiti ng malaki






"Ayos" sabi niya, siya na ang nagbukas ng pinto tapos pinauna akong pumasok "Ano Ash... pwede ba kumain tayo mamaya?"







Napatingin ako sakanya, "Yung tayong dalawa lang.. treat ko." napakagat ako sa labi ko. Paano ko ba sasabihin na ayaw ko? Magagalit si Tan, tyaka ayaw ko din naman talaga..







"Minsan lang naman ako mag-aya. Pumayag kana. Kakain lang naman tayo" ngumiti pa siya tapos pinagdikit yung kamay niya na para bang nagprapray siya "Please Ash" at nag pout pa siya. Natawa ako.








"Ano.. kasi.. baka may makakita.. baka maissue.." umiling-iling si Mich "Okay lang, ako naman kasama mo! Tyaka kung yun problema mo, edi magtago tayo! Ako bahala, hindi tayo makikita!" ano ba yan? Ayaw magpatalo..







"Sige na Ash, minsan nalang tayo nakakakain at bonding nang tayong dalawa lang. Kaya pumayag kana"






"Si Tan.." sabi ko, tumingin siya sa akin at ngumiti "Okay lang yan, pagpaalam kita. Maiintindihan naman niya yon" nag-thumbs up siya tapos ginulo buhok ko "Sama kana ah! It's a date!"





Tan and Lallaina Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon